Panimula

10 4 2
                                    

PANIMULA

" Bea! " Sigaw ni Ren mula sa tapat ng pintuan ng kwarto ko.

" What the?! Stop shouting! " Sigaw ko din.

Kanina niya pa ako kinukulit. Kanina parin siya sumisigaw. My ears is sensitive with noise. Konting kibot lang ay naiirita na ako. I want silence. I want peace. Pero dahil kaibigan ko itong babaeng 'to. Wala akong kapayapaan ngayon.

" Pagbigyan mo na kasi ako. Ilang araw ka ng hindi makausap. Hindi pa kita maisama sa mga party na pinupuntahan ko, ang dami nang naghahanap sa'yo. " Pag mamakaawa niya.

Arghh! I hate being with her in this condo. It's almost eleven in the evening yet she's disturbing me. Napa ikot ang mata ko at binuksan ang pinto para makausap siya.

Lumipat ako dito sa condo niya dahil naboboring ako sa condo ko. Masyado lang ako na iistress kakaisip ng mga kung ano-ano, pero sa kagustuhan kong may makasama sa iisang bubong, napasama pa yata. Masaydong makulit si Ren, gusto niya laging nag paparty. All I want is peace. Yeah, I like party too, pareho kaming nag pupunta sa kung saan man meron, pero dati lang 'yon.

" Dahil ba ito sakanya? Kaya nagkakaganyan ka ulit? " Napatingin naman ako ng banggitin niya 'yon.

Bakit napunta nanaman diyan ang usapan?

" What?! " Iritang sabi ko.

" I know you well, dearest friend. " Sabi niya pa at naupo sa carpet.

" Walang kinalaman sakanya ang pagiging tahimik ko. I just want to rest. My mind is too occupied, I can't think properly when it's too occupied. " Giit ko.

" Really? Occupied by who? " Pang iinis niya.

" What the hell Ren! Bakit who agad? " Inis na sabi ko.

" Dahil hindi ka naman naabala ng trabaho mo. You enjoy your work, mas gusto mo pa ngang magtrabaho kaysa ang mag pahinga. Pero dahil 'occupied' nga ang utak mo ng kung sino. Hindi mo magawang magtrabaho. Tama ba Beatrice Celestine Velasquez? " Matalim niya akong tinignan sa mata.

" Fine....Yes.....now, leave. I want to sleep." Pagsang-ayon ko.

Kahit anong gawin kong pagtanggi walang mangyayari. Alam kong hindi tama ito pero lintek! Naapektuhan parin ako.

Akala ko wala na ang lahat. Akala ko ayos na ako pagbumalik siya. Pero akala lang pala ang lahat. Hindi pa siya bumabalik pero ganito na agad ang nangyayari sa akin.

" It is a big deal to you? " Tanong naman niya.

" I don't know. " Sabay iling ko.

Tumahimik kaming pareho, pinapakiramdaman ang bawat isa.

Hindi ko gusto ang ginagawa ko ngayon. Mag tatatlong linggo na akong wala sa Restaurant, Hotel at Bar ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari, kung nalulugi na ba o ano. Alam ko naman kaya ng secretary ko 'yon. Pero hindi biro ang pagiiba ng pananaw ko sa buhay. It's been a year pero ngayon lang ulit ako na apektuhan. Buong taon binuhos ko ang oras ko sa trabaho ko para lang makalimutan siya at pagtapos ng taon na 'yon doon na tumalab ang lahat. Sobrang sakit, parang tinutusok ng paulit ulit ang puso ko sa tuwing na iisip ko lahat ng pinag samahan namin. Nawawala ako sa sarili ko kapag naalala ko ang lahat.

Ayaw kong nagpapahinga dahil sayang lang ang oras ko. Pero kapag mga kaibigan ko ang nag-aya wala na akong magagawa. I need to give my self a break this time.

Ito ang pinakamahabang leave ko. Nakaranas na akong mag leave ng mahigit 1 week pero business meeting ang pinupun- tahan ko. Pero iba ito, nag leave ako para magisip ng kung ano-ano. Or let just say.... I'm thinking about him the whole time.

Captured (Five-ulous Series #1)Where stories live. Discover now