CHAPTER 1
•~•~•~
ATHENA P.O.V
N
ang mahanap ko na ang magiging room ko ay nag lakad na ako papasok, wala pa ang Teacher pero napunta sakin ang atensyon nila
Feel ko naman sa sobrang ganda ko
Inayos ko ang salamin ko bago umupo sa dulong table malapit sa bintana
So...mag papakilala muna ako kanina pa ako dada ng dada dito di nyo pa ako kilala
Ok!
My name is Athena Marion Sanchez!19 years old!
Bago lang ako sa University nato napilitan mag transfer dahil sa Mommy ni 'BISUGONG XANDER' kaibigan ko. Nakiusap sakin sila Tito at Tita na lumipat dito para daw masubay-bayan ko bawat kilos ni Xander, para daw may makasama sya.
The Heck!?
Ang daming tropa nun!!
At dahil din sa impluwensya ng BISUGONG yun!
Idadamay pa ako sa katarantaduhan nila!
Well...tarantado na talaga ako since birth hahaha
"Good Morning Class!"
Oh!Nandito na pala ang aming magandang Teacher
“Good Morning Ma'am!”
“I heard na we have new student? kindly stand up and introduce your self, here in front!” Tumayo ako at pumunta sa gitna
"My name si Athena Marion Sanchez, as you see I'm a NERD but I have a full Fighting spirit. Sana naman maging mabuti kayo sakin!" Dahil kung hindi Papakyuhan ko kayo ng bente-bente!
Umupo na ako sa upuan ko at hinayaan mag discuss si Ma'am
Maya-maya pa ay biglang kumalabog ang pintuan kaya tumingin kami dun at pumasok ang anim na Lalaki
Naiayos ko ang salamin ko ng makilala sila.
OMG!!!
Bakit kaklase ko sila?! Bakiiiittt?! Kakadasal ko lang kanina ahhh! ANO toooh!
Bakiiiitttt silaaa?!
Hayuuuupppp!!
Nag simulang mag tilian ang mga babae sa class room, habang ako nakatingin lang sa kanila.Nakita ko ang pag lawak nang ngiti nila ng makita ako, habang yung 'BISUGONG XANDER' ayun may nalalaman pang kinang kinang ng Mata.
Gaguuuee kayo!
"Boys!Mag sipasok na kayo!" Sabi ni Ma'am nag kibit balikat nalang ako at nag drawing ulit.
Hanggang sa may naramdaman akong umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko
“Sabi na di mo ako matitiis ehh...” Bulong nya sa akin at may pang aasar na ngiti
“Nye, nye, nye! Siraulo!” Nginitian lang ako ng hayup at ako naman ay nag drawing ulit.
Natapos nalang mag discuss si Ma'am, wala akong masyadong naintindihan dahil kay Xander na bulong ng bulong
Di nalang naging bubuyog to
Buset nayan!
"Class wala si Sir.Sandoval kaya pwede na kayo mag recess!" Sabi ng isang babae sa gitna, sya ata ang President
Lahat ng nasa classroom ay nagsilabas at tanging kaming pito nalang nandito
"Nerdy! Namiss ka namin, akala talaga namin eh nag bibiro lang si Xander na lilipat ka dito!!" Nagsikuha sila ng upuan at pinalibutan ang table namin.
Ohh...ohhh....Eto na...
"May pang bla-blackmail na nangyari!" Simpleng sagot ko kaya nag tawanan sila.
"Pano bayan?! Nandito na ang Pangalawang NANAY mo!" Nag tawanan sila lalo habang ako nakatingin lang ng masama sa kanila
"Wala ba kayong balak na mag Recess?”
"Hmm...Tara sa cafeteria!" Sabi ko at tumayo na, nauna ako mag lakad sa kanila dahil baka pag chismisan kami. Alam nyo na gangster ang mga burikat na kasama ko.
"Uyy...Athena sandali!" Lumingon ako sa likod ko.
May nag babadyang bubuyog sa paligid.
"Bakit?" Inayos ko ang salamin ko at huminto.
"Sabay kana samin." Inakbayan ako ni Xander kaya hinampas ko ang kamay nya at sinamaan sya ng tingin.
"Ang bigat ng braso mo.” Nauna na ulit ako mag lakad.
Mga epal sila!
Wala akong pake kung sumasama ako sa kanila pero ayoko din namang biglang gumulo ang buhay ko dito sa University. Nerd ako pero palaban ako laging naka sunod saakin ang gulo kaya laging nagagalit sakin si Mama at Papa.
At ang mas malupet kumampi sila kila Tito para mapilit ako na dito mag aral para daw may katapat ako.
Tsk! As if naman na makakahanap ako ng katapat dito baka sila ang makahanap ng katapat at ako yun!
Hahahahahahahaha!
"Ano bang Problema at ang i-issue ng mga tao ngayon." Sabi ko at inikot-ikot ang spaghetti sa tinidor.
"Oy! Nerdy! Nag iisa ka dito, dito nalang kami umupo ah----"
"Hindi pwede! Lumayo kayo sakin first day of school ko palang kaya ayoko ng gulo!" Putol ko sa sinasabi ni Luhan at tinuro sa kanila ang tinidor napalunok naman sila. Umupo sila sa katapat ng table ko.
Pero syempre sumisilip din ako sa table nila nag iingay yung lima pero yung nag iisang 'BISUGO' ang cold ng aura nya
Whaaaaaa....
Naol...
Pag ka lagay ko ng mga pinag kainan ko sa lababo dito sa cafeteria ay may humarang sa daan ko.
Inayos ko ang salamin ko ng makilala sila.
"Oh! Ms. Perfect?" Tanong ko pero tinaasan nya lang ako ng kilay.
Tanggalin ko yang peke mong kilay ehh
"Nagkita naman tayo, Panget!" Sabi ni Ms.Perfect.
"Problema mo? Nakaharang ka sa daanan ko...I mean Nakaharang KAYO!"
"Nalaman ko lang naman na katabi mo sa upuan si Xander!" Bumuntong hininga ako sabi na eh parang apoy ang Chismiss ang bilis kumalat
Ang babaw naman ng Isang to
"Eh ano naman kung katabi ko yang Xander na sinasabi nyo?"
"Lumayo-layo ka sa kanya at baka pag sisihan mo na lumipat ka dito!" Umalis na sila sa harapan ko
Napakibit balikat nalang ako at umalis narin
Ako na kasi laman ng bulungan nila.
Ganito ba talaga pag ang isang ako'ng Nerd na Maganda talaga ako.
•~•~•~
BINABASA MO ANG
ANG GANGSTER KUNG KAIBIGAN
ActionAnim na lalaking Gangster at Isang Babaeng Kaibigan nila. The girl name is Athena Marion Sanchez. May nakaraan ngunit di nya maalala, may secretong tinatago, Nerd not actually Nerd, she have eye glass na kahit makipag patayan sya ay di natatanggal...