CHAPTER 40

78 5 0
                                    

CHAPTER 40
~•~•~•
ATHENA P.O.V

PAG kababa ko sa hagdan ay naabutan ko silang nakabihis na at syempre ginawa nanamang boxing ring nila Ken at Liam ang sala.

Nang mapansin ako ni Xander ay ngumiti sya agad at lumapit sakin, kinuha nya ang bag ko at sinakbit iyon sa braso nya na hinayaan ko lang. Nanliligaw sya diba?

"Pst! Hoy! Tara na! Nandito na Baby ko!" Aya ni Xander at inakbayan ako.

Maloko naman silang tumingin samin.

"Kayo Ahh! Ang sweet nyo!" Sabi ni Liam. Lumapit naman sakin si Ken

"Nakaalis naman daw ba sila nang ligtas?" Tanong ni Ken kaya nginitian ko sya nababagay lang talaga sya kay Lian.

"Oo. Tinawagan nila ako kanina. Isapa pinapasabi nya dapat daw pag balik nya may laman na daw yang katawan mo...pumapayat ka daw kasi" Nakangiwing sabi ko bigla namang tumaas ang isang kilay nya at kinuha ang cellphone nya

"Payat pala ahh---" Tumalikod na sya samin maya-maya pa ay bigla nalang syang sumigaw

"Baby! Hindi ako payatot kaya ka nga na in love sakin diba? Anong I love you--- Yieeee... I love you too----" And so on... umalis na sya sumunod naman sa kanya ang apat makiki chis-miss ata.

Kalalaking tao manga chismoso.

"Tara na baby" Nauna na ako maglakad hindi ko na kasi kaya pag nag nakadikit ang manga balat namin kinikilabutan ako...

Nang makarating kami sa garahe ay napanganga nalang ako...

Wala na yung manga kotse iniwanan nila kami at ang natitira nalang ay anim na bike

"F*CK!" Biglang sigaw ni Xander kaya napalingon ako sa kanya

"Anong gagamitin natin?" tanong ko bumuntong hininga naman sya at tinitigan ang isang bike.

Wag nyang sasabihing mag b-bike kami. No! No!

"No choice...mag b-bike tayo" Kibit balikat nyang sagot

Napalunok naman ako bigla at tumingin sa bike.

.

.

.

.

"X-xander cgurado ka? Hindi ako marunong mag bike alam mo yan" Kinakabahan kung tanong nang makalabas na kami sa gate

Ngumisi naman sya bigla sakin.

"Sino ba nag sabing ikaw ang mag b-bike u-upo kalang sa likod ko" Sabi nya kaya nahampas ko sya sa braso nya

Sumampa na sya sa bike habang ako ay nakatayo lang.

"Sakay na. Ma l-late na tayo"

"Safe bayan? Wala bang helmet?" Tanong ko at tinawanan lang ako nang loko.

"Ano ba Xander!" Sigaw ko at inayos ang salamin ko.

Yes. Nag salamin ako hindi kasi talaga ako sanay sa contact lens.

Nilagay nya ang bag ko sa basket sa harap nang manibela at seryoso akung tinignan hinawakan nya ang dalawa kung kamay.

"Wag kang matakot...hindi na mangyayari yung nakaraan, huh? ako ang kasama mo hindi ko hahayaang may mangyaring hindi maganda sayo. Hindi ko hahayaang may mangayri sa mahal ko." Hindi ko alam pero may kiliti akong naramdaman sa tyan ko, hidni ko napansin na napangiti na pala ako inaamin ko nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Pag tayo talaga sumemplang! Hindi kita sasagutin!" Pananakot ko umiling-iling naman sya

"Hindi tayo sesemplang. Dahil hindi mo ako sasagutin. Kaya sakay na" Bumuntong hininga nalang ako

ANG GANGSTER KUNG KAIBIGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon