Kabanata 1

8 4 4
                                    

Eto na mga sis!! Na publish ko na ang kabanata 1, sa wakass!!😁

Enjoy reading😘

KABANATA 1

Ngayon ay araw ng pasukan. 4th year college, Bachelor of Science in HRM ang kurso ko. Masyado na akong pagod sa lahat ng ginagawa ko. Maging ang pagpasok ay hindi ko na gusto. Ngunit kailangan kong makapagtapos dahil ayoko nang maging mahirap.

Tama kayo, mahirap lang kami. Walang kaya sa buhay. Ang ate at kuya ko ay may kanya kanyang mundo sa Manila. Tanging ako na lamang ang nag aaral. May trabaho nga ang mga kapatid ko ngunit si kuya nalang ang nagbibigay sa amin para pang gastos sa bahay.

Walang araw na hindi ko sinabi sa sarili ko na, magtatapos ako at ipapakita na kaya kong buhayin ang sarili ko at si Papa. Simula ng magkatrabaho ang mga kapatid ko hindi na nila kami inisip ni Papa maliban kay kuya na laging nag tatanong sa amin kung okay lang ba kami. Ako ang laging sumasalo sa lahat ng sermon sa kanila. Maging ang mga kamag-anak namin ay ako ang pinagiinitan.

Mahirap mabuhay kapag mahirap ka. Pero mas mahirap mabuhay kung pati pamilya mo pinagsasalitaan ka ng masasakit na salita.

Nabuhay ako na puno ng masasakit na salita. Bawat kamali mo pagsasalitaan ka. Halos lahat ng ginagawa ko mali ang nakikita nila. Wala tama.

Sa bawat sama nang loob ko, si kuya ang laging andyan, lagi niya akong pinapasaya dahil siya lang naman ang karamay ko, pati mga kaibigan ko ay sandalan ko na rin. Pamilya nila ay pamilya ko na rin. Tinuring nila akong kapatid, walang oras na hindi ko naramdaman sa kanila 'yon. Ang pagkukulang ng pamilya ko, siya namang pumupuno sa ibang pamilya.

"Hoy babae!" sigaw ni Ella.

"Ano ba?!" Inis na sabi ko.

"Tulala ka dyan!"

"Wala! May naisip lang ako."

Ella is my long time best friend, since high school. Actually marami kami sa barkada, pero kami lang ang laging nagkakasamang lima.

Kung sino-sino rin ang mga naging barkada ko pero silang apat ang nagtagal sa akin. Sila ang nagtyaga sa mga ka abnoyan ko sa buhay ko. Nagtiis sila sa ugali ko, masyado kasi akong high blood lagi, pero hindi nila ako pinagsawaan.

Si Ella at ang iba pang kaibigan ko ang tumuring sa akin na pamilya, yung papa niya ay papa ko na rin pati mama niya, ganun ako ka walang hiya before, I call her Papa as my Papa too, pero sa mama niya ay hindi ko matawag dahil nahihiya ako. Wala na akong nanay nang mag kaisip ako kaya naman wala akong experience pagdating sa mama niya.

"Anong oras klase niyo?" Tanong naman ni Ren.

"Nine pa ako." Sabi naman ni Khai.

"Hapon ako." Sabi naman ni Angel.

" Eight ako. " Sabi ni Ella. Tinignan naman nila ako.

"Hapon din ako." Sabi ko. "Mag i-immersion pala ako next week. Hindi ko kayo makikita dito sa school." Tuloy ko.

Kailangan naming pumunta sa iba't ibang resto para mag work. Parang training namin 'yon. Mga isa o dalawang linggo ang immersion namin.

" Ako rin. Start na ang duty ko next week. " sabi naman ni Angel. Med ang kinuha niyang course.

Si Angel ang pinaka laging naghahanap ng mga lalaki pero hindi nakikipag commitment. Pangalawa din siya sa pinaka matangkad. Sensitibo rin siya tulad ko. Pero mas sensitibo siya dahil masabihan mo lang siya ng hindi kanais nais ay nasasaktan na ito at hindi mo na makausap ng maayos dahil dinamdam niya ang sinabi mo, kaya naman ingat na ingat kami sa kanya. Kawawa rin siya kay Ella dahil walang preno ang bibig ni Ella. And of course she's pretty as well. Lahat naman kami magaganda pero magkakaiba kami kung paano namin dinadala.

Captured (Five-ulous Series #1)Where stories live. Discover now