Chapter 18

3.1K 42 5
                                    

Gabrielle Allison Leviste

"Love, uuwi muna ako sa bahay, baka kasi hinahanap na ako nila Mommy and Daddy." paalam ko kay Lucas na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa akin.

"Okay, but I will accompany you to your house." nakangiting sabi niya.

Kumalabog naman ng sobra ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi niya ako maaaring ihatid, paniguradong masasaktan na naman siya ni Kuya Lee, lalo na ni Daddy. Kung maaaring huwag na akong gumawa ng paraan upang magkita sila ng pamilya ko, gagawin ko, huwag lang siyang mapahawak ulit lalo na ngayong naliwanagan na ako sa tunay na nangyari sa kaniya.

"No need, love. Nandiyan si Kuya Gabriel sa labas, kasama ko kasi siyang pumunta dito. You need to rest okay? Don't mind me, I can take care of myself." sabi ko at ngumiti. Idinampi ko ng marahan at saglit ang aking labi sa kanya. Nang bumitiw ako ay kitang-kita ko ang ngiti sa labi niya.

"Okay, ikaw ang masusunod. Take care okay? I love you." sabi niya sa akin na ikinangiti ko ng malawak.

"I love you too, always." sagot ko sa kanya at tumayo na sa kama niya.

Dahan-dahan akong naglakad at bumaling sa kanya saglit, Kumaway ako ng bahagya at lumabas na sa kwarto. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Kuya Gabriel na nakaupo pa rin sa waiting area, napatingin ito sa akin ng lumabas ako.

"Finally, nakalabas ka rin. Sabi ni Kuya Lee saglit lang tayo pero napatagal, ikaw na bahalang magpaliwanag sa kanila pag-uwi natin. Let's go." sabi ni Kuya at nauna na maglakad. Napanguso naman ako at sumunod sa kanya sa paglalakad. Galit pa rin talaga sila kay Lucas, and I fully understand, ganoon rin naman ako. Ngunit sa tingin ko ay nararapat kong sabihin sa kanila ang totoong nangyari kay Lucas.

"Kuya, wait lang." pigil ko kay Kuya Gabriel, sobrang bilis niya kasi maglakad, halos madapa na ako kakasunod sa kanya.

"Tsk. Bilisan mo kasi maglakad." sermon niya sa akin at lumapit papalapit sa puwesto ko. Napasimangot naman ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko at hinila papalabas ng ospital.

Tss. Sabi ko nga, huwag mag-inarte pag bad mood si Kuya Gabriel. Hmp.

"Kuya naman, huwag ka na magalit. Marami pa naman akong ipapaliwanag sayo." sabi ko kay Kuya Gabriel na ikinabagal ng lakad namin. Tipid akong napangiti sa inakto niya. Hindi talaga nila ako matiis.

"Don't smile, may problema ka pa mamaya pag-uwi ng bahay." sabi ni Kuya na ikinadismaya ko, oo nga pala, may eksplanasyon pa ako mamaya sa bahay.

Sumakay kami ni Kuya Gabriel sa kotse niya, naging tahimik lang ang biyahe namin. Napagpasiyahan ko na isang paliwanag nalang ang aking gagawin, tutal saglit lang naman ang biyahe pauwi sa mansyon.

"We're here, ready yourself Gabrielle Allison Leviste." sabi ni Kuya at nauna bumaba sa kotse

Napalunok ako bago lumabas ng kotse. Diyos ko, tulungan niyo ako. Sermon everywhere na naman. Pumasok na ako sa bahay, nakita ko sila Mommy, Daddy, Kuya Gabriel at Kuya Lee na nakaupo sa sofa. Hindi ko mapigilang mapalunok muli dahil sa kaba, takte ba't kasi ganyan sila makatingin?

"Explain yourself Gabrielle Allison." sabay-sabay na sabi nila habang matalim na nakatingin sa akin.

"Ito na nga po." napanguso ako at naupo sa sofa sa tabi ng kambal na nakahiga sa gilid.

"Ahmm, nag-punta po kasi ako ng ospital..."

"We already know that." sabi nila.

"The doctor explained Lucas' case to me. He is suffering with amnesia because of the accident years ago. As of now short term memory lost po ang mayroon siya, kaya hindi niya po tayo naalala, sometimes he does but sometimes he can't." sabi ko sa kanila, pero mukhang hindi sila naniniwala.

"Why are you all looking at me like that? The doctor told me that, kaya noong unang pagpunta ko sa mansiyon nila pagkatapos ng aksidenteng nangyari ay ipinagtatabuyan niya ako, kasi may amnesia si Lucas. Kaya nasabi niya ang mga bagay na nakasakit sa akin. Mom, Dad, Kuya Lee, Kuya Gab, please, don't be angry at him. He loves me and I love him too as much as he do." paliwanag ko sa kanila.

"How's Lucas now? Can he finally remember you?" tanong ni Mommy sa akin.

"Yes po Mommy. actually, after po niyang mawalan ng malay, ako ang hinahanap niya, kaya po natagalan ako sa ospital kasi ayaw niya ako agad paalasin." sabi ko kay Mommy. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Akyat na ako." biglang sabi ni Kuya Lee at umakyat na sa taas.

"Akyat na rin muna ako." sabi ni Kuya Gabriel at sumunod na pataas.

Napasimangot naman ako, parehas ng galit ang dalawang Kuya ko. Hindi ko naman magawang magtampo because I know they are still mad because of the things that made me suffer.

"Don't mind your Kuya Lee and Kuya Gabriel, baby. They're just over protective when it comes to you." sabi ni Mommy sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"So, what's your plan Gabrielle?" tanong sa akin ni Daddy.

"I don't know, Dad. I want to enjoy the time he can remember me, because I know, one day, I'm going back to zero. Gusto ko lang sa ngayon na maramdaman ang pagmamahal niya sa akin kahit na hindi na magpatuloy-tuloy ang mga panahon na ilalaan sa amin. I just want to feel his love hangga't alam niya pang ako ang mahal niya, hangga't alam niya pa kung anong meron talaga kami." sabi ko at mapait na ngumiti.

Hindi naman siguro masama kung hahayaan ko ang sarili kong maramdaman ang pagmamahal niya na ilang taon kong hindi naramdaman.

Kasi siguradong-sigurado ako, na hindi ito magtatagal, na dadating ang isang araw na hindi na naman niya ako kilala. Na hindi na muli ako kilala ng utak at puso niya.

Ayoko sanang dumating ang araw na hindi lang ako ang itanggi niya, ayokong maging sina Aquila at Caelum ay itanggi niya rin. Doble ang sakit na mararamdaman ko. If I should be selfish this time just not to let my twins feel the pain I felt before, I will gladly be a selfish Mom.

Alam ko ang pakiramdam ng itinatanggi at pinapalayo, kaya hangga't maaari, ayokong maramdaman iyon ng mga anak ko.

"Wala kang plano? Hindi niyo ba itutuloy ang naudlot niyong kasal?" tanong ni Daddy.

"Actually, Mom, Dad, he wants to continue our wedding. Gusto niyang magsimula ulit sa una ang pagpaplano patungkol sa kasal namin." sabi ko.

"Hmm.. That's good. Kailangan niyo na talagang magpakasal, lumalaki na ang mga anak niyo, sigurado akong maapektuhan sila kapag hindi pa kayo nagsama at nagpakasal." sabi ni Daddy.

Isa pa ang kambal sa iniisip ko, Hindi ko pwedeng hayaan na madamay sila sa problemang ito.

"Kailan mo sasabihin kay Lucas ang tungkol sa kambal, anak?" tanong sa akin ni Mommy.

Hindi ako nakasagot, umiwas ako ng tingin sa kanila at bumaling kay Aquila at Caelum na nasa aking tabi. Hinalikan ko silang pareho sa kanilang noo.

"Gabrielle, anak. Don't tell me itatago mo kay Lucas ang tungkol sa anak niyong dalawa?" sabi ni Daddy sa akin.

Dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa kanilang dalawa.

"Ayoko po sanang ipakilala ang kambal sa kaniya hanggang hindi pa siya gumagaling ng tuluyan. Ayoko pong dumating ang araw na itanggi niya ang mga anak namin sa panahong mawala na naman ang alaala niya."

"Kung kailangan ko pong maging masama para mailigtas at mailayo ang mga anak ko sa sobrang sakit na pakiramdam na iyon, gagawin ko."

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020 

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon