KABANATA 17
Nagising ako ng may gumagalaw sa ibabaw ko. Someone pressing my boobs. Napa mulat agad ako at muntik ko ng maitapon si Zaine dahil sa gulat. Mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko. Hinahawakan niya ang dede ko, mukhang nanaginip pa ang batang ito.
"Zaine? Gising na." Sabi ko. Gumalaw lang siya.
Hinayaan ko nalang dahil baka maistorbo ko ang pagtulog niya. Matutulog sana ulit ako ng makita ko ang isang maliit na bag sa harapan ng tv namin. Inayos ko ang pagkakahiga ni Zaine at inilapat siya sa sofa para makuha ko ang bag. Buti nalang at hindi siya nagising. Paglapit ko sa bag may papel iyon at may sulat galing kay Zack.
Gamit ni Zaine ang lahat ng ito. Hindi na kita ginising dahil mukhang ang sarap ng tulog niyo. Nagluto na rin ako ng almusal mo ang kay Zaine ay narito sa bag. Mag text ka kapag gising ka na.
-Zack
Kinuha ko agad ang phone ko at nagtext kay Zack na gising na ako. Hinintay ko ang text niya pero wala kaya naligo na ako bago pa magising si Zaine. Binilisan ko ang pagligo dahil baka magising si Zaine at hanapin ako.
Pagkatapos ko maligo ay nagpalit na agad ako. Tinignan ko kung gising na si Zaine pero mahimbing parin ang tulog nito. Hinanda ko na ang cerelac niya at ang gatas niya.
Gusto ko ang mga ganitong gawain. Wala akong kapatid na mas bata sa akin dahil ako ang bunso kaya naman gustong gusto ko ng ganito.
Maya maya lang ay nagising na si Zaine. Mabuti nalang at hindi siya umiyak dahil kapag nangyari iyon ay hindi ko alam ang gagawin.
"Gutom ka na ba baby Zaine?" Tanong ko habang buhat buhat siya. Hindi siya sumagot at yumakap lang sa akin. Humarap ako sa bintana para mainitan siya, hindi ko alam kung natulog siya ulit pero hinayaan ko siya sa ganung posisyon.
"Hmmm," sabi ni Zaine at pinalo ang likod ko.
"Ano 'yon baby Zaine?" Tanong ko.
Tinuro niya ang mga bata na naglalaro sa labas at may kanya kanyang sasakyan na laruan.
"Gusto mo ng ganon?" Tanong ko. Tumango naman ito.
"Sige, bibilhan kita pero kailangan mo muna kainin ang pagkain mo ha?" Sabi ko.
Tumango naman siya at ngumiti. Habang sinusubuan ko si Zaine ay kumakain din ako ng tosilog na niluto ni Zack. Mabilis namang naubos ni Zaine ang pagkain niya, mabuti nalang at hindi mahirap pakainin ang batang ito.
Pagkatapos kumain ay iniwan ko muna si Zaine sa sofa habang naunuod siya. Ako naman ay inihanda ang pang ligo niya, akala ko ay bibili pa ako ng pang bata na sabon at shampoo kaso meron na pala sa bag na iniwan ni Zack.
Nang kumulo na ang mainit na tubig para kay Zaine nilagay ko ito sa timba at nilagyan ng malamig na tubig at dinala si Zaine sa banyo.
"Ready ka na?" Sabi ko. Nakaupo siya sa batya habang hawak hawak ang isang duck. Tumango ito at ngumiti sa akin.
Binuhasan ko na ang katawan niya ng warm water. Hindi naman siya nag react dahil busy sa nilalaro niya. Sinasabunan ko ang buong katawan niya at syempre nag shampoo rin siya kahit na kaunti palang ang buhok niya.
"Close your eyes baby. Your eyes might hurt." Sabi ko. Sinunod niya naman ako. Dahan dahan ang pag buhos ko sakanya. Mabuti nalang at hindi siya makulit.

YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...