Gabrielle Allison Leviste
"We understand your decision, anak." sabi sa akin ni Mommy sa akin at ngumiti.
"Salamat po Mommy and Daddy." pasasalamat ko kay Mommy at ngumiti ng malawak.
Napabaling ako kay Daddy na nakangiti rin sa akin, bumawi naman ako ng ngiti sa kanya. I'm glad they understand me, and my situation. I just hope that my brothers will also do the same. I can't take it when they're mad at me. Bilang lumaki na sobrang dikit kami bilang magkakapatid na bihira kung magkatampuhan, nakakalungkot kahit na ilang oras lang na walang pansinan, para bang maraming kulang at hindi sobrang saya. Ang mga Kuya ko kasi ang nagiging source of happiness ko when I can't find it anymore, hanggang kaya nilang pasiyahin ako, gagawin nila.
"Just make it up with your brothers, I know you're upset baby. They are your Kuyas, Ganiyan talaga sila ka-protective pagdating sa iyo." sabi sa akin ni Mommy.
"I know, Mom. Minsan kasi sobra na po, but I understand. Hindi lang po ako sanay na hindi nila ako pinapansin." sabi ko at mapait na ngumiti.
"Pagpasensyahan mo na. Papansinin ka rin ng mga 'yon bukas, hindi ka naman kayang tiisin ng dalawang iyon." sabi ni Daddy.
"Sana nga po, Daddy." sagot ko.
Inayos ko na ang puwesto ni Aquila bago siya kinarga, oras na kasi ng tulog nila. Niyakap ko nang mahigpit ang aking bunso para hindi ito malaglag, sobrang tulog mantika nito ay para siyang jelly kapag natutulog, para bang walang lakas ang katawan at kung saan-saan sumusubsob kapag kalong-kalong ko.
"Mom, Dad, pasuyo po muna na tingnan po muna si Kuya Caelum, uunahin ko po munang iakyat si Aquila sa kwarto." sabi ko sa kanila at tumayo na.
Mabilis ang naging kilos ko, kaya nakarating ako kaagad sa kwarto namin ng mga bata. Inilapag ko na si Aquila sa kulay rosas niyang baby crib. Mabuti na lamang at mahimbing na ang tulog nito. Kaagad akong bumaba at kinuha si Caelum na siyang natutulog na rin sa bisig ni Mommy.
"Nakatulog na siya agad, dahan-dahan lang ang buhat anak." sabi ni Mommy at maingat na binigay sa akin si Caelum.
"Akyat na rin po kayo Mommy, Daddy. Pahinga na rin po kayo." sabi ko sa kanila at dahan-dahan na umakyat sa kuwarto.
Inilapag ko ang natutulog na si Caelum sa kanyang kulay asul na baby crib, katabi ng baby crib ni Aquila.
Pinakatitigan ko muna ang dalawa na mahimbing na natutulog habang nakaawang pa ng kaunti ang mga labi. Napangiti naman ako sa itsura nila. Halatang-halata na kambal sila sa parehong posisyon nila. Panigurado kung alam lang ni Lucas ang tungkol sa mga bata, matutuwa rin iyon.
Naupo na ako sa aking kama, napabaling naman akong muli sa aking maliit na mesa, tutal ay hindi pa ako nakakaramdam ng antok, binuksan ko ang unang drawer, nakita ko roon ang lumang kong cellphone na aking iniingatan pa rin sa ngayon, sobrang daming alaala namin ni Lucas doon kaya hindi ko ito magawang dispatsyahin.
Binuksan ko ito, bumungad sa akin ang litrato namin ni Lucas. Nakanguso ako habang nakahalik siya aking pisngi. Natuwa ako ng mahina sa itsura namin. Noon pa man, sobrang malambing na si Lucas.
Binuksan ko ang gallery nito, bumungad sa akin ang ilang libong litrato namin ni Lucas magmula noong kami ay nasa kolehiyo hanggang sa araw ng ma-engage kami.
May iilan rin kaming videos dalawa sa isang folder which is named "Love".
I saw my videos on the second folder, the videos I videographed when I was alone, without him. Ito yung mga panahong hindi niya pa ako naalala. Pinindot ko ang isang video ko at hinayaan itong mag-play.
"Hi Love! I'm filming this one para kapag bumalik ka sa akin, makikita mo ang journey ko habang dinadala ang anak natin. As you can see, I'm here at the obstetrician's clinic, the doctor is a best friend of mine. She's Sydney, I know you know her. Let's find out how our baby's doing." I smiled wide and touched my tummy. "Hey Sydney, thank you at pumayag kang i-check up ako." sabi ko kay Sydney. "No worries Gabby, basta Ninang ako ha?" sabi ni Sydney. "Of course." natutuwang sagot ko sa kanya.
Inilipat ko naman sa sumunod na video dahil natapos na ang nauna kong pinapanood
"Love, I can't film the procedure kanina, but I'm here to say that our baby is very healthy at malakas ang kapit, I wish you were here. I will wait for you 'kay? Let's find out the gender of our baby together, I love you. baby say hi to Daddy." wika ko at ipinokus ang camera sa katamtamang laki ng aking tyan. " I love you!"
Napangiti naman ako ng mapait. Naalala kong hanggang sa makapanganak ako ay hindi siya bumalik. At sa ngayon, wala siyang kaideya-ideya na mayroon kaming mga anak.
Pinindot ko na ang ikatlong video. Kuha ito sa starbucks. Ito ata ang panahon na naglilihi ako.
"Hi Love! Look at my foods, sobrang dami diba? I'm feel so hungry, Naglilihi ata ako ng sobra, I bought these coffees, frappes, and pastries. Kaya ko itong ubusin lahat," I laughed. "If you're here, I'm sure you're gonna fight with me because of my greed with foods. Anyways, I know your favorite so I ordered it for you so I can taste it." sabi ko at ipinokus ang camera sa mga pagkain na aking inorder.
Natawa naman ako sa dami ng inorder ko noon, halos mapuno ko ang mesa. iba't-ibang inumin at mga pagkain. Hindi ko pa alam noon na kambal ang pinagbubuntis ko.
Sa sobrang abala ko ay hinayaan ko na lang na mag-play ang lahat ng videos.
"Hi Love, I'm going to a beach with fam. I'm going to relax, may mga times kasi na sobra akong naiistress, and I don't want that. Kaya napagpasiyahan nila Mommy na magpunta muna sa private resort ni Kuya Gabriel. I wish you're here to enjoy with me. Comeback to me faster 'kay? I miss you! I love you always!"
"Hi Love! Nandito na kami na private resort ni Kuya Gabriel, I really like it here, Ang ganda ng view, Look!" sabi ko at ipinokus ang camera sa dalampasigan. "Kung nandito ka magugustuhan mo ang lugar na ito. Private resort ito, pero Kuya Gabriel is planning to open this for business. I will invest, Hahaha, kidding. I miss you so much, Lucas. Gustong-gusto na kitang makasamang muli."
"Hi Love! Look what I've got! a starfish, it looks so cute! I'm gonna name it Andrielle, our names combined, Nice right? I will put him in the aquarium for a while and I will put it back on the sea after. Andrielle baby, come to Mommy, say hi to Daddy!"
"Hi Love! It's my check up day! I need to buy vitamins and milk for our baby, I wish you're here with me, helping me through this. Come back to me faster 'kay? Don't let her touch you, Oh, that's impossible, but please, I know you still love me, I can feel it. Please, don't let her invade your heart where my name is. I love you!"
Napatigil naman ako sa panonood nang biglang tumunog ang ginagamit kong cellphone, may nag-text sa akin. Binuksan ko kaagad ito at nakita ang mensahe sa hindi pamilyar na numero. Napakunot tuloy ang aking noo habang binubuksan ang mensahe.
Hey Love, it's me, gonna fetch you tomorrow. Let's have a date baby. I will make it up to you. I love you, sleep well. Dream of me.
~0~
Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!
NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.
(I worked hard for this. So you better work on your own story.)
@_Sodaaaaa | 2020
BINABASA MO ANG
Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known businessman is having the best days of his life together with his long time girlfriend, Gabrielle Allison Leviste who's an electrical engineer. The...