Chapter 26

3.2K 35 3
                                    

(Warning: This chapter contains tortures, bad words and harassment. Don't read this if you can't take reading this part. Thank you.)

~0~

Hindi ko inakala na hahantong ako sa ganitong sitwasyon, Ni kailan man ay hindi ko naisip na maaari kong maranasan ang bagay na ito.

Laking pasasalamat ko na lang talaga sa langit dahil matapos akong dalhin ni Katrina dito sa lumang bahay na ito ay hindi niya muna ako ginalaw o sinaktan. Talagang may plano talaga siya para sa akin.

"Hoy babae! Gumising ka na dyan, Parating na si Madam!" napatayo ako nang buhusan ako ng malamig na tubig ng isa sa mga tauhan ni Katrina.

Tinanggalan nila ako ng tali sa kamay kagabi, ngunit ipinasok naman nila ako sa marumi na malaking kulungan.

"Pakawalan niyo ko dito!" sigaw ko sa kanila ngunit tinatawanan lamang ako ng mga tauhan ni Katrina, Lampas sa bilang ng aking mga daliri ang bilang ng mga tauhan na nakabantay sa akin, wala na talaga akong takas.

"Asa ka pang pakakawalan ka namin" nakangising sagot sa kanya ng isa.

F*ck, Hindi ko ugaling magmura pero hindi ko maiwasang mapamura dahil sa kinalalagyan ko ngayon.

Kitang-kita ko pa ang halos limang kandado na nasa pintuan ng kulungan kung nasaan ako.

"Wala kang kawala, babae. Limang kandado yan, dala pa lahat ni Madam ang mga susi."

"Kung ako sayo, babae, manahimik ka na lang ang hintayin ang kamatayan mo." 

Hindi ko na lamang sila pinansin at yumuko na lamang. Hindi ko na rin maialis sa isip ko na talagang wala na akong pag-asang makaalis dito pero hindi ako pwedeng sumuko dahil may naghihintay sa akin, Kailangan ako ng mga anak ko.

Narinig ko ang mga yabag ng mga tauhan ni Katrina papaalis sa kwartong pinalalagyan ko. Napabuntong hininga ako, Salamat naman at kahit papaano ay iniwan nila ako rito mag-isa.

Hindi rin kasi nakakatakas sa akin ang mga malalaswang tingin ng mga nakabantay sa akin, mabuti na lang din pala na nasa loob ako ng maruming kulungan na ito kung hindi, panigurado, alam kong gagalawin nila ako.

Mag-dadalawang araw na ako rito, ano na kayang nangyayari sa kanila? Alam na kaya nila na nawawala ako? Na may dumukot sa akin? Hinahanap na kaya nila ako?

Kung hinahanap na nila ako, Salamat. Pero sana ay huwag na silang idamay pa ni Katrina.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang ngayon ko lamang napansin na cellphone ko, agad ko itong sinagot, Mabuti na lang pala ay hindi nila napansin ang aking cellphone sa aking bulsa. Hininaan ko ang volume nito upang hindi gaanong marinig ng mga tao sa labas.

"T-Tulungan niyo k-ko, k-kinuha a-ako ni K-Katrina, h-hindi ko alam kung nasaan ako, T-Tulong, s-sasaktan niya ko" sabi ko kay Kuya Lee na siyang tumawag, sana lang ay narinig niya ako ng maiigi.

"W-What?!"

Naalarma ako ng marinig ang pagbuksan ng door knob kaya pinatay ko na kaagad ang tawag at sinilent ito.

'Please, I hope Kuya Lee heard me well. I need their help'

Itinago ko sa aking pantalon ang aking maliit na cellphone upang hindi malaman ni Katrina ang pagtawag ni Kuya Lee sa akin.

Nakita ko ng pumasok si Katrina sa kwarto, may dala-dala itong maliliit na kutsilyo, at isang injection na hindi ko mawari kung ano ang laman.

"Well, Well, gising na pala ang punyetang babae na ito, Masarap ba ang naging tulog mo sa mabahong kulungan na iyan?" sabi niya at lumapit sa harap ng kulungan kung nasaan ako.

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon