Kabanata 14

3 2 0
                                    

KABANATA 14

It's already 3pm and we're here standing in front of the stall here in mall, arguing.

"Minsan lang kitang bigyan ng nga ganitong damit at gamit kaya wag ka na mag inarte jan."

"Kuya, hindi ko kailangan ng mga iyan, wag mong igastos ang lahat ng pera mo sa akin." Sabi ko dahil kanina niya pa ako kinukulit na pumasok sa isang stall sa mall ng mga mamahaling damit at kung ano ano pa nang matapos kaming manuod ng sine.

"Minsan lang ito princess, please..."

"Fine. Just don't spend all your money."

"Ayos! Tara na sa loob." Sabi niya at inakbayan ako.

Nagpapasalamat ako dahil meron akong kuyang katulad ni Brix. Hindi kami lumaking mayaman pero lagi niya akong nililibre ng kung ano anong pagkain dati. At hindi parin siya nagbabago, mas lumala pa nga ata ngayon.

Napunta kami sa isang ladies wear. Puro magagandang damit ang nakikita ko at napaka ganda ng mga ito.

"Pumili ka na ng mga gusto mo."

"Ayoko ng mga 'yan. Gusto ko ng jacket." Sabi ko.

"Sige doon tayo. Magaganda ang mga jacket doon." Sabi niya habang naka turo sa bandang dulo.

Nang makarating kami sa mga jacket, hindi ko alam ang pipiliin ko dahil ang gaganda ng mga ito. Sa sobrang tagal ko pumili si kuya na ang pumili para sa akin, hindi ko alam kung ilan ang kinuha niya basta kinuha niya ang iba na gusto kong size.

Kung ano anong pinagbibili niya sa akin, meron rin siyang binili para kay papa. Nang mabayaran na namin ang napakaraming damit na binili niya para sa amin ni papa ay nagpunta naman kami sa isang jewelry shop habang hawak ang tig dalawang paper bag sa magkabilang kamay namin.

"Anong gagawin natin dito?" Taka kong tanong.

"Bibilhan ka ng relo."

"Pero may relo ako." Sabi ko at pinakita ang kamay kong may relo.

"A new one. That's too old."

"Pero…"

"No more buts my little princess."

Sabi niya at nagsimula ng mag tanong ng mag tanong sa babaeng nag -aasikaso sa jewelry shop.

"I want this, let me take a look." Sabi ni kuya sa assistant. Kinuha naman ng babae ang relong tinuro ni kuya.

Maganda ang relo na iyon. Bagay para sa isang tulad ko. Kaso alam kong mahal iyon.

"This is perfect for my little princess." Sabi ni kuya habang hawak hawak ang relong iyon. Maliit lang siya pang babae talaga ang itsura niya.

"Kuya—"

"Babe!" Sabi nung babaeng maganda kay kuya.

Babe. Andito ka na pala. Look, do you think this will suit my little princess?" Sabi ni kuya.

"Woah! I like it, it will suit her babe."

"Then we will buy this."

"Kuya! It's very expensive!" Iritang sabi ko.

"Oh, ikaw na ba 'yan Bea?" Sabi nung babae sa akin. Kumunot ang nuo ko dahil hindi ko naman siya maalala. "Your sister forget about me babe." Sabi ulit ng babae.

"She's just a kid back then, that's why she forget about you. Anyway, this is Kriszelle nakita mo na siya when you we're 8 or 9 I think."

Inisip ko naman kung nakita ko na siya o ano. Binalikan ko ang araw na yun nung bata pa kami. Bigla nalang akong napangiti ng maalala ang araw na pinakilala sa akin ni kuya si ate Kriszelle.

Captured (Five-ulous Series #1)Where stories live. Discover now