Kabanata 10

2 1 2
                                    


KABANATA 10

Nakatingin lang ako kay Ceejay na mahimbing ang tulog sa lamesa. Hindi ko magawang gisingin siya dahil mukhang malalim na ang tulog niya, pero naaawa rin ako dahil baka mangawit siya.

Pansin ko naman ang pangiginig ng katawan niya habang pinagmamasdan ko siya. Bumalik ako sa locker room at kinuha ang paborito kong jacket para ilagay kay Ceejay. Binalot ko ito sa katawan niya para hindi na siya lamigin.

Napatingin ako sa selpon ko na nagvibrate. Nakita ko ang text sakin ni Jake. It's just a morning text, na lagi niyang ginagawa, pero napaaga ata ang pagtext niya. Alas tres palang kasi, ang nakagawian ni Jake ay tuwing alas kwatro ang text niya.

Hindi na ako nag abalang magtext dahil nakita kong gumalaw si Ceejay. Pagmulat niya ng mata niya ay ang pagtama ng mata namin. Ngumiti ako sakanya.

"Tara na?" Sabi ko.

"Where?" Inaantok na sabi niya.

"Uuwi na tayo sainyo. Kanina pa ako kinukulit ng kapatid mo dahil hindi sila makatulog kakaisip sa'yo." Sabi ko.

"Shit!" Sabi niya at napatayo agad.

Napangiti naman ako dahil sa inasta niya. Halos hindi siya mapakali, ani mo'y may hinahanap.

"Tara na?" Tanong ko ulit.

"Where is my phone?" Takang tanong niya.

Oo nga pala. Agad kong kinuha sa locker room ang phone niya na chinarge ko kanina para sana tawagan ang pamilya niya kaso mahimbing ang tulog niya at ayokong istorbohin siya.

"Here. Tara na, ihahatid pa kita." Sabi ko.

Sumunod naman siya sa akin. Habang naghihintay kami ng taxi na dadaan, may pumarada naman sa harapan kong puting kotse na alam kong kay Joy.

"Saan kayo?" Tanong niya.

Napatingin naman ako kay Ceejay, mukhang naintindihan niya na ang pagtingin kong iyon.

"Berlyn Village…" Sabi niya at humikab pa.

"Oh, sakto, sakay na kayo, dadaan din ako doon." Sabi ni Joy na tiyak kong nagsisinungaling. Pinandilatan ko siya at kinindatan lang niya ako. Napailing nalang ako kay Joy.

Binuksan ko ang pinto ng back seat at pinauna siyang pumasok. Sinunod naman niya ako at pumasok sa loob. Pumasok na rin ko sa loob, pagkasara ng pinto ng kotse ay pina andar na ni Joy ang kotse.

Tahimik lang kami sa biyahe. Inaantok na rin kasi ako. Grabe wala pa akong tulog, tapos ang aga kong nagising kahapon.

Papikit na ang mata ko ng may biglang tumama sa balikat ko. Tinignan ko kung ano 'yon. Napangiti ako dahil nauuntog untog na ang ulo ni Ceejay kung saan-saan. Hindi ko na pinatagal pa ang paguntog niya sa kung saan at inihiga ko na ang ulo niya sa balikat ko.

Habang nakatingin ako sa kanya, nakita ko na suot niya na ang jacket ko. Malaki kasi ang jacket na 'yon—lahat naman ng jacket ko ay malaki—nagkasya pala sakanya ang jacket ko.

After 20 mins ay nakarating na kami sa bahay nila Ceejay, hindi ko alam kung pa'no nalaman ni Joy ang bahay nila.

"Gisingin mo na gurl, baka malate ka sa biyahe niyo." Sabi niya. Tumango naman ako bilang sagot.

Niyugyog ko ang braso ni Ceejay na nakapatong sa legs niya. Gumalaw siya pero hindi gumising.

"Ceejay?" Tawag ko sabay yugyog. "Ceejay andito na tayo sainyo." Sabi ko ulit.

"Hmmm. 5 mins…" Sabi niya at kumapit pa sa braso ko. Gulat akong napatingin sa braso kong yakap yakap niya. At dahil hindi ako sanay sa ginawa niya napa atras ako, kaya nahulog ang ulo niya.

Captured (Five-ulous Series #1)Where stories live. Discover now