KABANATA 8
Tuwang tuwa ako dahil maaga ang uwian namin, makakasabay ko sa pag-uwi ang mga kaibigan ko pati na rin si Ceejay.
Speaking of Ceejay, hindi ko pa siya nakikita. Nagpunta na ako sa garden na dapat do'n ko siya susunduin pero wala siya.
"Oh, sa'n ang punta mo? Hindi ka sasabay?" Tanong ni Angel. Mabuti nalang at sumulpot itong babaeng 'to.
"Hinahanap ko si Ceejay. Nakita mo ba?" Tanong ko.
"Nakita ko ata siya sa parking lot kanina. I'm not sure, nagmamadali kasi ako." Sabi niya.
"Okay salamat, pagnahanap ko si Ceejay ay sasabay na ko sainyo." Sabi ko at nagmadaling pumunta sa parking lot.
Hindi pa ako nakakarating ng parking lot ng magvibrate ang phone ko. Kinuha ko agad ito mula sa bulsa ko.
Nasapo ko ang noo ko nang makita ang nagtext. Nawala ang lahat ng masasayang naisip ko kanina. Kainis naman, bakit ko ba nakalimutan?
Agad kong hinanap si Ceejay dahil kailangan ko nang umalis. Hindi ako pwedeng malate dahil baka mapatay ako ng wala sa oras.
Nalibot ko na ang buong parking lot pero hindi ko parin nakikita si Ceejay. Hindi ko na alam ang uunahin ko, kung aalis na ba ako o hahanapin ko ang lintek na Ceejay na 'yon.
"Asan ka na ba kasi?!" Iritang sambit ko.
Pambihira talaga!
Aalis na sana ako sa pwesto ko ng may marinig akong kaluskos sa likod ko. Tinignan ko iyon, unti unti akong lumapit ng may biglang humablot sa kamay ko. Sa gulat ko ay naibalibag ko siya.
"Aahh..." Sigaw nung lalaki.
"Sino ka?" Tanong ko agad.
Hindi niya ako sinagot dahil ininda niya ang sakit na dinulot ko. Maya maya lang ay nagdatingan na ang mga kasama niya.
"Josh!" Sigaw nila.
"Boss, paumanhin, hindi po alam ng lalaking ito ang ginagawa niya." Sabi nung leader nila sa akin.
"Ano bang ginagawa niyo dito?" Takang tanong ko.
"Ahh wala boss, may nakita lang kaming lalaki doon." Sabi nung kasamahan nila at tinuro ang bandang dulo ng parking lot.
Shit! Baka si Ceejay na 'yon.
"Sinaktan niyo?" Galit kong sabi.
"H-hindi pa boss." Sabi nung leader.
"Asan?" Tanong ko. Tinuro naman nila ang pinakadulo ng parking lot.
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at dumiretso ako sa tinuro nung lalaki kanina. Sunuri ko muna ang suot na damit ng nakagapos na lalaki. Nang makumpirma ko ay agad akong humarap sa leader nila.
"Pagnakita kong may galos ito, kahit na maliit lang, sasapakin ko kayo tulad nang ginawa niyo kay Jake." Ma awtoridad na sabi ko. Hindi sila kumibo at yumuko lang.
"Kalasin niyo ang tali!" Inis na sabi ko.
"Pero boss—"
"Kakalasin mo ang tali o kakalasin ko 'yang mga buto mo?" Galit kong sabi.
"Kalasin niyo." Utos ng leader nila.
Ako pa talaga gagaguhin ng mga 'to. Hindi ako nananakit ng tao pero kapag ganitong ginagalit nila ako talagang masasapak ko ang mga ito.
Nang matanggal na nila ang tali, umupo ako sa harap niya at tinaggal ang nakatakip sa ulo niya. Nang matanggal ko ay tulog siya at may galos sa gilid ng kilay.

YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...