CHAPTER 2

232 7 2
                                    

Chapter 2
~•~•~•
Athena P.O.V

B

agsak balikat akung umupo sa upuan ko. Tapos na ang klase namin pero wala pa akong balak umuwi. Lalo na't gumugulo sa isipan ko sila Xander.

Bigla nalang sila lumabas kanina Habang nag di-discuss si Maam. Nag paalam pa ako na mag C-CR para sana sundan sila pero di ko na sila naabutan.

Alam kung away nanaman ang pupuntahan nila pero di maaalis sakin ang mag alala. Gangster sila kaya hindi maiiwasan yung mga ganoong BAGAY.

Inaalala ko sila Tita at Tito pag nalaman nilang nakipag-away nana---

Wait?!

Hindi naman nila malalaman kung hindi ka magiging madaldal diba, self?

Napa hilamos nalang ako sa mukha dahil sa mga naiisip ko, nababaliw na ako?

Kinakausap ko ang sarili ko?

Ohhh....nooooo!

Pinatong ko ang baba ko sa Table at tumingin sa paligid ako nalang pala mag isa dito.

Inayos ko ang salamin ko at tumingin sa orasan it's already 4:30,wala pa talga akong balak na umuwi

Nanatili akong nandito sa room at tinitignan ang mga studyanteng nag lalakad sa labas

Naramdaman ko na nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa, kaya kinuha ko ito habang nakaganon parin ang pwesto

"Hello po?"

{"Ikaw na bata ka! Nasan kana?! Anong oras na! Bat wala ka pa dit---"}

"Kaya wala pa po ako dyan kase nandito pa po ako." Nakangiwi kung sabi at inayos ang salamin ko 

{"UMUWI KANA DITO!"} Rinig kong sigaw ni Papa

{"Ahmm....Anak kasama mo ba si Xander?"} Biglang nag bago ang tono nang pananalita ni mama kaya napa sapo ako sa noo ko.

"Pauwi na ho ako Ma." Pinatay ko na ang tawag at nilagay ang CP ko sa tabi ko

Bakit ba ang gaan ng loob nila sa 'BISUGONG' yun??

Ampon lang ba ako? At totoo nilang anak si Xander?

OMG?!

Nag vibrate ulit ang CP at sinagot ito

{"Kasama mo ba si Xander anak?"} Bumuntong hininga ako bago sumagot

"Ma hindi ko po sya kasama.Ok! Pauwi na ako." 

{“Sure ka? Papuntahin mo sya dito ha? Sabay naka---”}

"Mama naman..."

{"Oo na! Oo na! Umuwi kana!"} I -nend ko na ang tawag at pabagsak na nilapag ang Cellphone ko sa table at dumukmo

Mama ko bayun?? Makulit pa sa akin!

Marahas kung tinanggal ang salamin ko nang mag Vibrate ulit ang CP ko

"Ma! Sabi na hindi ko kasama si----"

{"A-athena!?"} Napaawang ang labi ko nang makilala ang boses nang nasa kabilang linya

"X-xander!?" Sinuot ko ang salamin ko at napaayos ng upo, rinig ko ang ingay sa kabilang linya

"Asan ka....?? Bakit maingay dyan?Xander?!" Hindi na ako mapakali at tumayo. Rinig ko ang mabigat nyang pag hinga 

{"A-athena....Please....Pumunta k-kana dito k-kailangan k-kita!"} Kinuha ko na ang bag ko at lumabas 

"Pano nga kita pupuntahan kung ayaw mong sabihin kung nasaan ka!" Sigaw ko sakanya at napahinto kaya napatingin sakin yung mga nasa paligid

{"D-dito sa Fighting Area...Alam mo n-na to d-diba?!"}

"Papunta na ako!"

{"Pakibilisan...b-baka di ko k-kayanin!"} I-nend ko na ang tawag at tumakbo 

Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay may tumalisod sakin kaya napasalampak ako sa sahig

FCK!!!!

Lumabo ang paningin ko.

K-King*na!

Yung salamin ko!

Bakit biglang natanggal??

Ayy oo nga pala ibang salamin gamit ko pag nasa school ako.

"Oww...Nerd nag mamadali ka ata? Yan tuloy natalisod ka!" Rinig ko ang pagtawa ng mga nasa paligid

Pero wala akong Oras para sa mnga walang kwentang tao na tulad nila.

Tinuloy ko ang pangangapa ko hanggang sa nakapa ko na

Hehehe got yah!

Mabilis kung sinuot ang salamin ko kaso basag na ito tumayo ako at nagpagpag at hinarap sila

Wag ngayon mga bruha!! Nag mamadali ako!

Nakuu! Sarap nyong Sambunutan! Gigil nyo si Ako.

Busetttt!!

"Pwede ba wag kayong umeksena ngayon! Nag mamadali ako!" Sigaw ko at nilagay pasan sila kailangan ako ni Xander

Natigil ako dahil hinawakan nya ang braso ko at nilapag ako sa kanya

"Sandali! Wag mo akong nilalagpasan lan---" Hindi ko na sya pinatapos at malakas sayang sinapak 

Buti hindi pumalya

Patakbo akung umalis dun. Hindi ako pwedeng sumakay dahil tagong lugar yun kaya wala akong choice kundi tumakbo.

Bakit kasi wala akong kotse sa edad kung ito!

Ah! Pinag si-sisihan ko na tinanggihan ko ang rigalong kotse ni Kuya nung Birthday ko!

Sht!!!!

Athena! Kailangan mong bilis!!!

Habang tumutulin ang takbo ko nag Vibrate ang CP ko kaya sinagot ko ito

"H-hello??" Hingal na hingal na ako malayo na ang tinatakbo ko at hindi pa ako nakarating

Hirap talga pag maliit bias mo

{"A-athena?? Nasan k-kana?!"} Si Xander

"Malapit na ak------Ay P*tangena ako maganda!"

Sht!

Nadapa akoooo!

{"A-athena bakit? Anong nang yari sayo?"}

Tumayo na ako at tinignan ang tuhod ko 

"W-wala...may nasalubong lang na palaka!"

Mga parr...

May sugat ako! huhuhuhuhu

{"Hihintayin kita d-dito!"}

"Cge....natatanaw ko nayung gym!" Pinatay ko na ang tawag at pinilit na makatakbo.

~•~•~

ANG GANGSTER KUNG KAIBIGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon