KABANATA 11Bigla nalang akong nagising sa hindi malamang dahilan. Napalingon ako sa paligid ko at nakita ko si Jake sa tabi ko na mahimbing ang tulog. Tumayo ako at inayos ang higa niya. Tinanggal ko rin ang sapatos niya, hiniga siya ng diretso at kinumutan.
Habang inaayos ko ang higa niya ay biglang nagbukas ang pinto. Napatingin ako, nakita ko ang isang magandang babae na tiyak ako na ka edad ko lang. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Hi! I'm Joyce." Pakilala niya sa akin ng makapasok siya.
"Beatrice." Sabi ko at nakipag kamay.
"Diba taga HRM students kayo?"
"Yeah." Tipid kong sabi. "Ikaw lang ba ang room mate namin?" Tanong ko.
"Meron pang isa, nauna lang ako dito dahil gusto ko nang magpahinga." Sabi niya.
"Oh, sige magpahinga ka na." Sabi ko.
Tumango lang siya at nahiga na sa kabilang kama. Ako naman ay inayos ang mga damit namin ni Jake. Iniayos ko iyon sa kabinet na nasa tabi ng kama na hinigaan namin. Nang matapos ako ay inilibot ko ang mata ko sa paligid at napansin ko ang isang banyo na napaka ganda, kulay puti lahat ng gamit pati ang pintura ay puti pati na rin ang tiles.
Paglabas ko ng banyo hindi ko inaasahan na may mababangga ako kaya napaupo ako sa sahig at ininda ang sakit sa pwet. Hirap akong tumayo kaya inalalayan ako nung nakabunggo sa'kin. Nakapikit parin ako dahil ang sakit ng pwet ko.
"Sorry." Sabi nung naka bunggo. Tinignan ko siya na sana ay hindi nalang dahil halos lumabas na ang mata ko sa gulat.
"Ceejay?" Sabi ko.
"Yeah, I forgot to tell you that we will stay here too."
"So alam mo?"
"Yeah." Sabi niya. "Masakit pa ba?" Tanong niya habang nakatingin sa balakang ko na hawak ko.
"Medyo, pero kaya ko naman." Sabi ko.
"Sorry talaga, hindi kita napansin kanina kaya nabangga kita." Sabi niya na may bahid ng pag-aalala ang mukha.
"Okay lang." Sabi ko at ngumiti.
"Can I use the bathroom now?" Tanong niya na halatang nagpipiligil.
"Ahhh oo naman." Sabi ko at natawa pa ako dahil agad siyang pumasok sa banyo.
Umupo naman ako sa kama ni Jake at ininda ang sakit. Bakit naman kasi ang tigas ng katawan ng lalaking 'yon, napaupo tuloy ang matambok kong pwet sa sahig. Habang minamasahe ko ang balakang at pwet ko, naramdaman ko ang paggalaw ni Jake. Tinignan ko siya ng maigi, hindi kasi makita ang mukha niya dahil nasa pinaka dulo siya ng kama na palapit sa pader.
Galaw siya ng galaw, parang naiinitan siya na hindi ko maintindihan. Nang tanggalin ko ang kumot na nakabalot sakanya at nakita ko ang mukha niya na sobrang pale. Kinabahan agad ako kaya hinawakan ko ang nuo niya at tama ako, nilalagnat siya.
Jusko naman bakit ngayon pa Jake? May immersion tayo.
Kahit hirap ako sa paglakad, kinaya ko paring kumuha ng bimpo hinintay ko din na lumabas si Ceejay sa banyo para kumuha ng warm water sa shower. Hindi ko na inisip ang sakit ng balakang at pwet ko dahil kailangan gumaling agad ni Jake.
Lakad takbo akong bumalik sa kama na hinihigaan ni Jake at inayos siya ng higa para maabot ko. Binasa ko ang bimpo na hawak ko sa warm water at piniga sabay punas sa mukha niya papunta sa braso. Mabuti nalang at naalala ko ang dinala kong gamot sa bag ko. Sabi ko na at magagamit ko ang gamot na ito eh. Sakitin kasi ako lalo na kapag bumabiyahe kami sa malalayong lugar, pero si Jake naman ang nilagnat at hindi ako.
YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomansaFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...