The Sight To See Death

584 38 18
                                    

Alphonse's POV

"Pasensya....." Mababa at mula sa malayo na boses ang aking narinig.

Sino iyon? Mama ikaw ba iyan??

"Ma...." Pagputol ng aking salita, hindi ko na magawang buksan ulit ang aking bunganga. Na para bang natahi ang aking mga bibig gamit ang makakapal na sinulid.

"May.... Ibibigay ako.... Sa iyo...." Ito lamang ang huli kong narinig bago ako malunod sa malawak at nakakasilaw na liwanag sa aking paligid.

UNTI-UNTI KONG binuklat ang aking mga mapupungay na mata at naaninag ko ang sinag ng sikat ng umagang araw mula sa aking bintana. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang nagi-ingay kong alarm na di ko namalayang tumutunog na pala.

"'Pasensya' ba iyong narinig ko kanina...." Tanong ko sa aking sarili at napatingin sa litrato ni mama.

Bakit hindi ko parin makalimutan iyong nangyari? Ilang taon nadin naman ang lumipas.

Tinatamad akong tumayo at lumakad papuntang kusina para maghanda na nang aking almusal habang kinukusot ang aking mata at humihikab. Napatingin ako sa itaas ko habang iniisip kung anong kakaibang mangyayari sa araw na ito.

Napabuntong hininga ako habang nakapikit.

Wala namang mangyayari ngayon, Alphonse. Stop dreaming already.

Kaya hindi na ako nagsayang nang oras sa pagtutunga-tunganga at pagi-isip ng mga imposible at mabilis nang nagbihis para maaga akong makarating sa eskuwelahan.

HABANG NAGLALAKAD AKO papunta sa eskuwela, may naaninag akong maitim na bagay sa gilid nang aking mata sa kaliwa. Pero noong lumingon ako ay wala akong nakitang kakaiba.

Ha? Dahil ba ito sa panonood ko noong palabas kagabi na iyon at kung ano anong nakikita ko ngayon!

Saway ko sa sarili ko habang sinusubukan kong ibuklat ang aking mga puyat na mata.

Lahat naman na tinuturo ng aming teacher ay napag-aralan kona, since naga-advance reading at self-learning sa aking sarili tuwing wala akong ibang magawa, kaso halos lahat naman ng oras wala akong magawa.

Kaya sobrang boring na nung mga klaseng dinadaluhan ko.

Natapos nalang ang aming unang klase pati narin ang kalahati ng aking araw ng nakatitig lamang ako sa labas nang bintana, hindi ko alam kung anong napakaganda sa mga ulap at sobrang naaakit ako dito. Siguro dahil sa bughaw nitong kulay dahil paborito kong kulay ay bughaw.

O baka naman kasi hindi katulad ng tao ang mga ulap, iyong mga ulap kasama lang ang kalangitan at ang hangin na ang magdadala sa kanila hindi katulad nang mga tao na pwedeng kung saan-saan pumunta basta gusto nila.

Sana pala mga ulap nalang ako sa kalangitan...

Pero minsan biglaan nalang dumadaan ito sa isip ko.

Kung ano ang totoong nangyayari sa mga namayapa na, nami-miss din ba nila kaming nabubuhay?

BREAK TIME NA at mag-isa ulit ako sa gilid nang aming Cafeteria, habang patuloy na iniisip ang mga walang katuturang bagay. Patuloy na sana akong malulunod sa dagat ng aking pagi-isip nung may biglang tumabi sa akin.

"Alphonse, patulong nga ako dito sa assignment sa Science natin," ani sa akin nang kaklase ko na si Lucy.

Siya lamang sa mga kaklase ko ang parati akong kinakausap at nilalapitan, lalo na kapag mayroon kaming assignment na gagawin. Alam kong ginagamit niya lang ako para sa mga grades niya pero wala akong pake, nagaganahan ako kapag naguusap kami at kapag nilalapitan niya ako.

Curiosity In The Boundary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon