2 (The Best Dada)

1.9K 72 8
                                    


THIRD PERSON.

"Goodmorning hon" bati ni jennie kay Lisa. Start na naman kasi ng week ngayon kaya busy sila pareho.

"Goodmorning din hon." Jennie pecked on Lisa's lips.

Humihikab pa si Lisa na napatayo na nang higaan at naglakad palabas ng kuwarto nila.

"Hon, paki gising na din si Ella and tell her to have her bath na. Maligo na din ako. Be careful na wag magising si Liam ha?" pagbibilin sa kanya ni jennie bago tuluyang pumasok sa banyo.

Dahan-dahang pumasok si Lisa sa kuwarto ng mga bata at tahimik na ginising si Ella.

"Baby, wake up na. Papasok pa sa school." bulong nya sa anak at binigyan ng halik sa noo.

Mabilis namang sumunod sa kanya si Ella. At sya naman ay bumaba na patungong kitchen.

Ganito kasi ang set-up nila sa bahay lalo kapag school days. Si Lisa ang nag-aasikaso at naghahatid-sundo kay Ella sa school. Ayaw kasi nilang iasa sa school service. Di daw safe.

Hinanap ni Lisa ang recipe book na binili nila kahapon. Gusto nya kasing matutunan ang pagluluto para hindi na magreklamo si Ella sa lasa ng niluluto nya.

"Hmmm... so ano bang madali ditong lutuin?" palipat-lipat sya ng page ng book at naghahanap ng dish na lulutuin.

"Mixed vegetables with fried rice? Egg omellete? Bread roll?? Psh. Bakit puro mahirap lahat??" angal nya at napakunot ang noo.

Nagulat sya sa pag-alarm ng phone nya.

"Ayy hala! 6:30 na pala. Wala na akong oras." natataranta na sya sa pagmamadali, maya-maya kasi bababa na ang tatlo para sa breakfast.

Sa huli nauwi na naman uli sa pritong hotdog at itlog ang almusal nila.

Agad na nya itong hinanda sa mesa at napapasipol pa.

"Hon?? Okay na dyan?" rinig nyang tawag ni Jennie.

"Hey dada, ito uli?? I thought you will cook something different naman po?" tanong ni Ella pagka-upo. Inupo naman na ni Jennie si Liam sa High-chair at naupo na din sya pagkatapos.

"Hehe sorry na, promise bukas bago na yan hehe." sagot naman ni Lisa sabay naupo na rin.

"Ella, baby sige na eat na. Dada cooked that for us you should still be thankful anak." malambing na sinabihan ni Jennie ang anak kaya naman lumapit ito kay Lisa at niyakap.

"Sorry Dada, thank you for the food po." halos pabulong nyang nasabi.

Napangiti naman si Lisa.

Lisa's weakness are her kids and Jennie. It melts her heart.

"It's okay baby, babawi si dada mamaya sa dinner. Go na kain na baka malate sa school." pag-uutos nya sa bata.

7:00 AM exactly at nagprepare na silang umalis. Jennie with her car and Lisa with kids at the other car.

"Hon, ingat kayo ha? Drive slowly. Yung mga bata hon. I love you so much." jennie pecked on her lips pati na rin sa mga bata bago sumakay ng kotse nya at umalis.

Ganon din sina Lisa. Ganito ang gawain nya araw-araw at masaya naman syang gawin ito.

Kung dati hanging out with friends ang lagi nyang ginagawa, ngayon baby sitting her kids na.

"Ella, what do you want for dinner later? Dada will cook it for you." nakangiting sabi ni Lisa kay Ella.

"Ahmm i want chicken adobo dada! That's yummy." excited nyang nasagot.

A Rewind of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon