(Enjoy Reading!)
~0~
Hindi ko na maipaliwanag pa ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Tila ba may mangyayaring hindi maganda, Balisang-balisa at hindi ko na maisip pa ang ibang bagay bukod sa kalagayan ni Lucas. Ramdam ko ang napakabigat na takot, lalo na't hindi imposible na balikan ako ni Katrina. Baka kung ano na naman ang gawin niya sa akin, o sa amin ng mga anak ko. Hinding-hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nakikitang nakakulong na si Katrina.
"Calm yourself down, Gabrielle. I will let Mom and Dad go home with the twins. Kami na lang muna ang maiiwan sa iyo dito ni Gabriel. Mahirap na at baka kung ano pang maisipan ng baliw na babaeng 'yun." sabi ni Kuya Lee kaya tumango ako sa kanya. Tama ang naisip niya, mabuti nang umuwi muna sila para makasiguro.
"Mom, Dad, nandoon naman sa ibaba ang driver natin, go home with the kids. Kami na ang bahala ni Kuya dito" sabi ni Kuya Gabriel at inilalayan sa pag-alis sila Mom at Dad.
"Bantayan niyong maiigi ang kapatid niyo. Be safe, lahat kayo." sabi ni Mom bago sila tuluyang lumabas ng silid ko.
Marahas akong napabuntong hininga dahil sa hindi ko mawaring pakiramdam. Magkahalong kaba at takot. Hindi tuloy ako mapakali. God, Please let him safe.
Ipipikit ko na sana ang aking mata ng panandalian nang biglang umalingawngaw ang tunog na naghuhudyat ng emergency.
Naarlarma sila Kuya at kaagad na lumapit sa tabi ng aking kama.
Ilang sandali lang ay biglang bumukas ng pagkarahas-rahas ang pintuan ng aking silid.
Tripleng takot ang aking nararamdaman, tila ba aatakihin ako sa puso dahil sa kabog ng puso ko.
"B*tch! Akala mo ba tapos na ko sayo?! Hinding-hindi ako magpapatalo sayo! I will never let you reach your f*cking happy ending!" tumawa si Katrina na tila isang baliw at initutok sa akin ang baril na hawak.
"Awww, Wag kayong matakot kaagad, maliiit na baril lang ito!" sigaw niya at pinaputukan ang sahig.
"Stop it! Stop this Katrina!" sigaw ni Kuya Lee ngunit tumawa lamang si Katrina at humakbang papalapit sa isang mesa at iniabot ang kutsilyo.
"Hmmm... I want to add some wounds to you f*cking Gabrielle Allison! Saan kaya maganda? Sa binti? sa hita? Ah! Alam ko na! Sa mukha mo! Para hindi ka na magustuhan pa ni Lucas! Para sa akin at akin na siya" sabi niya at unti-unting lumapit sa amin pero kaagad siyang hinarang ni Kuya Gabriel.
"Ay pakialamero!" sigaw ni Katrina, May inilabas itong kutsilyo mula sa kanyang bulsa at walang pag-aalinlangan na sinaksak si Kuya sa tiyan.
"Kuya Gab!" sigaw ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Gab!" sigaw ni Kuya Lee.
"Baliw ka talaga! Mamatay ka na!" sigaw ko at pinilit na tumayo ngunit pinipigilan ako ni Kuya Lee.
Nakita kong hawak-hawak ni Kuya Gabriel ang kanyang sugat. Tiningnan ko siya sa kanyang mata at sinenyasan na umalis na sa silid na ito.
He needs to leave as soon as he can, kung hindi baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.
Umiling siya sa akin at dahan-dahang tumayo at biglang niyakap si Katrina upang agawin ang hawak nitong kutsilyo.
"Wag kang makialam kung gusto mo pang mabuhay!" Pero sadyang nanghihina na ai Kuya kaya marahas siyang itinulak ni Katrina.
"Wala akong pakialam sa inyong dalawa! Ang punterya ko rito ay itong babaeng 'to!" Sigaw niya at nagpaputok ng baril sa kisame.
"Tumigil ka na!" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi ako makikinig sayo! Hindi ako titigil hangga't hindi kita napapatay!"
Sigaw niya sa akin."You're really a crazy b*tch! Ilusyunada ka! Tigilan mo na ang kapatid ko!" sigaw ni Kuya Lee.
"Wag kang makisali sa gulo namin ng kapatid mo! Kung ayaw mong matulad ka dito sa bida-bida mong kapatid!" Sabi ni Katrina at humalakhak.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako titigil?! That f*cking b*tch should die! Mang-aagaw siya! Inagaw niya sa akin si Lucas! Papatayin kita! Papatayin kita!" Sigaw niya na tila nababaliw na, sinasabunutan niya ang kanyang sarili.
"Don't you dare lay your hands on her." Lahat ng aming atensyon na napunta sa pinanggalingan ng boses sa pintuan.
Lucas.
"Aww, Here comes my hubby, Did you miss me?" Sabi ni Katrina kay Lucas.
"No, And I will never be." Matigas na ingles na wika ni Lucas.
"That's sad, baby boy. I miss you all the time. I want to kiss you right now" sabi ni Katrina.
"Stop this sh*t now, Katrina." Wika ni Lucas.
"I won't baby boy, I won't stop until I finally get you away from this b*tch" sabi ni Katrina.
"Don't you dare call her names!" Sigaw ni Lucas na galit na galit.
"I dare because she f*cking deserves it!" Sigaw ni Katrina at muli pinaputukan ang sahig.
"Stop this right now!" Sigaw ni Lucas at humakbang papalapit kay Katrina.
"No!! Don't you dare come to her Lucas!" Sigaw ko ngunit huli na.
"I will stop this if you will choose to be with me! If you choose me, Lucas!" Sigaw ni Katrina at niyakap ng mahigpit si Lucas.
"I-I w-will, just, just stop this, p-please" sabi ni Lucas at tiningnan kami ng maiigi. Sumesenyas na kami ay umalis na ni Kuya Lee.
"No! Don't you dare, Lucas!" Sigaw ko sa kanya.
"Wag kang makialam!" Sigaw ni Katrina.
"Sa tingin mo, maniniwala ako sa inyo?! I'm not stupid like you!" Sigaw ni Katrina at itinutok ang baril kay Lucas.
"No! Please no!!" Sigaw ko at pilit na tumayo.
"Alam niyo ba na ako rin ang may pakana ng aksidente kung bakit ka nakalimutan ni Lucas? It's not my intention to hurt my love, pero papansin ka! Pinilit mo pang isama si Lucas! Ngayon papatayin kita para sa akin sa siya!" sigaw ni Katrina. Walang hiya talaga ang babaeng 'to!
"Tigilan mo na ito! Iyo na si Lucas, Wag mo lang siya sasaktan."
"Sasama ako sayo, just please, don't hurt her."
"Galing niyo talaga! Alam ko namang niloloko niyo lang ako!Hindi ako inutil at uto-uto gaya niyo! Kaya mas mabuti pang wala na lang makinabang sa lalaking ito, tama?! Ikaw na lang ang papatayin ko!" Sigaw ni Katrina at tumawa ng malakas.
Nakakabingi ang mga sumunod na aking narinig. Isang napakalakas na tunog ng baril.
Kulay pula at dugo, iyon ang tanging huli kong nasilayan kasabay ng pagtuloy tuloy na paglabas ng aking mga luha.
No! Lucas!
Malakas ang paglapag ng katawan ni Lucas sa sahig.
"Kung hindi niya ako pipiliin, it's better that he will not be able to choose. Hindi siya para sa akin, at hindi rin siya para sa iyo." Wika ni Katrina at nagmamadaling umalis sa aking silid.
Hirap man ako dahil sa pag-uulap ng aking mga luha sa aking mata, at sa mga sariwang sugat na aking natamo, pinilit kong lapitan ang walang malay at nakahandusay na katawan ni Lucas.
"H-Hey, L-Love, w-wake up please. I love you, P-Please fight for me."
~0~
Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!
NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.
(I worked hard for this. So you better work on your own story.)
@_Sodaaaaa | 2020
![](https://img.wattpad.com/cover/213012915-288-k705029.jpg)
BINABASA MO ANG
Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]
Roman d'amourAcquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known businessman is having the best days of his life together with his long time girlfriend, Gabrielle Allison Leviste who's an electrical engineer. The...