KABANATA 4
Nagising ako ng maaga dahil maaga daw akong susunduin ni Jake. Ayoko naman siyang paghintayin.
"Sa'n ka nanaman pupunta?" Tanong ni papa ng makita niya akong bihis.
"May gagawin akong project." Sabi ko habang naghahanda ng pagkain.
"Project nanaman? Kailan ba matatapos 'yan, araw-araw ka nalang umaalis." Sabi niya.
"Eh kailangan ko talaga 'to. Representative ako ng school namin." Iritang sabi ko.
"Bakit ba kasi sali ka ng sali sa mga gan'yan? Wala na nga tayong pera sumasali ka pa sa gan'yan, nasasayang lang ang pera natin!" Galit na sabi ni papa.
"Pa! Hindi ba kayo natuwa na nakuha ako bilang representative ng school? Hindi naman ako ang may gusto na sumali sa ganito dahil kusa akong pinili dahil magaling ako sa ganitong kurso! Bakit hindi nalang kayo maging proud sa akin? Hindi naman ako humihingi ng pera para sa project na ito! Pera ko ang gagamitin ko para lang maging successful ang project na to!" Inis na sabi ko.
"Kahit pa! Wala ka rin lang mararating, nagsasayang ka lang ng pera!"
Tagos na tagos ang sakit na dulot ng salita ni papa sa akin. Sobrang baba ng tingin sa akin ng sarili kong ama. Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko ah! Bakit parang kulang na kulang parin sa papa ko? Kailangan ko pa bang magkasakit para lang malaman na mahal nila ako at mahalaga ako sakanila?
Hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit. Unti unti na akong bumibitaw sa pinagkakapitan ko. Nahihirapan na ako kumapit.
Patulo na ang luha ko ng may kumatok sa pinto. Agad kong pinunasan ang mata ko at binuksan ang pinto. Nakita ko si Jake, mukhang excited na magluto. Ngumiti ako sakanya at sumenyas na sandali lang.
"Pa, mauuna na po ako." Sabi ko. Tumango lang siya bilang sagot kaya umalis na ako.
Hindi ko pinahalata na nag-away kami ni papa dahil alam kong kukulitin lang ako ni Jake.
"Tara na?" Masayang sabi ko.
"Tara, ready na ako." Sabi niya. Nagtataka naman ako kung bakit kami nag lalakad papunta sa sakayan ng jeep.
"Wala 'yong kotse mo?" Takang tanong ko.
"Hiniram ni Mom. Mag go-grocerry daw siya dahil dadating ka." Masayang sabi niya.
"Hala, nakakahiya naman, akala ko ba wala ang parents mo pag sunday?"
"Nagkataon lang talaga. Tska 'wag ka mahiya mabait ang parents ko, lahat ng kaibigan ko tinuturing din nilang anak nila." Sabi niya. Kahit na gano'n ay nahihiya parin ako.
Naghihintay lang kami sa waiting shed ng jeep para makapunta sa bahay nila. Nagtataka talaga ako kung bakit gusto niya mag jeep pwede naman kaming mag taxi.
"Seryoso ka? Baka hindi ka sanay mag jeep? Taxi nalang kaya?" Takang tanong ko.
"Seryoso ako, hindi ako maarte, tska hindi porque mayaman ako ay hindi ko na alam sumakay sa jeep o kung ano mang sinasakyan ng mga kagaya niyo. Walang mahirap at mayaman sa akin lahat pantay pantay, 'yan ang turo sa akin nang parents ko." Natuwa naman ako sa sinabi niya.
Karamihan kasi sa mga mayayaman, matapobre. Akala mo naman kung sino. Mababa ang tingin sa amin ng mga mayayaman kaya natatakot akong mag karoon ng kaibigan na tulad nila dahil baka sabihin nila na pineperahan ko lang sila, pero dahil sa apat kong kaibigan hindi na ako natakot, sila ang nagpatunay na hindi lahat ng mayaman ay masama.
"Tara na, may jeep na oh." Sabi niya at inalalayan ako sa pagpasok ng jeep.
Puno na ang jeep kaya sobrang dikit na namin ni Jake. Normal naman na sa akin ang ganun kaya walang problema.

YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...