LISA POV.Aiisssh! Hindi sinagot ni Jennie yun tanong ko.
Find out myself, find out myself pa tsss di nalang sabihin eh! Nagwalk-out pa.
"Badtrip!!"
Napapa padyak ako dito sa sahig dahil sa inis.
"Ohhh Lisa, what's the problem? Kanina ka pa salita ng salita dyan. Tignan mo yang sibuyas oh ewan kung hiniwa ba yan o giniling na sa sobrang pino." puna sakin ni Irene. Tinutulungan ko kasi sya magluto ng breakfast.
"Psh. Paano kasi nakakainis si Jennie ang aga aga." nababanas kong nasabi.
"Ohh? Hahaha nakakatawa ka." sagot nya habang tumatawa.
"Yah babe! Why you're laughing at me?" pagmamaktol ko sa kanya. Badtrip na nga eh pinagtatawanan pa tsk.
"Sorry na hahaha kung ako sayo puntahan mo sya don sa sala at tanungin mo kesa nagkakaganyan ka dyan." sabi nya sa akin.
Ah sabagay nga naman ano.
"Ohh sige. Ikaw nalang bahala dyan ha babe?" sabi ko pa saka hinubad ang apron at nagtungo sa sala
I saw jennie busy with her phone at wait... kinikilig??
Ichura nito ah!
Sinong kausap kaya?Dahan-dahan akong naglakad papuntang likod nya para tignan ng patago kung sino ang kausap nya.
"Sige silip pa Lisa!" nagulat ako ng bigla syang sumigaw.
Grabe naman wala pa nga akong nakikita huli agad?
"Aba aba sinong sumisilip ha?? Ang assuming mo naman." patay malisya kong sinabi.
"Wag mo kong pinagloloko. Kitang kita ko ang reflection mo dito sa phone ko ano! Ichura mo para kang tanga konti nalang idikit mo mukha mo dito. Duuuhh!" mataray nyang sinagot sa akin .
Luh, grabe talaga ang pakiramdam at paningin nitong babaeng ito.
Parang pusa talaga.
She glared at me and rolled her eyes.
I don't know but nakakaramdam ako ng kabog ng dibdib ko.
"Ayy hala sya oh." mahina kong nabanggit.
"Che! Bahala ka dyan Manoban." dagdag nya pa saka walk-out ulit.
"Oyy ano alis ka na naman? Queen of Walk-out ka talaga ano." sigaw ko habang naglalakad na sya paakyat ng hagdan.
Naiwan ako dito sa sala.
"Grabe naman yung babaeng yon. Nakakatakot. Ang malas naman ng mapapangasawa nya. Hehe." bulong ko sa sarili.
~~~~~~
Weeks had passed at patuloy kami sa ganitong set-up. But thankfully kasi nababawasan na ang pagsumpong ko.
Or if susumpong eh saglit nalang.
Mommy called me this morning para sabihin na pauwi sya dito kaya naman susunduin namin sya sa airport kinahapunan.
She knew about our set-up naman din at naiintindihan nya.
"Hon, wag na nating isama ang mga bata mamaya ha? Baka delikado eh. Tayo nalang." sabi ko kay jennie. We're still in bed at di pa bumabangon.
"Okay hon sige papuntahin ko nalang rin sila unnie para may kasama dito sila Irene." sagot naman nya.
Nakahiga ako sa lap nya while she's massaging my head.
And ako ito nakatulala lang sa maganda nyang mukha.
BINABASA MO ANG
A Rewind of Love
Fiksi PenggemarThis is the Book 2 of "Till I Met You Again". One year had passed. Ella is now six years old and Liam is two. Lisa and Jennie decided to live on their own. A picture of a sweet and loving family just like what they wanted to be. And now the new c...