KABANATA 2
Hindi naman ako nagugutom pero nag-order parin ako, dahil kay Angel na ipinasa sa akin ang gutom niya.
Ang pina order ko lang ay burger at drinks, maaga pa kaya naman hindi pa ako gutom, samantalang ang inorder ni Angel ay pang lunch na ata niya sa sobrang dami.
"Tin..." Tawag sa akin ni Jake.
"Hmm?" Tugon ko habang sumisipsip sa drinks ko.
"Practice naman tayo sa bahay mamaya oh, malapit na yung due date natin para sa competition pero wala pa tayong naiisip na iluluto." Sabi niya habang kumakain ng fries.
Ay shit, oo nga pala, nakalimutan ko na naman hays , maglalagay na nga ako ng sched ko sa phone para alam ko na lagi ang gagawin ko.
"Ano kasi.... alam mo naman na nag wo-work ako diba? Pwede bukas nalang? Sunday naman bukas free ako no'n kahit buong araw pa tayo mag practice." Sabi ko at ngumiti.
"Oo nga pala, o sige, susunduin nalang kita sa bahay niyo." Sabi niya at ngumiti rin.
"Anong competition 'yan?" Takang tanong ni Angel.
"May paligsahan kasi per district at dito gaganapin next week, kami ang kinuha ni Sir Vincent na makilaban." Paliwanag ko.
"Taray! Pero next week din ang OJT niyo diba?"
"Oo, pero mauuna ang competition namin." Sagot ko.
"Bakit hindi ko alam 'yan?" Tanong na naman niya.
"Mamaya mo pa malalaman dahil hindi ka pa naman pumapasok, siguro sila Ella ay alam na dahil pumasok na sila kanina pa, tska maagang sinabi sa amin dahil kami nga ang representative." Sabi ko ulit. Tumango nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Laging kami ang kinukuha na represen- tative sa tuwing may event dito sa school, kaya minsan nalang kaming mag sama-
samang lima, madalas ako ang laging busy dahil may work din ako. Kapag wala ang trabaho ko hindi ko mabubuhay si papa at ang sarili ko, hindi ko rin matutustusan ang ibang pangangailangan ko dito sa school dahil nahihiya na rin ako sa tita ko.Si tita ko ang nagpapa-aral sa akin simula high school, habang ako naman ang bahala sa mga gastusin sa bahay dahil nga wala ng binibigay na tulong ang kapatid kong babae. Naawa na nga ako kay papa dahil alam kong nahihirapan na siya sa akin.
"Hayy, salamat Jake, nabusog ako!" Masayang sabi ni Angel nang maubos niya na ang pagkain niya. "Mauuna na ako sainyo, kailangan ko pa magpunta ng library." Sabi niya at nakipag beso sa akin.
Hindi ko alam kong mag la-library ba talaga 'yon o mag hahanap nanaman ng panibagong crush niya. Umiling nalang akk habang nakatingin sa kaibigan kong palabas na ng cafeteria.
Dumadami na ang tao sa cafeteria dahil malapit na maglunch break. Pinagmamasdan ko lang si Jake habang umiinom ng coke. Gwapo siya pero wala pa akong nakitang nililigawan niya o 'di kaya girlfriend, naiisip ko na baka bading talaga siya.
"Jake..." Tawag pansin ko.
"Bakit?"
"Bading ka ba?" Walang ano-ano'y tanong ko. Naibuga niya ng wala sa oras ang iniinom na coke. Mabuti nalang at hindi ako nabugahan.
Nagpunas ito ng bibig at nagsalita. "Bakit mo naman na tanong 'yan?"
"Eh kasi, simula nang nakilala kita, wala pa akong na kikita o nakikilalang girlfriend mo kaya naisip ko na baka bading ka." Sabi ko.
"Seryoso? Mukha ba akong bading?" Umiling ako.
Oo nga naman kasi, hindi naman siya mukhang bading.

YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
Roman d'amourFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...