KABANATA 5
After nong patungan scene namin ni Ceejay mas lalo niya na akong iniiwasan. Aba syempre ako rin iniiwasan ko siya, hindi ako magpapatalo do'n! Alam kong makapal ang mukha ko pero grabehan na yo'n ano!
"Ano ready ka na ba?" Tanong ni Jake.
"Ready'ng ready!" With my full energy kong sinabi 'yan.
"Ano 'yan kuya Axel isang putahe lang gagawin niyo?" Tanong naman ni Jaycee.
"Actually limang putahe." Sabi ni Jake.
Hays sobrang dami, mabuti na nga lang at 8am palang ngayon.
"Sabay niyo gagawin lahat?" Tanong niya ulit.
"Syempre naman." Sabi ni Jake.
"Pa'no kaya kung sa isang putahe magkahiwalay kayo?" Singit ni Veejay. Judge kasi namin silang tatlo. Nasa harap namin sila ngayon.
"Ha?!" Sabay naming sabi ni Jake.
"I mean.... Parehas niyong lulutuin ang putahe na 'yon parang magkalaban kayo, tapos titikman namin kung sinong mas masarap ang luto tapos 'yon na 'yong magluluto ng putahe na iyon para mabilis kayo sa pag luto bukas." Pag explain ni Veejay.
"Aahhh." Sabay nanaman naming sabi at tumango tango.
Pwede rin kasi baka pag parehas kami hindi magkasundo ang lasa namin.
"Game ako dyan!" Masayang sabi ko.
"Sige game din ako!" Sabi ni Jake.
"Kapag ako ang pinaka maraming panalo ibibili mo ako ng isang galon ng ice cream ha!" Sabi ko kay Jake.
"Deal, pero pag ako ang pinaka marami ipagluluto mo ako ng lunch, 1 week." Aba! Mas lugi ata ako sakanya.
"Bakit parang lugi ako?"
"Oh sige lilibre mo nalang ako ng coffee sa Starbucks."
"Deal!" Sigaw ko.
Hinanda na namin ang unang putahe na lulutuin namin. Ang una ay ang buttered shrimp. Masarap sarap din ito. Ang pangalawa ay ang beef steak, ang pang tatlo ay ang adobo tapos 'yong pang apat at pang lima ay ang cookies at cakes.
"Okay, ready na ako." Sabi ni Jake.
Sakto tapos na rin ako sa pagprepare. Madali lang naman ito eh.
"Okay, in the count of three.... 1! 2 ! 3! GO!" Sigaw ni Veejay at nagsimula na kami.
Grabe bakit ko ba naisip ang kurso na ito? Takot ako sa talsik ng mantika pero keri naman. Ewan ko ba, pero nakikita ko ang sarili ko na magtatayo ng isang resto bar. Sa totoo lang dapat kasi ang kukunin kong kurso ay pang bartender lang kaso hindi ko alam ang kursong iyon kaya ito nalang atleast ando'n parin ang gusto ko.
Isa't kalahating oras siguro ang ginugol namin bago kami natapos. Madali lang kasi siyang lutuin. Basic lang sa amin ang ganito.
"Tapos na!" Sigaw ko.
Nilagay ko na sa platito ang buttered shrimp na niluto ko gano'n din si Jake. Excited akong matikman nila dahil alam kong ako ang mas masarap na luto sa amin.
Inilapag ko na sa harap nila ang luto ko at ibinigay sakanila ang kani-kanilang tinidor. Nahiya pa akong ibigay kay Ceejay pero naibigay ko naman. Makapal ang pess natin eh!
Nagsimula na silang tumikim, nauna nilang tinikman ang kay Jake. Kita sa mukha nila na nasarapan sila. Mukhang matatalo pa ata ako! Sumunod naman ay ang akin, halos mapatulala sila ng matikman nila ang luto ko. Grabe, hindi man lang nag acting ang mga ito na kunwari masarap. Nakaka hurt kayo ng feelings!
YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...