KABANATA 9
Wala kaming ginawa kundi ang tuwa ng tuwa hanggang sa may kumuha ng selpon ni tito. Napatingin kaming pareho sa taong kumuha. Naka kunot na ang noo nito at namumula ang mukha.
"What was that, Dad?!" Irita niyang sabi.
"Hahahaha your old photos. Gusto ko lang ipakita kay Beatrice." Mas lalong siyang namula, hindi ko alam kung dahil sa hiya o sa galit.
"Why?! It's too ugly!" Sigaw niya.
Nabahala ako sa pagsigaw niya kay tito kaya naman tumayo agad ako para awatin siya.
"Wag mong sigawan si tito, baka maapektuhan ng sigaw mo ang kalagayan niya. Bawal maging emosyonal ang katulad ni tito." Sabi ko. Agad namang umamo ang mukha niya at yumuko.
"I'm sorry." Sabi niya.
"Hahahaha gwapo ka parin naman, pero walking stick nga lang! Hahahaha!" Sabi ko pa at napahawak pa sa tyan dahil sa sobrang pagtawa. Pati si tito ay tumatawa na rin.
"Shut up Tin! I ... I hate the both of you!" Inis na sabi ni Jake. Bigla nalang siyang tumalikod, palabas na sana siya ng kwarto ng hawakan ko ang pulsuhan niya.
"I'm just kidding, hindi ka na mabiro." Sabi ko at pigil ang tawa. "Kain ka muna, pinaghirapan kong bilhin ito sa canteen kaya kainin mo ang binili ko." Sabi ko. Alam kong hindi niya ako matatanggihan kaya hinila ko na siya agad para maupo sa inupuan ko kanina.
Inihanda ko ang pagkain na ibinili ko para sa kanya, mabuti nalang at medyo mainit pa ang pagkain. Nang maihanda ko na ay inilapag ko ito sa table na kaharap niya. Nakita ko kaagad ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang pagkain niya. Paborito niya kasi ang giniling at syempre pag giniling ang ulam niya dapat dalawang rice ang naka serve. Mabuti na nga lang at may natira pa kanina, muntik pa ako maunahan kanina buti nalang nagbago isip nung babae.
Bago siya kumain ay tinignan naman niya si tito. At nagtanong.
"Kumain ka na Dad?"
"Yes, Beatrice feed me a while ago." Masayang sabi ni tito.
(A/N: iba naiisip ko dito sa sinabi ng daddy ni Jake🙄🤦♀️ ano bang tamang term jan, jusko!)
Tumango naman si Jake at bumaling sa akin.
"Ikaw ba Tin, kumain ka na?" Tanong niya.
"Hindi pa." Sabi ko lang.
"Bakit? Gusto mo bang bilihan kita?"
"Wag na. Hindi pa ako gutom, kumain ka nalang dyan." Sabi ko at ngumiti.
Tumango naman siya at nagsimula ng kumain. Pinagmasdan ko pa siya saglit bago kumuha ng apple at hiniwa iyon sa walo.
"Here, para maging mas malakas kayo." Bigay ko kay tito ng mansanas.
"You're really kind iha, parang gusto ko na tuloy tumira dito dahil may nag aalaga sa akin na napaka ganda at napaka bait." Sabi niya.
"Tito talaga, kanina niyo pa ako binobola." Sabi ko.
"Dad, wag niyo sinasabihan ng ganyan 'yan, baka lumaki ulo—" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Jake ng batukan ko ito.
"Alam mo panira ka ng moment, kay tito na nga lang ako nagiging maganda at mabait tapos aangal ka pa, tska maganda kaya ako." Inis na sabi ko.
"See? Masyadong naging confident nanaman siya Dad." Sabi niya pa sa papa niya. Sasapakin ko na sana siya nang magsalita si tito.
"Stop it Axel. She's pretty and I know a lot of people see that." Sabi pa ni tito.
"Pangit kaya siya Dad, siya ang pinaka nakaka sawang mukha na nakita ko sa buong buhay ko." Sabi naman ni Jake.
YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...