KABANATA 19
Shit! Shit!
Todo ang pagpapalit ko ng damit dahil late na ako, hindi ko alam na dito na pala ako nakatulog kila Zack, nanghiram na rin ako ng damit ni Zack dahil wala na akong oras pumunta sa bahay para magbihis.
"Sabay na tayo pumasok Bea." Sabi ni Zack na nasa labas ng kwarto niya.
"Whatever, hindi mo man lang ako ginising." Inis na sabi ko habang nagpapalit ng shirt.
"Kakagising ko rin kaya." Rason niya pa. Napakusilap nalang ako.
Sobrang late na ako, 1hr na ata akong late, nag te-text na rin sa akin si Jake. Hindi ko na alam kung aabot pa ako sa first sub namin. Paglabas ko ng kwarto, agad akong lumapit kila tita na nag aagahan na. Nagpaalam na akong aalis, inaya pa nila ako kumain pero sabi ko ay late na talaga ako.
Lakad takbo akong lumabas ng bahay nila. Hindi ko na inisip ang siraulong si Zack na sinisigawan ako. Nakasunod siya sa akin at tinatawag ang pangalan ko.
"Beatrice Celestine Velasquez!" Sigaw niya. Napahinto ako at tumingin ng masama sakanya.
"Nagmamadali ako Zack. Kung gusto mong magsabay tayo ay dalian mo dahil major sub ang hinahabol ko." Sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad.
Mabuti nalang at may taxi na dumaan kaya nakasakay kami agad. Kinakabahan ako habang nasa biyahe dahil ngayon lang ako na late. Hindi ko alam ang irarason ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Zack.
"Hindi. First time ko malate Zack at dahil 'yon sa'yo." Sabi ko agad.
"Bakit ako?" Sabi niya.
"Dahil hindi mo ako ginising!" Sigaw ko.
"Ginising kita pero sinapak mo lang ako!" Sinagaw niya rin.
"Kahit na, kung ginising mo lang ako edi sana nasa school na ako kanina pa."
"Kung hindi ka nanampal edi sana gising kana kanina pa." Sa inis ko ay napapikit ako at bumuntong hininga.
"Eh bakit kasi andito ka?" Inis na sabi ko
"Ngayon ako mag te-take ng exam para pumasa ako sa first sem para makasabay daw ako sa mga first year students." Sabi niya. Magsasalita pa sana ako pero naunahan ako nung driver.
"Andito na po tayo mam, sir." Sabi nung driver. Agad akong lumabas at nagmadaling pumasok.
Nginitian ko pa ang guard na lagi akong binabati. Ngumiti rin siya sa akin pero hinarang niya kami ni Zack. Nagtataka ako na tumingin kay manong guard.
"Mam Velasquez—"
"Kilala niyo po ako?"
"Oo naman po, sikat po kayo kaya naman kilala na namin kayo." Napatango naman ako.
"Bakit po? May nagawa po ba ako? Bawal po ba ang late?" Tanong ko.
"Wala naman po mam pero wala po kasi kayong I.D." sabi niya. Napa hawak ako sa ulo ko ng maalalang nasa bahay nga pala ang I.D ko at hindi ako umuwi.
"Manong pwede bang pagbigyan niyo ako? Kahit ngayon lang po." Pagmamakaawa ko.
"Mam, kahit na gusto ko po kayong papasukin ngayon ay hindi ko po gagawin, kapalit po ng trabaho ko kapag pinapasok ko po kayo ng walang I.D. Pasensya na mam, trabaho lang po." Malungkot na sabi ni manong guard.
"Naiintindihan ko po manong. Babalik nalang po ako para kuhain ang I.D ko." Naka ngiting sabi ko.
"Mag iingat kayo mam." Tipid lang akong ngumiti kay manong at umalis sa harap niya.

YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...