KABANATA 12
~after 4 days~
"Fuck! Ang daming customer!" Sigaw nung kasamahan namin.
Kanina pa kasi kami kilos ng kilos dahil hindi nauubos ang tao sa restaurant na pinagtratrabahuan namin. Magkahiwalay kami ni Jake ng restaurant, medyo malayo ang kanya kaya naman heto ako at nag iisa, kahit naman may kilala ako dito ay nahihiya parin ako sakanila.
"Hindi ka pa ba pagod?" Tanong sakin ni Josh nang makasalubong ko siya sa kusina.
"Medyo." Sabi ko lang.
"Really? Sobrang pagod na kaya ako, biruin mo 5hrs na tayong kilos ng kilos tapos ikaw medjo lang."
"Sanay na ako. Kahit gaano kahirap pa 'yan ay kaya ko." Sabi ko sakanya at kinuha ang isang tray na puno ng mga orders.
Hindi ko ramdam ang pagod, pero kapag huminto ako o nagpahinga ay doon ko na mararamdaman ang pagod, kaya hangga't maaari kumikilos kilos lang ako dahil kapag tumigil ako ay maaaring hindi ko na kayanin pang magtrabaho muli.
Gabi na at hindi parin nauubos ang customer namin. Ako nalang ata ang may lakas pa. Sa apat na araw na tuloy tuloy naming trabaho ngayon lang sumakit ang buong katawan ko na kahit kailan ay hindi ko naramdaman. Ikaw ba naman kasi mag trabaho ng 12hrs everyday, tapos wala pang tigil sa pagpasok ang mga customer namin.
Ilang oras nalang at matatapos narin kami sa trabaho. Pag uwi namin ay matutulog agad ako, wala na kaming oras para kumain dahil pagod na talaga, mabuti pa nga ang mga photography students dahil mag pipicture lang sila buong magdamag.
Nang mag alas nuebe na ay kumonti na ang taong pumapasok. Dalawang oras nalang ay matatapos na kami.
Nang matapos kami sa trabaho ay doon ko naramdaman ang panghihina ng kawatan ko. Laging ganito ang nararanasan ko nang magsimula kami sa trabaho. Mabuti nalang at may maraming pain reliever sa emergency kit namin.
Habang nag bibihis ako ay ramdam ko ang panginginig ang tuhod ko. Halos lahat kami sa locker room ay pagod at gusto na matulog. Nagpapasalamat talaga ako at kami ang nahiwalay sa lahat ng HRM students. Sobrang lapit lang kasi ng lalakarin ko.
"Guys, mauuna na ako." Walang ganang sabi ni Josh.
Nauna na rin ang iba, nang iilan nalang kami sa locker room ay nagpaalam na rin ako na aalis na. Ramdam ko ang sakit ng paa at pangangalay ng mga ito, pati braso ko ay masakit na din.
Paika ika akong naglakad dahil ang sakit ng paa ko, parang matatanggal na ata. Masasabi kong masaya ang OJT, pero hindi ako naging masaya sa mga naging customers namin. Sobrang magkakaiba silang lahat ng ugali, may mabait, may maarte, may masungit, may utos ng utos, sakanila ako na papagod dahil kailangan mo talaga ng mahabang pasensya na hindi ko kayang gawin, mabuti nalang at taga serve ako ngayon dahil masasapak ko talaga sila sa pagiinarte nila.
Malapit na ako sa apartment ng makita ko ulit si Ceejay sa daan. Lumapit ako sakanya at kumapit sa braso niya, nung una ay ayaw niya talaga na kumakapit ako sa braso niya pero nung tumatagal nasasanay na siya, sanay kasi ako na kumakapit kay Jake tapos magpapalambing lalo na pagpagod ako. Lagi ko siyang nakikita na naglalakad tuwing pauwi na ako tapos kakapit ako sakanya dahil pagod na ang buong katawan ko at bibigay na.
"Tired again?" Tanong niya.
"Mmm…" Sabi ko lang habang naka sandal ang ulo sa braso niya.
"Here." Sabi niya at tinignan ko naman ang inabot niya. Hindi ko alam kung ano 'yon dahil hindi ko maaninag.
"What's that?" Tanong ko.
"Energy drink." Sabi niya.
Kinuha ko naman iyon kahit na ayokong inumin dahil nabawasan niya na.

YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...