18-Truth
"I WON'T GO to the club later, so better bring your car."
Napasimangot naman siya sa sinabi nito. Lagi nalang kasi itong wala sa club at ibang business naman nito ang inaasikaso. Bakit ba kasi kaliwa't-kanan ang business nito.
He chuckled at her before planting a soft kiss. Napangiti naman na siya dito at nagpaalam bago bumaba ng kotse. Matapos ng mahabang sexy time nila ay napahaba din ang tulog niya kaya ngayong papasok na ito sa trabaho siya naman ay magbibihis palang sa bahay niya.
Nakangiting naglakad siya papasok ng bahay. She's still in bliss. Is this what they call after sex glow?
"Ate," nadatnan naman niyang hindi mapakali si Jane sa gate na ikapinagtaka niya. "Why? Anong meron?"
"Ate kasi may lalaking dumating. Corven daw pangalan. Corven Jimenez."
Ang kaninang nasa langit na pakiramdam ay biglang bumagsak. Nanlamig ang kanyang mga kamay. Bakit babalik pa ito ngayong ok na sila ng mama?
"Si mama, nakita ba niya yung bisita?"
"Hindi naman ate buti nalang tulog siya. Ilang beses na din akong nakiusap na umalis siya pero naglibut-libot pa nga sa bahay. Nag-utos pa pong ipagluto ko siya. Ginawa ko nalang baka saktan niya kami eh."
Kitang-kita niya ang takot sa mga mata ni Jane. Mahigpit niya itong niyakap at inalo pansamantala. "Umakyat ka na sa kwarto ni mama. Dun lang kayo at mag-lock ka ng pinto. Wag kayong lalabas ha."
Sabay silang pumasok sa loob ng bahay at agad namang tumakbo si Jane pataas.
She saw her unwanted visitor sitting on the sofa while watching tv. Ang kapal din naman talaga ng mukha nitong magpakita matapos lahat ng ginawa niya sa pamilya.
"Anong ginagawa mo dito?" Matabang na tanong niya dito na nginisihan lang naman ng kausap.
"Asensong-asenso ka na ah. Well, thanks to me. Bigatin talaga yung boss mo."
Kumunot ang noo niya sa naririnig dito. Bakit nito alam ang koneksiyon niya sa boss niya? Bakit nito alam na ang nagmamay-ari ng bahay ay ang boss niya? Bakit nito kilala ang boss niya?
"Kung gusto mong manggulo ulit makakaalis ka na." Matapang ang kanyang mga mata ngunit ang kalooban niya ay nabubuwal.
Years of pain and abuse ang inabot niya dito. Siya ang sumalo sa lahat ng sana ang gampanin nito.
"Don't shout, little sis. Here." Ibinato nito ang isang envelope sa mesa. Tinitigan naman niya ito, nagdadalawang isip kung bubuksan ba at makikinig siya sa nais na sabihin ng nakakatandang kapatid.
"Four months ago, may nagpalaya sakin sa bilibid. He even offered me loads of money. Binayaran niya lahat ng utang ko at binigyan pa ako ng malaking halaga kapalit ang kaluluwa mo."
Malakas itong tumawa na parang isang demonyo. Her body shook in fear. Parang napagtatagpi-tagpi na niya ang hinala mula noong una palang.
"Di ko nga alam kung anong meron sayo at handang magbayad ng ganun kalaki yung ulol na yun. Naisip ko din na ngayon ka nalang magkakakwenta sakin kaya binenta kita."
Kumuyom ang kanyang mga palad, gusto niyang saktan ito sa galit. Gusto niyang iparamdam dito ang lahat ng paghihirap nila mag-ina na kanyahin nito ang lahat ng naipon ng mama at papa.
"Napaka demonyo mo talaga. Wala kang kaluluwa!"
"Tumahimik ka! Kung hindi dahil sakin hindi ka nakakaranas ng buhay prinsesa ngayon. Utang mo sakin lahat pati ang buhay niyo ng nanay mo. Di ka man lang ba nagtaka bago mo tinanggap ang lahat ng binibigay ng amo mo sayo? Isang pokpok ka lang sa bar na pinulot ng yayamaning businessman.

BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomanceSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...