CHAPTER 36

80 5 8
                                    

CHAPTER 36

"Kinakabahan ako!"

"Pinatawag daw lahat ni Queen Dark ang lahat nang Gangster's"

"Ano kayang ginagawa nya dito at biglang nag patawa nang meeting"

"Balita ko kasama nya ang manga kaibigan nya"

"Makikita na ulit natin silang mag kakasama"

"May laban kaya?"

"Makikita ko narin si Idol!"

"Madalang lang na pumunta dito si Dark"

"That B*tch! Porket sya ang Queen biglaang mag papatawag nang meeting! May date ako!"

"Akala ko patay nayan... Di nalang natuluyan tapos ngayon nandito nanaman"

Sarit-sarit bulungan ang maririnig sa loob nang Underground dahil nga sa biglaang pag papatawag nang lahat ng Gangster's ni Dark.

May kinakabahan, may natatakot, May Exaited, meron ring namang manga galit na gusto syang patayin at higit salahat may pachill-chill lang na parang wala lang sa kanila.

Nakarating narin sila Xander pero hindi sila mapakali dahil hindi nila makita si Athena ilang beses narin nila itong tinatawagan o tine-tex pero wala itong sinagot kahit Isa sa manga iyon

“Sumagot naba sya?” Tanong ni Xander sa manga kasama nya na halata sa mukha pati sa boses ang iritasyon at pag a-alala

“Nakapatay ang Cellphone nya Xander” Sagot naman ni Liam kaya napapikit nalang si Xander habang nag pipigil nang inis

‘Akala ko ba nandito na sya’

“Chinek ko ang CCTV nag park sya sa parking lot at gamit nya ay ang nag iisang black sports car na katabi lang nang Van natin, pag katapos nyang bumamaba may sumalubong sa kanyang tatlong Lalaki at dalawang Babae na naka mask----Wait tignan nyo Familyar yung mask nila?!” Agad namang tumingin ang manga kasama ni Ken sa kanya pati narin si Xander na kulang nalang imud-mud nya sa mukha ang laptop

Kumunot naman ang noo nila habang nakatingin sa screen

“D-diba yan yung...maskara nang manga tagasunod n-ni Dark?” Hindi makapaniwalang tanong ni Luhan. puno nang katanungan ang manga utak nila dahil sa pag sama ni Athena sa manga taong yun at mukhang masaya pa sila

“Kilala ba sila ni Athena?” Tanong naman ni Ben dahil yumuko pa ang manga taong yun sa harapan ni Athena na wari bay nag bibigay nang galang

“Bakit sa kanila sumama si Nerdy?” Kunot nuong tanong ni Ziggy

Nag hihina namang Bumalik sa pwesto si Xander, hindi sya t*nga para hindi masagi sa isipan nya Yun

‘Baka sya si Dark?’

Pero imposible dahil walang anomang Organisasion na sinasalihan si Athena at yun ang sinabi nito sa Kanila.

Nag sinungaling ba sa Kanila si Athena?

Pero bakit?

‘Mali ang iniisip ko hindi magagawang mag sinungaling samin ni Athena’

Hindi sinasadyang nag tama ang manga mata nila ni Ken at halata sa mata nito na may pinapahiwatig pero inilingan nya lamang ito

“Hindi naman siguro sya si Dark diba? Lagi natin kasama si Athena kapag may laban at nakikita natin si Dark dito?" Tanong ni Liam na ganun din pala ang iniisip

Gulong-gulo narin si Xander nag aalala sya kay Athena baka kung anong gawin nang manga yun sa pinakamamahal nya...pero kahit ganun sumasagi talga sa isipan nya na may tinatago sa kanila si Athena

ANG GANGSTER KUNG KAIBIGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon