Gabrielle Allison Leviste
Flashbacks
NGAYON ang araw ng kaarawan ni Gabrielle. Wala itong kamalay-malay na may ihinahanda pa lang surpresa ang kanyang nobyo, kasama ang kaniyang pamilya.
Mahimbing na mahimbing pa ang tulog ng dalaga sa oras na alas syete ng umaga. Lingid sa kaalaman niya na ang mga magulang niya at ang mga kapatid ay nasa isang yate na kung saan mangyayari ang surpresa ni Lucas.
Tanging ang mga kasambahay at gwardya lamang na naiwan sa bahay, dahil sinadya ito ni Lucas. Dahil ang araw na ito ay sobrang espesyal.
Nasa tapat na ng gate si Lucas, bumuntong hininga dahil sa kaba, bago pumasok. Hindi na niya kailangan pang magpaalam sa mga magulang ni Gabrielle sa tuwing pupunta siya sa bahay ng mga ito. Dahil sa ilang taon na nilang pagsasama ng dalaga.
Pumasok siya sa kulay dilaw na pinto. Dilaw ang paboritong kulay ng nobya, kaya halos buong kwarto nito ay puro dilaw.
Hawak hawak niya ang isang bouquet ng sunflowers na paborito rin ni Gabrielle at dahang-dahan naupo sa tabi nito. Balot na balot si Gabrielle ng makapal na comforter at nakadapa. Suot-suot pa ang panjamas na minions ang design.
'Cute' naisip ni Lucas at napangiti.
Dahan-dahan niyang hinaplos ang mahabang buhok ni Gabrielle kaya unti-unti itong nagising.
"Hmmmm..." daing ni Gabrielle at unti-unting idinilat ang mga mata.
"Wake up, love." Malambing na saad ni Lucas at ngumiti ng malawak.
"Hmmmm.... Why are you here love? It's so early." sabi ni Gabrielle at bumangon. Naupo ito sa tabi ni Lucas at kinusot-kusot ang mata at humikab.
"I'm here because it's my love's birthday." sabi ni Lucas at hinalikan ang labi ni Gabrielle.
"Eww ka love! Hindi pa ako nag to-toothbrush!" sabi ni Gabrielle at nagtakip ng mukha gamit ang comforter.
"It doesn't matter. I love kissing that lips." nakangising tugon ni Lucas at iniabot ang mga bulaklak sa nobya.
"Awww, you're so sweet love! Thank you for this!" Gabrielle thanked Lucas and hugged him tight.
"I love you." sabi ni Lucas at hinalikan si Gabrielle sa noo.
Ngumiti naman si Gabrielle at sumagot, "I love you too." umalis naman sa pagkakayakap si Gabrielle at inilagay sa mesa niya ang mga bulaklak.
Pumasok ito sa banyo para maligo. Napangiti naman si Lucas sa inasta ng kanyang nobya.
'She may look childish, but I love it when she's being like that.'
Bumukas ang pinto ng banyo, naka-suot si Gabrielle ng off shoulder floral dress in nude brown, hanggang ibaba ng hita nito ang haba.
"So gorgeous, love." puri ni Lucas.
"Wala pa ngang ayos ang mukha ko, bolero ka talaga." natatawang sabi ni Gabrielle.
Naupo si Gabrielle sa upuan sa tapat ng kanyang vanity mirror at nag-ayos.
Habang si Lucas ay pinagmamasdan ang kanyang nobya. Tila ba hindi ito kailanman na magsasawang titigan ang mukha ni Gabrielle.
"Love, hindi ka ba nagsasawang tingnan ako?" biro ni Gabrielle nang mapansin ang pagtitig ni Lucas sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/213012915-288-k705029.jpg)
BINABASA MO ANG
Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]
Roman d'amourAcquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known businessman is having the best days of his life together with his long time girlfriend, Gabrielle Allison Leviste who's an electrical engineer. The...