Chapter 15

2.7K 41 6
                                    

(Please read the other books in this series, thank you.)

Gabrielle Allison Leviste

"GABRIELLE, Aquila needs milk." sabi sa akin ni Kuya Gabriel habang buhat-buhat si Aquila na umiiyak, pinunasan ko muna ang bibig ni Caelum na may gatas bago tumayo mula sa upuan.

"Wait, Kuya." sabi ko at ibinaba sa walker si Caelum. Nasa kusina kasi kami, lumapit ako sa lababo kung nasaan nakapatong ang kulay pink na milk bottle ni Aquila, nilagyan ko ito ng dalawang scoop ng gatas, nilagyan ko ito ng maligamgam na tubig bago inalog.

"Don't cry na, baby girl ko, ito na ang milk mo." sabi ko at itinaas ang bimpo na malapit nang malaglag mula sa balikat ko.

Lumapit ako kay Kuya Gabriel at kinuha sa kanya si Aquila, pinainom ko na ito ng gatas niya.

Inayos ko ang kulay pink na baby bib ni Aquila dahil tumutulo mula sa bibig niya ang gatas niya, tila gutom na gutom nga siya. Natawa ako ng mahina habang kalong-kalong siya.

"Gutom na gutom si baby Aquila." komento ni Kuya Gabriel at kinuha si Caelum mula sa walker nito. Kinuha rin ni Kuya Gabriel ang kulay blue na milk bottle at ipinainom ito sa walang imik kong anak na si Caelum. Hindi ko nga alam kung bakit ganiyan ang anak kong iyan, Hindi naman ako tahimik noong bata ako, kaya siguradong hindi siya sa akin nagmana.

"Ikaw naman baby boy ko, bakit ganiyan ka kabait? Hindi man lang kita narinig na umiiyak pag gutom." sabi ko at pinisil ng bahagya ang matambok na pisngi ni Caelum.

"Mana yan sa Tito Gab niya na good boy." sabi ni Kuya Gabriel na ikinasimangot ko.

"Kuya pwede ba? Ang aga-aga." biro ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Anyways, kumain ka na ba ng umagahan? Baka hindi ka na naman kumakain sa tamang oras, sasabihin ko yan kay Kuya Lee para pagalitan ka." sabi ni Kuya Gabriel sa akin kaya inirapan ko lamang siya.

"OA niyo masyado no? Malamang uunahin ko muna itong matataba kong babies bago ako kumain. Hinay-hinay lang sa pagiging over reacting, sabihin mo rin yan kay Kuya Lee." inis na turan ko.

"Bakit hindi ikaw ang magsabi niyan sa kanya?" tanong ni Kuya.

Hindi ako nakasagot. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at bumaling kay Aquila na umiinom pa rin ng gatas.

"Galit ka ba kay Kuya Lee?" tanong ni Kuya Gabriel, ngunit hindi ko pa rin siya sinagot.

Hindi ko alam ang isasagot ko, may parte sa akin na nasasaktan ako sa mga sinabi ni Kuya Lee sa akin, ngunit alam ko naman na nag-aalala lang siya sa akin.

"Hays, Gabrielle Allison, pagpasensyahan mo na si Kuya Lee. Alam mo naman na minsan walang preno ang bibig noon. Atsaka inaalala ka lang namin. Ayaw lang namin na maulit muli ang nangyari sayo dati." sabi ni Kuya Gabriel.

"I know that. Pero hindi ko maiwasan na magtampo at masaktan sa mga sinasabi ninyo. Minsan kasi nakakasakit na ang mga salita." sabi ko sa kanya.

"I know, and I'm sorry for what we did yesterday. I hope you will forgive us." sabi ni Kuya Gabriel.

"Of course Kuya. Let's go to the dining table, I'm kinda hungry." sabi ko at nauna na sa pagpunta sa lamesa habang kalong pa rin si Aquila. Wala sila Mommy at Daddy dahil maaga itong umalis at nagtungo sa lupain namin sa Laguna. Nandoon lamang si Kuya Lee na nakaupo at tahimik na kumakain.

"Kumain na kayo. Nagluto na si Mommy kanina pa." sabi ni Kuya Lee.

Naupo naman ako sa gilid, inilapag ko si Aquila sa pink niyang walker, habang ganoon din ang ginawa ni Kuya Gabriel kay Caelum.

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon