Gabrielle Allison Leviste
Nagising ako ng marinig ang isang kalabog, kasabay ng isang malakas na sigaw. Pikit-pikit pa ang mga mata ko nang dahan-dahan na tumayo sa kama. I was covered with a thick comforter. I remembered that I and Lucas spend a night here in our condo unit. I opened my eyes and met the eyes of Katrina and Lucas' Mom who's currently on fire because of the scene they just saw.
"How dare you show your disgusting face here?!"
Napansin ang galit na galit na mukha ng ina ni Lucas maging ang kasalukuyang nobya nito na si Katrina.
"You b*tch! Hindi ba binalaan na kita dati pa?! Hindi ka talaga nadadala!" sigaw ni Katrina at agad na hinablot ang buhok ko.
Napasigaw ako sa sakit, at dali-daling ibinalot ang sarili ko sa comforter ng mas maayos.
"Nasasaktan ako! Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya at marahas siyang tinulak. Napaupo naman siya sa sahig. Napansin kong nakatingin lamang sa amin si Lucas na nasa gilid ng kama.
"Look at that b*tch, son! Sinaktan niya pa ang girlfriend mo!" sigaw ng Mommy ni Lucas.
Hindi ko na naiwasang lumuha habang kinakapa ang mga damit ko. Mabilis kong kinuha ang mga damit ko at patakbo ng nagtungo sa banyo. Dali-dali akong nagbihis.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakayakap si Lucas kay Katrina. Napangiti ako ng mapait. Hindi lang niya ako kinalimutan, Pinaglaruan niya rin ang puso ko. Tiningnan ko saglit ang dalawa, kitang-kita ang mga ngisi sa labi ni Katrina habang nakatingin sa akin.
Ang laki kong tanga at uto-uto. Bakit ba kapag sa kaniya ang bilis bilis kong matunaw, ang bilis bilis kong hayaang magmukha akong kawawa? My love for him is turning me into a woman who's desperate and there's no self-love.
Napayuko ako bago lumabas ng condo unit. Tuloy tuloy ang paglaglag ng mga luha ko, hindi na ako nag-atubili pang punasan ito.
Sobrang sakit. Umasa ako, umasa akong totoo na. Umasa ako na pagkagising ko, haharap siya sa akin na pangalan ko ang babanggitin. Umasa ako sa sa panahong magising kami ay handa na siyang makilala ang mga anak namin. Tunay ngang mahirap umasa, dahil hindi lahat ng ninanais nating mangyari ay ibinibigay ng itaas.
Mas lalo niya lang akong pinahirapan. Mas lalong nawala ang pag-asa kong bumalik siya sa akin. Bumalik siya sa amin. Sa amin nila Aquila at Caelum.
Hindi ko na mawari kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Hindi lang ako naaawa sa sarili ko, maging sa mga anak namin, dahil mas mahalaga para sa akin na makasama siya ng kambal. Mas mahalaga na may kinikilalang ama ang mga anak ko.
Marahas kong pinunasan ang pisngi ko at sumakay sa isang taxi. Sinabi ko rito ang address ko at mas piniling tumingin na lang sa labas. Okupadong-okupado ng mga pangyayari kanina ang utak ko. Tila ba hinahabol ako ng mga masasamang alaala na nangyari kanina.
Naloko niya ako sa unang pagkakataon. Sinaktan niya ako sa ikalawang pagkakataon. Binigo na naman niya ako. Nag-uunahan na naman ang mga luha ko, napatawa ako ng mapait. Tila hindi na nagsawa ang mga mata ko na maglabas ng mga luha. Sanay na sanay na siguro ito.
Binuksan ko ang cellphone ko, paniguradong marami ng text sa akin sina Kuya. Nag-aalala na iyon dahil hindi ako umuwi kagabi.
Napangiti ako nang makita ang litrato ng kambal na wallpaper ng cellphone ko.
Sorry, Aquila and Caelum, because it looks like, I can't make your father stay with the both of you.Nag-ring naman ang cellphone ko, nakita kong tumatawag si Kuya Lee. Napabuntong hininga ako bago ito sinagot.
BINABASA MO ANG
Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known businessman is having the best days of his life together with his long time girlfriend, Gabrielle Allison Leviste who's an electrical engineer. The...