KABANATA 6
Tumagal kami ng 30 mins sa garden nila Jake na puno ng tawanan at kwentuhan bago kami tawagin ni Vee dahil andyan na daw ang mga kaibigan ko.
Napabuntong-hininga nanaman ako dahil hindi ko alam kung pa'no mag rereact sa kanila. Alam kong mahahalata nila kahit na mag pretend ako.
"Beaa!" Sigaw ni Ella ng makita ako. Agad na gumuhit ang tuwa sa aking labi.
Nang makalapit ako sakanila ay niyakap ko silang lahat.
"Sino 'yang kasama mo?" Tanong ni Angel ng makita si Ceejay na nasa likod ko.
"Si Ceejay." Sabi ko.
"Hindi mo sinabi na may bisita pala kayo ni Jake." Sabi ni Ren na mukhang nang aasar.
"Bakit, hindi ba sinabi sainyo ni Jake?" Takang tanong ko.
"Nope." Sabi ni Ella at umiling pa.
Siraulo talaga minsan si Jake. Bakit naman hindi niya sinabi na may bisita siya tapos pinapunta pa 'tong apat na maiingay na 'to?
"Oy! Andyan na pala kayo?" Sabi ni Jake. Kasunod niyang lumabas sila Vee at Jaycee. "Where did you go, Bea? Hindi ka nanood kanina ah." Sabi niya pa.
"Sa garden, nagpahangin." Sabi ko naman.
"I see." Sabi niya lang.
"Anyways bakit pala kayo napadpad dito?" Takang tanong ko sa mga kaibigan ko.
"Wala kaming mapuntahan, and I think this is the best place where we can enjoy." Sabi naman ni Ella.
Nasapo ko ang sarili kong noo dahil sa sagot ni Ella. Sa tuwing wala kaming mapuntahan nakikibahay kami sa mga kaibigan din namin, tulad ngayon, nakikibahay ang mga kaibigan kong ito.
Napatingin naman ako kay Jake na busy sa paghahanda ng makakain namin. Nang tignan ko si Vee, ayon kumakain ng egg sandwich.
Waaahh bakit siya may egg sandwich?
Nakatingin lang ako kay Vee, hindi ko alam kung maiinis ako o sisimangot dahil sa kinakain niya. Paborito ko ang egg sandwich at dahil hindi ako nakanood kanina wala akong egg sandwich.
"Bakit?" Takang tanong ni Vee ng mapansin na nakatingin ako sakanya.
"Akin 'yan!" Sabi ko.
Napatingin naman siya sa kinakain niya na kalahati na.
"Ito ba? Meron pa dito wait lang." Sabi niya at pumunta sa table na malapit lang sa kanya. Gulat pa siyang napatingin doon at tumingin sa kaharap niya at tumingin sa akin.
"Sorry Bea, naunahan ka ni Ceejay." Sabi niya at tinuro ang kapatid.
Sinamaan ko ng tingin si Ceejay na agad namang nagulat ng makita ako.
"W-what?" Sabi pa niya.
"Wala." Inis na sabi ko.
Humarap ako kila Ella at nagpaalam na pupunta lang ako sa kusina, tumango naman sila pero bago ako maka alis lumapit sa akin si Vee.
"Oh, sa'yo nalang 'to, hindi 'yan egg sandwich pero masarap 'yan." Sabi niya at ibinigay sa akin ang fugeebarr.
"Yah! That's mine, kuya!" Sigaw ni Ceejay na ikinagulat ko.
Humarap naman sakanya si Vee at tinignan na parang siraulo.
"Kinuha mo ang egg sandwich niya kaya sakanya naman tong fugeebarr mo." Sabi ni Vee at ngumiting aso pa.
"Fine, exchange nalang, hindi ko pa naman nakain." Sabi niya.
"Okay—" -Vee
"No, hindi na. Ayoko na niyan, itong fugebar nalang akin—" Sabat ko. Tumawa lang si Vee at nagkibit balikat.

YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...