Chapter 31

2.9K 35 10
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Kuya! Please call a doctor!!" malakas na sigaw ni Gabrielle sa kanyang kapatid na tila hindi pa rin maiproseso ang nangyari.

Aligagang lumapit si Lee at binuhat nila ang katawan ni Lucas na walang malay papalabas ng kuwarto.

Humahagulgol si Gabrielle at hindi na ininda pa ang mga sariwa niyang sugat.

"Emergency! Help us please!" sigaw ni Gabrielle habang naghahanap ng tutulong sa kanila.

Mabuti na lamang at nakasalubong nila ang nagmamadaling si Khael. Gulat ang unang sumilay sa mukha nito ng makita ang itsura ng kaniyang kaibigan na buhat-buhat ng dalawa.

Sunod-sunod rin na dumating ang iba pang kaibigan ni Lucas kaya nagtulong-tulong ang mga ito na dalhin sa isang silid si Lucas.

"Ako na ang bahala kay Lucas. Hintayin niyo na lang ako dito" wika ni Khael at pumasok na sa isang silid kung saan nila dinala si Lucas.

"Calm down, Gabrielle. Nagdudugo na ang mga sugat mo." sabi ni Hydrus kay Gabrielle.

"Lee, Please assist your sister. Pumunta kayo sa nurse para maiayos yang sugat niya" sabi ni Rythe.

Wala na sa sarili si Gabrielle kaya ganoon na lang kadali na inalalayan siya ng kapatid na umalis muna sa waiting area ng emergency room.

Mabilis na nakakita si Lee ng isang nurse kaya kaagad niya itong tinawag upang maasikaso ang kapatid.

"Nurse, Can you please assist my sister? Napuwersa kasi yung sugat niya kanina." sabi ni Lee.

Sumunod sila sa nurse na nagpunta sa isang bakanteng kuwarto. Pinaupo nito si Gabrielle sa kama at nagsimula ng ayusin ang tahi ng mga sugat nito.

Hindi maiwasan ni Lee na tingnan ang mga sugat ng kapatid, napangiwi ito nang tuluyang makita ang mga sugat ng kapatid, sobrang haba nito ast nagdudugo pa.

Nag-angat siya ng tingin sa mukha ng kapatid, tulala lamang ito na tila nasa kung saan ang isip.

Napabuntong hininga naman si Lee dahil sa nararamdamang awa para sa kapatid.

Hindi niya inakalang mararanasan ito ng kanyang kapatid.

Nang matapos ng linisin at tahiin muli ang mga sugat ni Gabrielle ay kaagad silang bumalik sa waiting area. 

Tulad ng kanilang naiwan, nandoon lahat ng kaibigan ni Lucas. Sila Rythe, Hydrus, Corvus, Quade, Sebastian at Xian.

"Wala pa si Khael, hindi pa siya lumalabas ng kuwarto" pagbabalita ni Quade ng makarating sila Gabrielle at Lee.

Kabang-kaba ang lahat, lalong-lalo na si Gabrielle, kung ano-ano na ang pumapasok sa utak nito. Overthinking everything.

"Don't worry too much, Gabrielle. Magiging maayos din siya" sabi ni Lee at inalo ang kapatid na lumuluha.

Her tears can't stop falling. Para itong talon na sunod-sunod ang pagbagsak.

'This is all my fault'

Tumagal pa ng ilang oras ang naging operasyon kay Lucas pero wala ni isang nagtangka na umalis. Hating-gabi na ngunit nanatili pa rin ang lahat sa waiting room at hinihintay ang paglabas ni Khael.

Naging tahimik lang ang paligid, walang ingay ang mga iyak ni Gabrielle. Hindi na niya makontrol pa ang kanyang nararamdaman. Magkahalong takot at kaba.

Ilang sandali lang ay lumabas na si Khael sa kuwarto, Sabay-sabay silang lahat sa pagtayo at paglapit.

"How's Lucas?" sabay-sabay na tanong ng lahat.

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon