KABANATA 13
Maaga akong nagising, masama parin ang loob ko at gusto ko mawala ito. Tulog pa ang mga kasama ko sa kwarto kaya naman tumabi ako kay Jake at nahiga sa braso niya.
Nakasanayan ko na ang ganito dahil gumagaan ang pakiramdam ko kapag nasa tabi ko siya.
"Why are you here?" Pabulong na sabi ni Jake.
Nagulat pa ako pero hindi ko nalang pinansin at umiling.
"You didn't talk to me the whole day after you talk to your sis—"
"I'm sorry, I need to do that, I might explode in anger when I speak to you and to everyone I don't want anyone to be hurt, specially you. I can't handle my temper, I'm not good enough for that." Sabi ko.
Ngayon lang kasi ako naging ganito kay Jake. Kapag sobra na ang galit ko ay hindi ko alam ang ginagawa ko. Nagiging sarado ang isip ko sa mga bagay kapag galit ako at ayoko saktan ang mga nakapaligid sa akin.
Tumayo ako sa pagkakahiga dahil gusto ko muna magpahangin. Hindi pa ako okay, gusto kong ilabas lahat kaso kanino? Wala ang mga kaibigan ko dito, they can handle my attitude pero wala sila dito. Palabas na sana ako ng kwarto ng may kumapit sa bewang ko. Napatigil ako pero tanauhan din.
"Let me hug you, don't be sadist this time." Sabi ni Jake habang nakayakap parin mula sa likod ko.
Hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako. Ayoko gumawa ng ingay pero hindi na kaya ng sarili ko ang pagpigil sa hikbing nais kumawala sa aking bibig.
Hinarap ako ni Jake at niyakap niya akong muli. Ramdam ko ang senseridad niya mula sa pagkakayakap sa akin.
"Be strong Celestine, I'm always here."
"P-pagod na ako Jake…pagod na pagod na ako…ako nalang lagi ang masama. Habang kinakausap ko si ate kahapon, I'm happy and angry at the same time. Mas lalo pa akong nagalit ng sabihin niya sinasayang ko ang pera na pinang aaral sa akin ni papa, hindi niya man lang tinanong kung bakit ako nagtratrabaho doon basta niya nalang akong hinusgahan. Ganun ba ako ka tanga para iwan ang pangarap ko at ang pinaghirapan ni papa? I'm not like her, parehas ba kami Jake?" Mahabang sabi ko.
"No, you're different from anyone, you're unique. Kapag hindi ka nila tanggap andito lang ako at mga kaibigan mo, tanggap ka namin kahit pa anong mangyari. We will not leave you."
Kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman kong lungkot at galit.
"Stop hiding your true self, kung hindi ka nila matanggap sa pinapakita mong hindi naman ikaw edi ipakita mo nalang ang tunay na ikaw kesa naman nahihirapan ka. Tandaan mo, mas magandang tanggapin ka nila sa tunay na ikaw kesa ang tanggapin ka nila sa nagpapanggap na ikaw."
I hug him. Mahigpit na yakap ang ibinigay ko. Nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong katulad ni Jake.
"Thank you, Jake."
"Pwede na ba ulit akong matulog?" Napatingin ako ng wala sa oras sakanya at sinapak siya sa dibdib.
"Panira ka ng moment, matulog ka na nga at lalabas nalang muna ako." Inis kong sabi.
"Okay, wag ka muna mag aalmusal, sabay tayo." Sabi niya at humiga muli sa kama. Tumango naman ako at lumabas ng kwarto.
Alas sinco palang ng umaga at heto ako naka tunganga sa terrace. Hindi ko maiwasang mag-isip. Paano kung nalaman nila ang ginagawa ni ate? Gusto parin kaya nila si ate? Ako? Magiging maayos na ba ang trato nila sa akin?
I was about to leave the terrace when someone entered. He gave me a wide smile and gave me the coffee.
"Thanks." Sabi ko nang makuha ang kape.

YOU ARE READING
Captured (Five-ulous Series #1)
RomanceFive-ulous series #1 Camera is an object that can make us capture every moment of our lives. A single flash can make a beautiful person show its smile. Ngunit hindi lang pala camera ang kayang magpangiti sa buhay kong ito. Siya ang dahilan kung baki...