Chapter Twenty-eight

11 1 0
                                    

28-Reclaimed

"BAKIT HINDI ka man lang nagsabi agad? Edi sana nagbestida ako ngayon. Luci naman eh."

Kanina pa nagpupuyos ang kalooban niya ng malamang magla-lunch sila sa family home kung saan nandoon ang buong angkan ng mga Ginobi. Nakapantalon at blouse lang naman kasi siya. Arghh. It's not good enough to make a good impression.

"Don't think about that. I have a very simple family. Aren't you afraid that I might take Lucas away from you?"

Nanlamig siya sa seryosong pagkakasabi nito habang nagmamaneho. Syempre naisip na niya yun at isa iyon sa mga bagay na ipinagsawalang bahala niya mabigyan lang ng inaasam na buong pamilya ang anak.

May plano ba ito?

"Stop the car. Bababa na kami ni Nicho."

Naiinis siya sa sarili kung bakit hindi man lang niya binigyang dalawang isip ang pinapakitang kabaitan ng binata. Tila ba binalot ng kaba at sisi ang kanyang kalooban.

"Hey, be still. I'm just teasing you. You were all about your outfit."

"That's not a good joke, Sebastian Luca. I'm starting to doubt you," malamig ang kanyang titig dito pero deep inside ay gusto nalang niyang umalis malayo sa binata.

He just chuckled as if may nakakatawa talaga sa sinabi nito.

Buong byahe ay natahimik na siya kakaisip. Pinaplano na niya ang mga handang gawin kapag pupwersahin nga siya ng mga Ginobi na ibigay ang anak niya sa mga ito.

"We're here."

Napalingon siya sa bintana at totoo ngang nandito sila sa family home ng mga Ginobi sa Pilipinas. Her hands grew colder at ayaw na niyang lumabas pa.

"Hey kiska, I was just joking." He held her hand tight kaya napatingin na din siya dito. Nagsusumamo ang mga mata nito na parang nakokonsensya sa ginawa.

"Don't ever do that again. I might run away with Nicho and hide forever."

"Oh, I won't let you run away, kiska. Not this time." He smirked at her and planted a small kiss on her forehead. Mainit ang halik nito na parang tumunaw sa pangangamba niya.

Ganoon lang kabilis nitong napawi ang lahat ng agam-agam niya.

"Come, let's get inside."

Inalalayan siya nitong makababa ng sasakyan at binuhat ang anak nilang natutulog. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niyang nanlalamig.

Ngayong nandito na sila ang mas lalo siyang kinakain ng kaba. Kung kanina ay ang sinabi ni Luci ang iniisip niya, ngayon naman ay kung ano kaya ang magiging reaksyon ng pamilya nito sakanya.

"Hey kiska, I was talking."

"Huh? Ah ano yun ulit?"

Sa sobrang kaba ay di na niya namalayang nagsasalita pala ito. Straighten your nerves, Cat. Baka may magawa ka pang kagagahan sa harap ng pamilya ni Luci.

"I said, I think we need to buy a new car. We need to get the one you can easily get in even if you're carrying Lucas."

Mataas kasi ang kotse nito at kailangan pa niyang humawak bilang alalay kapag aakyat na hindi naman niya magawa kung karga niya ang anak.

"Di naman na siguro kailangan yun. Maayos naman nating nagagamit ang sasakyan mo. Or maybe let's use my car."

Ayaw niyang gumastos ito para lang doon. Mababa ang sasakyan niya at maganda ang brand hindi kahihiyan kung ito ang ida-drive nila.

Sold and ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon