Kabanata 16

1 0 0
                                    

KABANATA 16

Kakatapos lang ng apat na subject namin ngayon, nasa cafeteria kami ni Jake at Ceejay, hindi ako sanay na kasama namin si Ceejay sa pagkain pero okay naman siya kasama.

"Jake?"

"Mmm?"

"Samahan mo naman ako mamaya oh." Sabi ko.

"Bakit? Ano meron?"

"Birthday ni papa tommorow, bibili ako ng regalo." Sabi ko.

Ilang weeks na kasi ang lumipas nang bumalik ako dito galing manila. December 15 na bukas at birthday ni papa. Kasama rin si Zack sa birthday ni papa dahil lagi nang nasa bahay ang lalaking iyon at gustong gusto siya ni papa.

"Sige, basta invited ako ha?!"

"Lagi ka namang invited, kailan ka ba inayawan ni papa?" Sabi ko. Paborito rin siya ni papa pero mas gusto niya na ngayon si Zack. Hindi ko alam kung bakit gusto sila ni papa habang ako na anak nila ay ayaw niya.

"How about you Ceejay? Gusto mo sumama?" Tanong ni Jake kay Ceejay.

"I want too, pero may pupuntahan kami ng parents ko."

"Oh, sayang naman."

"Maybe next time." Sabi niya at kinuha ang camera niya. Nasa harap kasi namin si Ceejay at magkatabi naman kami ni Jake. Busy kami sa pagkain ni Jake habang si Ceejay ay may kinakalikot sa camera niya.

"May nakapag sabi sa akin na crush mo daw ako Jake." Sabi ko habang kumakain.

Bigla nalang nahulog ang kutsara't tinidor na hawak niya. Tinignan ko siya at gulat na gulat ang mukha niya.

"S-s-sino n-ag sabi?" Utal na sabi niya. Pigil ko ang pagtawa dahil sa mukha niyang na ngangamatis. Kung hindi ko lang siya kaibigan iisipin ko na gusto talaga ako ni Jake.

"Crush mo si B-bea?" Sabi naman ni Ceejay.

"Ha?! H-hindi ah! Si...s-sino nag sabi?" Sabi ni Jake at umiling ng umiling.

"Hahaha para kayong tanga! Binibiro ko lang naman kayo. Pero paano Jake kung nagkagusto ka sa akin? Naiisip mo ba 'yon?" Tanong ko.

Super duper close kasi kami ni Jake. Hindi ko alam pero naiisip ko yung mga ganung bagay, kasi diba minsan kapag super close kayo ng boy best friend mo pwedeng mag kagusto siya sa akin o ako ang magkagusto. Pero mukhang malabo ang naiisip ko dahil may gusto si Jake.

"B-bakit naman ako magkakagusto sa'yo? Ang panget mo kaya." Sabi ni Jake kaya naman binatukan ko kagaad.

"Alam mo…tangina ka!" Sabi ko na ikinatawa niya naman.

Kumain nalang ako dahil panay ang tawa ng siraulong kaibigan ko. Kung hindi ba naman gago ang taong 'to, sabihan ba naman ako ng panget eh ang ganda ganda ko!

Sa sobrang inis ko pumikit ako para kalmahin ang sarili ko. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko ang isang pirasong cake na nasa harap ko. Nagkaroon ako ng idea kaya naman pasimple akong kumuha ng icing na marami at pinahid sa mukha ni Jake.

"Hahahaha! Masama galitin ang magandang tulad ko, hahahaha!"

May icing ang kalahating mukha ni Jake. Naka busangot na rin ito at hindi maipinta ang mukha.

Bakit parang ako pa may kasalanan?

"Remove it, Celestine!" Sambit niya.

"Ayoko!"

"Tatanggalin mo o sisigaw ako na crush mo ako?" Pagbabanta niya.

Aba! Ako pa ang na blackmail?!

Captured (Five-ulous Series #1)Where stories live. Discover now