Kabanata 20

0 0 0
                                    

KAVANATA 20

"Miss Velasquez, follow me." Sabi ni Ma'am. Tumango lang ako at sumunod.

Naglakad kami hanggang sa makarating sa faculty room. Wala akong idea kung anong gagawin namin dito. Pagpasok namin nakatingin na ang ibang teacher sa akin. Ang ganda ko daw kasi.

"Miss Velazquez ikaw muna ang magbabantay sa photography class-A." Sabi ni Maam Acosta ng makarating kami sa table niya. Hala!

"Bakit po ma'am?" Takang tanong ko.

"Nanganak na ngayon si ma'am Rowena. Walang ibang teacher ang pwede dahil busy lahat sa darating na exam niyo. Ang gagawin mo lang naman ay bantayan sila at ibigay itong mga reviewers nila."

"Okay po ma'am. Hanggang anong oras po ako magbabatay?"

"Until lunch." Tagal naman.

"Bale two hours po. Eh ma'am paano po ang ibang subject ko?" Sana naman ay 1hr lang.

"Naayos ko na lahat, magrereview lang naman ang gagawin natin this week dahil next week ay Christmas break niyo na tapos exam pagbalik niyo."

"Okay po ma'am."

"Medyo magulo ang class-A ng photography kaya sana ay magawa mo silang patahimikin. Good luck." Nakangiting sabi ni ma'am at ibinigay ang maraming reviewers. Tumango ako at nagsimula nang maglakad palabas ng faculty.

Ang layo pa nang lalakarin ko dahil sa kabilang building pa sila at sa 4th floor pa ang class-A ng photography. Habang naglalakad ako ay isinuksok ko ang kamay ko sa bulsa ng jacket ko, may nakapa ako, isang lolipop. Nakuha ko ito sa upuan ko kanina, walang sulat o kahit anong palatandaan kung kanino galing pero kinuha ko parin.

Bago ako pumasok sa room ng photography A, nag inhale exhale pa ako ng ilang beses. Hindi ako sanay na pumupunta sa ibang room para magbantay. Kung bakit naman kasi ako pa. Sana ay matino sila kahit papaano.

Hindi pa ako nakakalapit sa pinto nila ay rinig ko na ang ingay na nagmumula sa room nila. Parang gustong magback out ng katawan ko dahil sa hiya.

Seryoso akong naglakad papasok sa room nila. Syempre kailangan nating maging mataray para kunwari hindi ako nahihiya. Tumahimik sila nang makatayo na ako sa teachers table. Bigla akong nang hina dahil sa mga presensya nila.

"Uy Beatrice!" Sigaw ng hindi ko kilalang lalaki.

"Oo nga si Beatrice pala ito!" Sigaw din ng katabi niya. At ayon na nga nag-ingay nanaman sila dahil sa kilala daw nila ako. Pati mga babae ay nagbubulong bulungan na.

Jusko naman, mukha ba akong diwata?

I cleared my throat before I speak. "Ahh guys, ako muna magbabatay sainyo, Mrs. Garcia is in labor today so ako ang pinalit nila ma'am Acosta dahil wala ng ibang pwede." Buong lakas kong sabi. Mabuti at hindi ako nautal.

"Okay po ma'am!" Sigaw ng mga kalalakihan.

"Anong gagawin natin ngayon Bea?" Pabulong na tanong no'ng babaeng nasa bandang harap lang. Nagulat pa ako nang makitang si Fama pala 'yon.

"Magrereview lang." Sagot ko. Nagthumbs up naman ito sa akin.

"Guys, sino ang president niyo?" Tanong ko.

"Si Ceejay, ma'am." Sigaw nanaman nila.

Ceejay?

"Kindly drop that ma'am, I'm not comfortable with it." Nahihiyang sabi ko.

"Sige po." Sigaw nanaman nila. Hinanap ko naman si Ceejay, nang hindi ko siya mahanap ay nagtanong na ako.

"Ahm where is Ceejay?"

Captured (Five-ulous Series #1)Where stories live. Discover now