Prologue

13K 249 17
                                    

Prologue

Tahimik ang naging paligid matapos ng nangyaring bigayan ng dugo, ng ama sa kanyang anak. Walang naglalakas ng loob upang ibuka ang mga bibig matapos ng nakabibiglang pangyayari. No one was brave enough to cut the silence at first.  Lucas is so surprised and confused, he did just knew about him being a father already. Isang  ama na ngayon lamang nalaman ang katotohanang, isa na siyang ama sa dalawang anghel.

"What's this Gabrielle?" Gabrielle. He didn't call me love like the way he used to.

"I'm sorry. I'm so sorry." tanging nasabi na lamang ni Gabrielle kay Lucas.

Bunga ng katahimikan sa buong koridor ng ospital, tanging ang mabibigat na paghinga ni Lucas kasabay ng mga mahihinang hikbi ni Gabrielle ang bumalot sa buong paligid. 

"Sorry?! Why are you saying sorry? Tell me! Tell it straight to my face!" sigaw ni Lucas. Umalingawngaw ito sa buong waiting area ng ospital na naging dahilan ng pagbuhos muli ng mga luha ng pagod na si Gabrielle.

"A-Aquila, the one who's inside that room, i-is our, is our d-daughter, Lucas." nauutal na sagot ni Gabrielle kay Lucas at nag-iwas ng tingin. Hindi niya alam kung anong mararamdaman dahil kailanman tunay naman talagang hindi niya pinaghandaan ang bagay na ito.

"S-She's my d-daughter?" bakas ang pagkagulat sa boses ni Lucas, tumango na lamang ang babae at yumuko.

"Her twin brother is in our house." dagdag pa ni Gabrielle, bago narinig ang malakas na pagsuntok niya sa pader ng waiting area. Kung may mga tao lang siguro sa lugar, malamang ay napigilan na ang lalaki, ngunit wala. Tuloy lamang ito sa pagsuntok sa pader ng ospital. Lucas is so frustrated, he is totally confused and lastly, he's so mad to himself. 

"Twins? Damn it." saad nito at sarkastikong natawa na tila ba alam niyang pinaglalaruan siya ng mundo.

Nabigyan na ng kasagutan ang kaniyang pakiramdam na pagkukulang, gayon na lamang ang kaniyang pangungulila at pakiramdam na mayroong kulang sa kaniyang buhay sa nakalipas na mga taon. Iyon pala ay mayroon na siyang pamilya na sa kasamaang palad ay nakalimutan ng kaniyang isipan.

"Damn it! All this time! All this time Gabrielle! We're f*cking planning our wedding and yet hindi mo man lang sinabi sa akin ang bagay na ito?! The fact that we already have the twins. Magpapakasal na tayo, nandoon na tayo sa punto na iyon... Bakit ngayon mo lang sinabi?" nakita ng mga matang puno na ng luha kung paano napasabunot sa buhok nito si Lucas. He look so frustrated.

"I'm so sorry, I didn't mean to make this a secret." sabi ni Gabrielle, at humagulgol sa sakit na nararamdaman.

"If you didn't mean it, sana sinabi mo na agad ng maaga sa akin! Ako ang ama nila, bakit parang tinatanggalan mo ako ng karapatan sa kanila?" sagot ni Lucas kay Gabrielle.

"L-Lucas..." banggit ni Gabrielle sa pangalan ng lalaking kanyang minamahal.

"Ako yung ama nila pero hindi ko man lang sila nakasama, kung hindi pa nangyari ang bagay na ito hindi ko pa malalaman ang katotohanan!" sigaw ni Lucas. Halatang nagpipigil itong manakit.

"L-Lucas...I'm so sorry..." paghingi ng tawad ni Gabrielle.

"F*ck that sorry Gabrielle! I don't need it! All I want to hear from your mouth is why? Why did you f*cking do this to me?"

"I-I didn't mean it..."

"I don't f*cking care if you didn't mean it! Explain everything to me! Explain why the hell you hide my twins from me!"

"Don't shout at me! Huwag mo kong sigawan na para bang napakalaki ng ginawa kong kasalanan sa iyo!"

"Hindi pa ba malaking bagay ang pagtago mo sa akin tungkol sa mga anak natin?!"

"Kung may kasalanan ako sa iyo, mas malaki ang naging kasalanan mo sa akin kaya nangyari ang lahat nang ito!"

"That's why you hide them from me? Gumaganti ka ba, ganoon ba Gabrielle?!"

"Damn you! Damn you Lucas Andromeda! How could you say that to me huh?! In the first place, you're the one who pushed me away while I'm pregnant with the twins! You choose to be with your ex-girlfriend! Paano ko sasabihin sayo ang tungkol sa kambal kung ipinagtatabuyan mo ko maging ng Mommy mo! Ang Mommy mo na naging dahilan kung bakit muntikan na akong makunan! Paano ako babalik sayo para sabihin ang bagay na ito kung ganoon lamang ang natatanggap ko tuwing pupunta ako sa inyo para sana magmakaawang bumalik ka sa akin?! And now, Khael talked to me, He said that you have short term memory loss, I know your case! And you might forget me again, sa tingin mo maaatim kong sabihin sayo ang tungkol sa kambal at hayaan silang masanay na mayroon silang ama na anumang oras ay makakalimutan rin sila?"

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020 

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon