Kabanata 3

11 3 0
                                    

KABANATA 3

Nagising ako ng maramdaman kong tumigil ang kotse, pagtingin ko sa labas ay nasa isang tabing ilog kami. Sa tuwa ko ay lumabas agad ako at tinignan ang paligid. First time ko makapunta sa ilog, kahit kailan ay hindi pa ako nakakapunta dahil wala akong sapat na pera para magpunta sa mga ganitong lugar, ang laging set up ko lang ay bahay, trabaho at school, kung minsan ay hindi na ako lumalabas ng bahay para lang hindi mabawasan ang pera ko.

Sobrang payapa ng ilog dito, medyo malawak na damo bago mo marating ang ilog. Kaharap ng ilog ang likod ng paaralan namin. Ngayon ko lang nakita ang lugar na ito, hindi ko alam na may ganitong lugar pala sa likod ng paaralan namin.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya, hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya.

"Grabe, hindi ko alam na may ganito palang lugar dito lang." Sabi ko habang nakatingin parin sa ilog.

Sobrang linis ng ilog, may mga dandalyon din sa mga paligid na nagsasayawan dahil sa hangin.

"Let's go." Sabi niya at hinila ako palapit sa ilog. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin dito. Mabuti nalang at walang masyadong init. Feeling ko nasa probinsya ako...

Pagdating namin sa dulo kitang kita ko ang tubig na napakalinaw, may mga isda rin akong nakikita, normal na laki, meron din maliliit at malalaki. Grabe, napaka ignorante ko.

Lumuhod ako para hawakan ang tubig, nakikita ko na ang reflection ng mukha ko sa sobrang linis ng tubig. Sobra sobra na ang saya ko ngayon, kung kanina na inaantok ako ngayon naman mas gusto ko pang pagmasdan ang paligid.

Bakit kaya walang tao dito? Sobrang ganda dito pero walang tao. Napaharap ako kay Jake na nakatingin na sa akin. Nagulat pa siya nung una pero ngumiti rin siya.

"Jake, bakit walang tao dito?" Takang tanong ko.

"Private property kasi ito." Sabi niya.

Private property?

"Bakit tayo andito kung gano'n? Baka mahuli tayo dito ah, sasapakin kita kapag nakulong ako! Hindi ako pwede makulong." Sabi ko sakanya.

Tinawanan niya naman ako at nahiga sa damuhan.

"Sa amin ang property na ito...kaya walang tao dito dahil hindi namin pinapabuksan dahil ayaw naming masira ang kagandahan dito sa paligid. Ang mga tao ngayon ay hindi pinapahalagaan ang kalikasan, kaya pinasara ang lugar na ito." Sabi niya.

"Kung gano'n, bukas ito dati?"

"Oo, sa sobrang dami ang pumupunta dito naubos na ang mga halaman kakabunot nila..." Napatigil ako sa sinabi niya dahil binubunot ko ang damo na nasa paligid ko. Nakagawian ko na kasi ang pagbubunot ng damo kapag nasa ganitong lugar ako.

"S-sorry." Nahihiyang sabi ko.

"Hindi rin sila marunong mag tapon sa tamang tapunan. Tinatapon nila kung saan-saan, pati ang ilog ay naging itim na ang kulay dahil sa kagagawan nang tao. Sinubukan naming iligtas ang ilog na ito, nang maging maayos ulit ang ilog na ito pinasara na ng tito ko dahil wala naman sa katinuan ang mga tao kaya magmula noon ay hindi na muli itong nabuksan pa."

Grabe talaga ang mga tao ngayon. Mas may tulong pa ang kalikasan kaysa sa mga taong walang alam gawin kundi ang dungisan ang mundo.

Masasabi kong tama ang ginawa ng tito ni Jake dahil kapag pinagpatuloy nilang buksan ito ay tiyak na masisira lang ito.

Tumambay kami hanggang sa makita ko na ang papalubog na araw. Kitang kita ang paglubog ng araw dito, gusto ko na tuloy manirahan dito para makita ang sunset.

Captured (Five-ulous Series #1)Where stories live. Discover now