Chapter 12

2.6K 64 2
                                    

Gabrielle Allison Leviste

"Gabrielle, si Aquila at Caelum gising na." napabangon ako nang marinig ang boses ni Kuya Gabriel.

Pinunasan ko muna ang mata ko gamit ang kamay bago bumangon sa kama. Pumunta ako sa puwesto ng dalawang crib, gising na nga ang dalawa kong makukulit.

Napangiti ako nang makita ang mukha nilang dalawa, parehas na naka-angat ang mga kamay, gustong-gusto ng magpakalong.

"Halika na kay Mommy, Aquila. Kuya si Caelum paki kalong naman, hindi ko sila kayang dalawa." sabi ko kay Kuya Gabriel. Binuhat ko na si Aquila at maging si Kuya ay binuhat na rin si Caelum.

Bumaba na kami sa kusina, tahimik ang paligid, tanging ang mga tunog lang na ginagawa ni Aquila at Caelum ang naririnig.

"Good Morning, Gabrielle, Gabriel. Kumain na kayo. Iwanan niyo muna sila Aquila at Caelum sa baby chair nila." sabi ni Mommy. Tumango naman ako at inilapag na si Aquila sa baby chair, ganoon din si Kuya kay Caelum.

Naging tahimik ang aming pagkain ng almusal. Wala ni isa ang nagtangka magsalita. Nanatiling tikom ang bibig ko dahil nahihiya ako sa nangyari kahapon.

At sa totoo lang, may tampo ako para kay Kuya Lee. May mga salita siyang sobrang bumaon sa utak ko. Ngunit ayos lang, alam ko naman na nag-aalala lamang siya sa akin.

"Anong sabi mo? Nagkita kayo ni Lucas?" tanong ni Kuya Lee. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat maging ang inis.

"Lumabas lang kayo ng Kuya Gabriel mo, pagbalik hindi ka na kasama. Wala namang sinabi itong Kuya mo kung nasaan ka dahil hindi niya rin alam." sabi ni Mommy kaya napayuko akong muli.

Oo nga pala, naiwan ko ang kambal kasama si Kuya noon, sa sobrang pagkasabik kong makasamang muli si Lucas.

"At iyon lang pala, ay kasama mo ang dati mong nobyo na ipinagtabuyan ka at iniwan kasama ang mga anak mo" sabi ni Kuya Lee, napasinghap naman ako.

"Kuya..."

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, malambot pa rin ang puso mo para sa lalaking 'yon. Tigilan mo na yan Gabrielle. Hindi siya ang para sayo." sabi ni Kuya sa akin.

"Lee Gabriel!" sigaw ni Mommy. Hindi ko na naiwasang umiyak.

"Bakit, Mommy? Totoo naman hindi ba? Malambot na malambot pa rin itong si Gabrielle sa lalaking iyon! At sa kahit anumang oras, kayang kaya niya bumigay. At kapag bumigay siya, hindi siya nito sasaluhin. And I'm f*cking sure that he will abandoned you again! Hindi lang ikaw, maging ang mga anak niyo! Iiyak ka na naman ng balde-balde. Hindi ka ba nagsasawang umiyak at masaktan?"

"Lee Gabriel, Sumosobra ka na!" sigaw ni Mommy at lumapit sa akin.

"No, Mama, Kapag hindi natin yan pagsasabihan, magpapatuloy na naman yan magpakatanga sa lalaking iyon! At ayokong mangyaring muli ang bagay na iyo! Never again in my f*cking life. Hindi ako papayag na saktan na naman niya ang kapatid ko!"

"Lee Gabriel. Calm down. I know you're worried for your younger sister. But please. filter your words. you're hurting her feelings." sabi ni Mommy.

"I'm sorry Gabrielle. But I won't let you come with him again. I won't let him come near you and to the twins. I won't let him hurt you again, and maybe hurt the twins. Since the day he abandoned and hurt you. He's just a worthless jerk to me. He's an assh*le for me. Understand?" dahan-dahan naman akong napatango.

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon