SIMULA

94 0 0
                                    

[ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ]





"Sandra, nasa balita ka na naman. Hindi ka ba napapagod makita ang sarili mo sa telebisyon?" Salubong sakin ni Mama habang nilalagay ko ang aking mga pinamiling gamit sa aking walk-in closet.

Hindi ko na lamang siya pinansin sa halip ay hinubad ko ang aking suot na boots na ngayon ay mukhang ginamit ng ilang taon dahil sa karumihan nito. Napailing na lang ako.

"Ma, pagod ako." Hinilot ko ang aking sentido. Hindi ko pa rin siya pinapansin at nag-bihis na lamang ng pamalit. Sinuot ko ang aking denim short at white v-neck loose shirt at tinanggal ang mga kolorete sa aking mukha hudyat na gusto ko nang magpahinga. Kita ko ang repleksyon sa salamin ang isang galit na mukha.

"Alexsandra!" sigaw ng aking ina. Napa-buntong hininga na lamang ako at tumayo upang harapin siya para matapos na ang usapin na ito.

"Ma, hayaan mo sila." Huminga muna ako bago nag-patuloy. "Kung ano gusto nilang paniwalaan, doon tayo." Paliwanag ko sa kaniya. "Wala naman kasi dapat ipag-alala, hindi ba?" tuloy ko.

"Paano yung mga upcoming projects mo?" Pag-aalala niya. Napa-angat ang isang gilid ng labi ko at tiningnan siya sa mata ng diretcho.

"Ma, ayan na lamang ba ang naiisip mo tuwing ganito ang nangyayari?" ani ko. Hindi ko na lamang pinigilan ang mga nangingilid na luha ko sa paglabas nila sa aking mata. Wala silang maintindihan.

Pagkatapos niyang makita ang mga luhang tuloy-tuloy na bumabagsak ay napa-iling na lamang sya at lumabas na kwarto ko. Buti naman. Gusto ko na lamang mag-pahinga. Masyado na akong maraming iniisip.

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang social media. Buong pangalan ko ang laman ng news feed ng secret facebook account ko. Number 3 trending din ako sa twitter. Sobrang daming litrato ang naka-kalat. Napailing na lamang ako.

"Ano. Sandra? Ganiyan na lamang ba ang gagawin mo sa kaniya?"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Klen at nagpatuloy na lamang sa pagaayos ng sarili. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. Who are they to judge me? Ni wala man lang akong ginawang masama. Bakit ang ibang tao sobrang daling manghusga kahit hindi man lang nila alam ang kwento?

"Kailan ka ba magiging maayos ulit?" si Klen habang tinitingnan ako ng masama. "Girl, it's been six years. 6 freaking years!"

Napapikit na ako dahil dumadagdag pa ang mga sinasabi niya sa iniisip ko. Ginusto ko ba 'to? No. Napaahilot na lamang ako ng aking sensitido. Lumabas ako ng balkonahe upang makita ang mga bituin sa kalangitan. Tanging isang bituin lamang ang aking pinagmasdan ng matagal.

Bakit hindi ka kumikinang? Tanong ko sa sarili ko.

May mga panahon talaga na hindi mo malalamang ang sagot sa mga katanungan mo.

Naramdaman ko ang papalapit na tao sa gilid ko. Binigyan niya ako ng isang baso na may lamang beer at nilagok iyon. '

"Sandra,kalian ka babalik sa dati?" tanong niya sa akin, pinagmamasdan ang mga building na nasa sa harap namin

Sumimsim ako sa aking baso muli at nagsalita. "I don't know. Hindi ko rin alam na nagbabago ako habang dumaan ang panahon."

Hindi ko napansin ang mga 'yon. Tanging ang mga taong nakakakilala lamang sa akin ang nakapansin ng aking pagbabago. I don't even care what they are thinking. Gusto ko mabuhay na walang iniintindi.

Hinawakan niya ang aking braso at hinila ako papaupo sa sofa na nasa balkonahe. Inilagay niya ang kaniyang baso sa lamesa at tiningnan akong muli.

"Wala akong pake kung nagbago. Wala akong pake kung nag-iba ang pananaw mo sa buhay," huminga siya nang malalim at nagpatuloy sa pagsasalita. "pero sana isipin mo rin ang ibang tao na natatapakan dahil sa ginagawa mo."

Nabigla ako sa kaniyang sinabi. Hindi ako makagalaw. Tumingala ako at pinagmasdan ang ibong lumilipad. Kung ibon lang siguro ako ay makikita ko ang mga nangyayari. Makikita ko ang bawat galaw ng tao.

Hindi ako nakasagot sa kaniyang sinabi dahil alam ko sa sarili kong may nagawa akong mali at hindi ko ipagkakaila ang mga 'yon. Ang tanging gusto ko lang ay intindihin ang sarili ko.

Lumipas ang ilang linggo ay tahimik pa rin ako. Hindi ko sinasagot ang mga tawag nila. Ang nasa isip ko lang ngayon ay mapagisa pero dahil kailangan ko magtrabaho ay hindi ko nagawa 'yon.

"Okay, cut!" sigaw ng direktor.

Naglakad ako patungong tent para magpahinga. Pinipilit ko na lang ang sarili kong magtrabaho. Sa kabila ng mga nangyayari ngayon ay nakakapunta pa rin ako sa mga shootings ko.

"My ghad, Sandra! What happened?" tila hihimatayin ang aking manager. "Hindi ka naman ganiyan noon, ha? Ano ang nangyayari?" pagalit na sambit nito sa akin.

"I'm sorry." Ang tangi kong nasagot sa kaniya.

"Maraming issue na ang nagdaan sayo, pero hindi mo na rin 'to ma-handle ng maayos?" napasapo siya sa kaniyang noo.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ito lamang ang pinakamalalang issue na dumaan sa akin. Kaya huwag kang magsalita na parang alam mo ang nangyayari." Sagot ko sa kaniya. Alam kong bastos ang dating nito pero hindi ko na talaga kaya na makarinig pa ng kung ano-ano.

Nagbago ang kaniyang ekspresyon. Tingin ko ay awa ang kaniyang nararamdaman ngunit hindi sa akin.

Nagdaan ang mga buwan na pinipilit ko lamang ang aking sarili sa mga trabahong ginagawa. Wala na akong gana. Hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili.

Ano ba ang dapat kong pagtuunan ng pansin? Ang nangyari six years ago o ang nangyayari ngayon? Wala pa rin akong sagot sa mga katanungan ko. Ni hindi ko nga alam kung tama pa bang bigyan ko ng oras ang nangyari 6 years ago, e.

"Do you want to go to him?" tanong ni Klen sakin. Tila alam ang aking iniisip. Alam kong kailangan kong kausapin ang nagiisang tao na nakakaintindi sa akin. Kailangan ko humingi ng tawad dahil sa nangyayari.

Ngumiti ako nang pilit sa kaniya bilang sagot at naintindihan niya na agad. Pumasok ako sa bathroom at nagbabad sa bathtub ng kalahating oras. Nakapikit lamang ako at nag iisip-isip. Siguro tamang oras na 'to para humingi ng tawad kahit alam ko naman sa sarili ko na nakahingi na ako nang paulit-ulit sa kaniya. Hindi lang siguro ako makunteto dahil wala naman siyang binibigay na sagot.

Nagsuot ako ng isang white v-neck blouse mini dress. Ngumiti ako sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking sarili na ngayon ay namumutla dahil sa kaba. Naglagay ako ng make up upang bigyan kahit paano ng saya ang aking mukha.

"Let's go?" ngumiti akong muli bilang tugon at sumunod sa kay Klen palabas ng condo.

Habang nasa byahe ay hindi nawawala ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko naman dapat ito nararamdaman pero hindi maiwasan ang aking isipan. Tahimik kami ni Klen habang nasa byahe. Pinagmamasdan ko lamang ang mga nagtatayuang mga building. Dahan-dahan naglaho ang mga ito at pinalitan ng mga nagagandahang tanawin ng mga sakahan.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at inamoy ang sariwang hangin na aming nasasalubong.

"Malapit na tayo." Sambit sa akin ni Klen habang nakatuon ang pansin sa daan.

Nagpark sa isang lote si Klen at naunang lumabas. Habang ako ay nakatulala pa rin. Nagdadalawang isip ako kung tama ba na nagpunta ako rito. Tanging kabigatan ng pakiramdam ang aking nararamdaman. Tiningnan ko ang wing mirror. Nakatayo si Klen at naghihintay ng aking paglabas.

Himinga ako ng malalim at lumabas na pagkatapos ng limang minutong pananatili kong mag-isa sa sasakyan.

Kumatok si Klen sa pintuan at bumungad sa akin ang isang lalaki habang nakangiti.

"Welcome back, Sandra." Ngumiti ako sa taong nasa harap ko at inilibot ang aking mata.

Nakita ko siya. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kaniya at ngumiti.

Night at MontercarloWhere stories live. Discover now