KABANATA 7
Kanina pa ako nakaupo dito sa tambayan namin. Iniisip kung anong ibig sabihin nung sinabi nung mama ni Adrian. Binaliwala ko iyon dati dahil alam kong hindi ako iiwan ni Adrian, pero ngayon gumugulo na sa isip ko ang sinabi ng mama niya.
Si Adrian na rin ang nagsabi na wala siyang magawa kapag sa magulang niya. Pero ang mga salitang binitawan ng mama niya sa akin ay parang kakaiba. Parang may ginawa siya kaya ako iniwan ni Adrian.
Lintek na 'yan! Sumasakit na ulo ko kakaisip. Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nababaliw na ako kakaisip. Muntik pa ako atakihin sa puso ng makita ko ang siraulo kong kaibigan sa harap ko pagkamulat ng mata ko.
"Anak ka ng tokwa! Anong ginagawa mo dyan sa harap ko?" Giit ko.
"Ikaw dapat tanungin ko niyan. Late ka na, wala ka bang balak pumasok?" Sabi ni Ren. Agad akong napatingin sa relo ko, peste 5 mins nalang!
"May utang ka sa'kin, bayaran mo nalang mamaya. Gora na girl, male-late na ang first outstanding student namin." Sabi niya pa.
Mabilis akong tumakbo sa hallway papunta sa building namin, ang daming mga pesteng bumabati, hindi nauuboss!!
'hi ate Beatrice!'
'hala, bakit kaya tumatakbo si ate Bea?' Hindi ba halata? Late na ako!
'hi Beatrice, ang ganda mo talaga'
'Beatrice I love you!'
Peste kayo!
"Ahh... Excuse me lang, late na ako!" Sabi ko sakanila dahil kanina pa nila ako pinag kakaguluhan.
Patakbo na ako ng matapilok ako, kung kanino mang paa 'yon sana ay maputol, at dahil napakagaling ng paa na 'yon ay sumubsob ako sa lalaki na nasaharap ko.
"Are you okay?" Sabi nung lalaki.
"Ahh oo- C-ceejay?" Takang sabi ko ng makita kung sino sumalo sa akin.
'ayiieee!!'
'hala bagay sila!'
'diba 'yon yung new student dito?'
'hala magkakilala sila ni ate Bea!'
Bwisit talaga!
"Sikat ka pala dito?"
"Ahhh wala 'yon, mamaya nalang tayo mag-usap late na ako, bye Ceejay!" Sabi ko pa at tumakbo nanaman.
Lintek! Sana wala pa yung prof namin! Ayoko magkaroon ng late sa attendance. Parang awa niyo na!
Takbo lang Bea! Whoo!! Kaya ko to! Aabot ako!
Nakikita ko na ang pinto ng room namin kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Pagtapat ko sa pinto lahat sila nakatingin sa akin. Namula tuloy ang pisngi ko.
Nakakahiya!
"Oh ngayon ka lang ata na late Beatrice?" Sabi nung classmate ko.
"Kaya nga eh, andyan na ba si Sir?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa upuan ko.
"Wala pa. Mukhang late rin." Sabi ni Chin na nasa harap ko.
Gumaan ang loob ko ng wala pa si Sir. Buti nalang talaga at na late din siya.
"Class! Andyan ba si Miss. Velasquez and Mr. Villanueva?" Malakas na sabi ni Sir na ikinagulat ko.
"Sir!" Sabay naming sigaw ni Jake na hindi ko napansin dahil sa pagod ko sa pagtakbo.
YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...