14-Change of Heart
THINGS ARE GOING smoothly. Kung hindi siya ang nasa bahay nito, ito naman ang nasa bahay niya at nakikipag-bonding sa ginang. Or maybe, that what she thought.
Naging madalas na din ang pag-alis ng binata dahil sa dami ng inaasikasong trabaho sa Europa. Gusto man niyang itanggi pero nasanay na siyang nasa tabi lang niya ito.
"Huwag mon a kasing itangging si Mr. Luci 'to."
"Ano ba Jenna, hindi nga siya yan. Si Davis mismo ang nagsabing yung kakambal niya ang nasa picture."
Medyo naiirita na din siya sa sinasabi ni Jenna. Hanggang ngayon kasi ipinipilit nito na si Luci talaga ang nasa litratong sinned nito. For all she knows, Jenna is mistaken. Si Davis na mismo ang nagsabi ng totoo.
"Okay sige, itanggi mo lang. Asan ba ang amo natin ngayon?"
"Nasa Italy siya for business matters." Yun ang paalam nito sakanya. Bago ito umalis ay maayos ang nagging pag-uusap nilang dalawa.
"Italy pala. Eh ito, kaya mo pa bang i-deny?"
Hinarap nito ang cellphone sakanya. It's showing a picture of Luci and Georgia together in a restaurant. Magkahugpong pa ang mga labi ng mga ito na para bang walang ibang nakakakita.
"Hindi totoo yan, Jenna."
"Catia, ano ba? Post mismo yan nung Georgia Milton. Magkasama sila sa Italia, Catia."
Parang pinipigang niyadyad na niyog ang puso niya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o dapat ay maging okay lang sakanya. Para siyang niloko nito kahit ang totoo naman ay may Karapatan itong makipagrelasyon sa iba.
"Edi sige, totoo na. Ano namang magagawa ko, Jenna? Hindi naman kami."
Mahigpit lang siyang niyakap ng kaibigan. Walang nagsasalita sakanila hanggang sa maghiwalay na ulit at bumalik sa sariling mga trabaho.
Nagagalit at naiinis siya, pero at the same time alam niya ang tunay na posisyon niya.
"DON'T BE SAD na Ms. Cat. Babalik din naman si boss," pang-aasar ni Davis habang sumisimsim ng Old Fashion. Tiningnan naman niya ito. For the past days ay nasanay na siya sa panunudyo nito.
"Davis pinapunta mo ako dito para sabihin yan?" Pinatawag kasi siya nito mula sa kabilang table. Kahit na hindi maganda ang pakiramdam niya kay Luci ay hinarap parin niya ang sekretarya nito.
"Oy, hindi ah. Here."
May inabot itong isang itim na box sakanya. "What's this?"
"Open it. Pinadala ni boss."
She opened it with confusion. Laging may pinabibigay si Luci sakanya and she loves all of them, pero iba kasi ngayon. Inside is a very thin chain na may maliliit na letra. She can't read it though. It's in East Slavic.
"Davis what does it say?" Pinakita niya ito dito at nahuli niya naman ang pagngisi nito sakanya.
"Daddy's Kiska."
Napangiti na din siya. Hindi niya maiwasan ang kiligin. Yung inis niya ay parang napalitan agad. Mababaw na kung mababaw.
"Mind telling me what kiska means?" Lakas loob na tanong niya na dito. Better ask it to a Russian born than search google, right?
"Err...kitten."
Daddy's kitten?
Lalong lumapad ang ngiti niya. So, she's his kitten all this time. Mula ng tinawag siya nitong kitten he's already branding her. Yun ang gusto niyang paniwalaan.

BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomanceSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...