CHAPTER 31
~•~•~•ATHENA P.O.V
“Athena!” Napangiwi naman ako sa Sigaw ni Xander
Lintek na?
Makasigaw kala bati na kami!?
Mabilis kung tinapos ang pag susuklay nang buhok ko at tumingin sa salamin
Nakasuot lang ako nang short lagpas tuhod at naka jaket na black with hood hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko
Mukha man akung tomboy okay na ito, inayos ko ang salamin ko bago bumaba.
“Bat ang tagal mo?” Kunot noong tanong ni Xander
“Sino ba may kasalanan? Ha?! T*nga neto! Pati panonoot ko nang damit pinapakealaman mo!” Sigaw ko at nilagay sa bulsa ang kamay ko ilang beses nya na kasi ako pinag palit nang damit.
"Hahahaha...para kalang susugod sa kabilang kanto ahh?"
"Mas Lalaki ka pa ata samin."
Inirapan ko lang sila at nauna na sa sasakyan
Maya-maya pa ay nag sipasok na sila at dahil nga swerte ako...
Katabi ko pa ang lintek na Bisugo na to na nakipag tulakan pa kay Liam at Ken para lang mauna sa tabi ko
Nasa tabi kasi ako nang bintana
“Ganda mo ngayon...baby ko ahh?” Nag cross arm lang ako at tinaasan sya nang kilay
“Wag mo akung kakausapin, baka di ako makapag pigil susungal-ngalin kita” Pinanlakihan ko pa sya nang mata at pinakita ang kamao kung naka tiklop,
pero dahil nga...matapang na Lalaki ang Bisugo nato nginitian lang ako
Grrrr...
“Gusto mo pa atang madag-dagan yang pasa mo sa mukha mo, ano!?” Sigaw ko
Nahuli ko kasi sya kanina, salamat sa tulong ni Liam
Hahahahahahaha...
FLASHBACK>>>
“Liam nasan na!?”
“Hindi ko alam!”
“Sasapakin kita kapag hindi mo sasabihin!” Sigaw ko sa kanya
“Sapakin mo nalang ako! Wala ako sasabihin!” iiling-iling nyang sabi at tinikom pa ang bibig
Hahahaha...masyado silang loyal sa Hari nayun!
“Wala kang sasabihin?? Pwes ako meron.” Pananakot ko
“Ipag sisisigawan ko dito na dinekwat mo yung boxer ni Xander nung nawalan ka nang boxer dahil tamad kang mag laba, hindi lang isang beses tatlong beses pa at yung paburito nya pang, Batman!” Sigaw ko sa harapan nya
Napangisi naman ako nang makita ko ang takot sa mukha nya at ilang beses na pag lunok
“Mapapatay ka ni Xander Pag nalaman nya yun...at pag tatawanan kapa nang mga kai---”
“N-nasa... rooftop sa kwarto dun, nandun...”
Inayos ko ang natabingi kung salamin at tinapik sya sa balikat bago umalis
END OF FLASHBACK
“Baliw kaba...bat nakangiti ka?” napa face-palm nalang ako dahil sa tanong ni Xander mabilis akong nag iwas nang tingin at tumingin sa mga matang nakatingin din samin
BINABASA MO ANG
ANG GANGSTER KUNG KAIBIGAN
AcciónAnim na lalaking Gangster at Isang Babaeng Kaibigan nila. The girl name is Athena Marion Sanchez. May nakaraan ngunit di nya maalala, may secretong tinatago, Nerd not actually Nerd, she have eye glass na kahit makipag patayan sya ay di natatanggal...