Chapter 13

2.7K 62 7
                                    

Gabrielle Allison Leviste

"Well, I don't need your apology or your explanations. Your apology is too late, same with your nonsense explanation. But, Thank you for coming here today. I will break off your contract with us. Use the plans, don't pay. It's fine with me, Very fine actually. You can now go. Call me names, or whatever, I don't give a damn." sabi ko at ibinigay sa kanya ang plan na ginawa ko. Pabalibag kong isinara ang pintuan ng opisina ko.

"Gabrielle, Wait up!" narinig ko pang saad niya kasabay ng mga yapak niya na sumasabay din sa tunog ng suot kong sapatos.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa mabilis na paglakad. Wala na akong panahon para harapin siya. Tiyak na manlalambot na naman ako, baka maging mahina naman ako, baka bumigay na naman ako at sa huli, wala na namang patutunguhan.

"Gabrielle. Please..."

Nagmadali akong sumakay sa elevator pero sa kasamaang palad ay naabutan niya ako, ginamit niya ang kanyang braso upang pigilan ang pagsara ng pinto ng elevator.

Malutong pa itong napamura "Sh*t."

"Bakit mo ba ako sinusundan?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga pa siya at ibinaba ang dala-dalang bungkos ng bulaklak sa sahig ng elevator.

"I just want to say sorry." sabi niya.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko kailangan ng sorry mo?" sabi ko sa kanya.

Lumapit siyang maiigi sa akin kaya nailang ako ng sobra.

"Lumayo ka sa akin." sabi ko at itinulak siya ng bahagya.

"Hindi ako lalayo hangga't hindi mo pinapakinggan ang paliwanag ko." sabi niya at mas inilapit muli ang sarili sa akin.

"At sa tingin mo papakinggan kita?" sabi ko sa kanya.

"At sa tingin mo papayag ako na hindi mo ako papakinggan?" balik niya sa akin na ikinatawa ko ng mapait.

"Ang lakas naman ng loob mong sabihin yan sa akin, Mr. Montesenia." gigil na saad ko.

"I just want to explain what happened to you." sabi niya at nagbaba ng tingin.

"Sinabi ko na nga na ayoko. Ayokong makinig sayo." madiin na sabi ko.

"Hindi ko hahayaan na magalit ka sa akin. Hear me out." sabi niya.

"Sino ba ako para hingian ka ng eksplanasyon?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya agad makasagot. Wala naman ako para sa kanya. Hindi naman ako mahalaga para sa kanya, pero umaarte siya na parang mahalaga ako sa kanya.

"Hindi ka makasagot?" sabi ko at naunang lumabas sa elevator. Nasa ground floor na kami at napansin ng ibang empleyado na nakasunod sa akin si Lucas.

"I don't know. But it feels like I need to say sorry to you and make you forgive me. It feels like you're so important to me but I know that you're not." Sabi niya at hinawakan ang pulsuhan ko.

'It feels like that you're so important to me but I know that you're not'

Ang sakit pala kapag galing na sa mismong bibig niya ang mga salitang hindi ko inakalang sasabihin niya.

"Hindi naman pala ako mahalaga para iyo, pero bakit ka sumusunod sa akin ngayon? Lubayan mo na ako. Tinapos ko na ang kontrata mo sa Enkantacia. Wala na ka nang dahilan para manatili dito. I'll pay for the damages. Go away." sabi ko sa kanya at marahas na tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa pulsuhan ko.

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon