Kabanata 15

3 1 0
                                    

KABANATA 15

Mauuna ang alis namin sa apartment dahil may service pala sila, meron din kami kaso kayla sir lang ang meron dahil nahiwalay nga kami, mabuti nalang at meron si kuya Paul para suduin kami.

"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ni Jake habang dala dala ang maleta ko.

Tinignan ko naman ang bawat dala ko. Hawak ko na ang apat na paper bag at ang isang bag ko na puno ng kung ano anong pang katawan at undies ko. Tumingin din ako sa paligid dahil baka may naiwan ako pero wala.

"Wala na." Sabi ko. Tumango naman siya at nilagay sa labas ng pinto ang maleta ko at maleta niya.

"Guys, mauuna na kami." Paalam namin.

"Maiingat kayo, mamimiss kita Bea." Sabi ni Joyce.

"Ano ka ba?! Magkikita pa tayo sa school." Sabi ko.

"Tss OA." sabi naman ni Ceejay.

"Manahimik ka nga jan!" Sabi naman ni Joyce at ayun, nag away na ang dalawa.

Umalis na lang kami pareho ni Jake dahil hindi na titigil ang dalawang yun sa pag aaway. Bago kami tuluyang umalis ay nag paalam kami kay Jason.

"Mauuna na kami Jason, maraming salamat sa lahat. Babalik pa ako dito tandaan mo yan ha?" Sabi ko sakanya.

"Maghihintay ako kung ganun." Sabi niya at nagyakapan na kami.

Nagpaalam na rin si Jake at nagyakap din sila.

Bago umandar ang kotse nila Jake ay nakita ko pa si ate na nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako ng bahagya sakanya at umandar na ang kotse namin.

Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasang ma miss ang Manila. Isang week palang ako dito pero gusto ko na agad bumalik. Gusto na lang dito tumira, kahit pa mahirap ang buhay dito.

"You okay?" Biglang tanong ni Jake.

Lumingon ako sakanya at bahagyang tumango. "Inaantok lang ako." Sabi ko.

Totoong inaantok ako, hindi ko alam kung bakit pero talagang inaantok ako.

"Then sleep." Sabi niya at pinalo ng bahagya ang kanyang balikat. Agad naman akong sumandal sa balikat niya upang makatulog na.

Nang ipikit ko ang mata ko, siya namang pag kulo ng tyan ko. Napahawak ako sa tyan ko at tumingin kay Jake.

"Why?"

"I'm hungry." Sabi ko at nag pout.

"I told you to eat earlier but you keep ignoring me then now your saying that you're hungry." Sabi niya. Mas lalo pang lumapad ang pagnguso ko dahil pinapagilitan nanaman niya ako.

Kasalanan ko ba na andun sa dinning area yung kapatid ko?

"You know why I didn't eat," sabi ko habang naka pout parin.

"Tss, I don't have any foods here." Reklamo niya sa akin.

"Ako Sir meron." Sabi naman ni kuya Paul. Inabot niya ang nasa passenger seat na supot at ibinigay sa amin ito. "Ipinapabigay ni ma'am Althea iyan, baka daw gutumin kayo sa biyahe." Nakangiting sabi ni kuya Paul.

"Pasalamat ka at may pinadala si Mom na pagkain." Sabi niya sa akin habang tinatanggal ang pag kakatali sa supot.

"Thank you!" Masayang sabi ko.

"Oh," bigay niya sa akin ng isang maliit na lalagyan.

Nang makita ko kung ano ang pagkain ko ay agad akong nakaramdam ng sobrang gutom. Carbonara! Sigaw ng mga alaga ko sa aking tyan.

Captured (Five-ulous Series #1)Where stories live. Discover now