KABANATA 18
Maaga akong nagising dahil sa lintek na si Zack. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil may dala siyang egg sandwich o magagalit dahil inistorbo niya ang tulog ko. Sa dalawang linggo naming magkakilala naging close na ako sakanya. At sa sobrang close namin siya lang nakakagising ng ganito sa akin.
"Zack, please give me five minutes." Sabi ko dahil ginugulo niya ako dito sa kwarto.
"Get up now, may gagawin tayo ngayon." Sabi niya at hinila ang kumot ko. Mabuti nalang at maayos ang damit ko. Hindi ako nagpa papasok sa kwarto ko maliban sa mga siraulo kong kaibigan, hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nagalit dito sa gagong ito sa pag pasok ng kwarto ko.
"Zackk! Wala ka bang trabaho?!" Irita kong sabi.
"Wala kaya tumayo ka na dyan."
"Saan ba pupunta? Hindi ko pa tapos assignments ko."
"Tapos mo na, tayo na jan." Sabi niya at itinayo pa ako.
"Tangina! Asan si papa?!" Inis na sabi ko.
"Umalis? Wala akong nadatnan kanina." Sabi niya.
"Kapag wala tayong matinong pupuntahan ay malilintikan ka saking gago ka." Sabi ko at dumiretso sa kabinet para kumuha ng damit ko para maligo na.
Tinawanan niya lang ako kaya naman bwisit akong pumasok ng banyo at naligo. Labing limang minuto ang tinagal ko bago matapos, paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Zack na may kausap sa selpon sa labas ng bahay namin.
Hinayaan ko na siya at pumasok sa kwarto para kunin ang suklay ko. Sinabit ko lang muna ang suklay ko sa buhok ko at naghanda ng kape. Nang maihanda ko na ay naupo na ako sa upuan ko at kumain ng egg sandwich na dala ni Zack. Pumasok na si Zack na may ngiti sa labi, hinayaan ko lang siya, siya na rin ang gumawa ng kape namin. Maya maya lang ay naramdaman ko nalang na may kumuha sa suklay ko at sinuklay ang buhok ko.
"Ginagawa mo Zack?!" Iritang sabi ko. Hindi niya ako sinagot at pinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok ko. Aagawin ko sana ang suklay sa kamay niya kaso nagsalita siya.
"Natutuwa ako kasi nakilala kita…" Sabi niya.
"Anong drama 'yan?" Sabi ko naman at napatingin ako sa kanya.
"Nakapag-isip na ako, buo na ang desisyon ko at dahil sa'yo 'yon." Sabi niya habang sinusuklay parin ang buhok ko. Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya pero 'di niya ako hinayaang mapatingin sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Basta. Kumain ka na nga lang dyan. Malalaman mo mamaya." Sabi niya.
Nagkibit balikat naman ako at pinagpatuloy ang pagkain sa egg sandwich ko habang sinusuklay niya ang buhok ko. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming gano'n ang posisyon ng tumunog ang selpon ko.
"Hmm?" Sabi ko habang ngumunguya pa. Naka loud speaker iyon dahil tinatamad ako.
[Babes!] Sigaw ng siraulo kong kaibigan.
"Bakit?"
[Arat labas.]
"May pupuntahan ako."
[Sa'n? Sama kami?]
"Tss, si Zack kasama ko, di ko alam kung saan kami pupunta."
[Oh, okay enjoy!] Sabi niya at binaba na ang tawag.
Baliw.
Sa wakas ay natapos din si Zack sa pagsuklay sa akin. Nang matapos naming maglinis sa bahay ay umalis na kami, walang akong idea kung saan ang punta namin pero hinayaan ko nalang.
YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...