(Continuation of Chapter 6)
Gabrielle Allison Leviste
"Allison, hindi ba si Lucas iyon?" tanong sa akin ni Kuya at pasimpleng itinuro ang kabilang mesa kung nasaan sila Lucas at Katrina. They are peacefully eating but Katrina is a lot clingy to the grumpy Lucas.
Oo, siya nga iyon, kasama ang ipinalit niya sa akin.
"Oo Kuya siya nga yun, bakit?" tanong ko sa kanya at sumubo ng pagkain.
"Wala lang, iyon pala ang babaeng ipinalit niya sayo." sabi ni Kuya.
Oo na! Pinalit na! Pinalitan na ako! Palagi na lang bang ipamumukha sa akin ng mundong 'to?
"Ano naman?" mataray na sagot ko sa kanya, pakiramdam ko kasi ay aasarin na naman niya ako.
"Ang panget naman. Mas maganda pa mga chicks ko." napairap naman ako sa sinabi niya. Ang hangin talaga nitong kapatid ko na ito. Sanaol na lang may sisiw.
"Ikaw talaga Kuya, magkaka-anak ka na, pinapairal mo pa rin ang pagiging babaero mo." sermon ko sa kanya.
"Oo na, niloloko lang kita eh." sabi ni Kuya at sumubo na rin ng pagkain.
"Manloloko ka kasi." dagdag ko pa na ikinasimangot niya.
"Ako ba pinariringgan mo o yang ex fiance mo?" nakangising sabi ni Kuya na ikinapula ng mukha ko.
"Ang ingay mo Kuya, mamaya marinig ka nila." suway ko sa kanya.
"Ano naman? Dapat nga marinig niya eh." Pasaway talaga 'tong kuya ko na ito.
"Kumain ka na lang nga dyan Kuya, hindi yung puro ka rant dyan." sermon ko ulit sa kanya at pinunasan ang bibig ni Aquila dahil sa tumulong laway nito.
"Hindi ko lang maintindihan ang lalaking iyan." biglang sabi ni Kuya.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya habang ngumunguya.
"Kasi, nung nagsabi sa amin yan ni Kuya Lee na aayain ka na magpakasal, lahat ginawa niya para pumayag kami. Nasapak pa nga namin yan ni Kuya kasi ang kulit. Alam mo naman kami, hindi pa kami komportable sa kanya noon. Pero nung nakita namin na pursigido talaga siya, umoo na kami ni Kuya. Halos lumuhod na nga yon para pumayag kami ni Kuya. Pero mas grabe pala si Daddy, doon talaga naghirap yang lalaki na yan.
Kung halos lumuhod na yan samin ni Kuya, kay Daddy halos gumapang na siya mapapayag lang. Hindi pa daw kasi ready si Daddy na ikasal ka at hindi pa gaanong komportable si Daddy sa ugali ni Lucas. Pero di katagalan, pumayag na din si Daddy, kasi nga sobrang pursigido niyang lalaking yan. Kaya nagtataka ako kung bakit kayo naghiwalay. Kung bakit niya kayo iniwan nitong kambal. Kung dati panatag na ko sa kanya, pwes ngayon, huwag na siyang lalapit sa sayo, at sa kambal, baka hindi ko na siya matantya."
Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko naman ang pagiging pursigido ni Lucas noong mga panahon na iyon. Nakakalungkot lang na wala na yung Lucas na minahal ko. Wala na yung Lucas na mahal na mahal ako.
I really miss him. The way he calls me "love". The way he caresses my hair and kisses my forehead. When he's being so possessive when men are staring at me. The way he says the four magic words, the"I love you, love" that can melt my knees down.
Lucas, why did you choose to make me leave? Why didn't you choose me? Why didn't you choose us?
Minsan iniisip ko kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Kasi noong mga huling beses na nakita ko siya, ibang-iba na siya sa Lucas na kilala ko. Akala ko ay ginawa niya ang lahat para sana maka-alala, maalala kaming muli ngunit parang niyakap na niya ang buhay niya noon at isinabuhay na niya sa kasalukuyan.
Hindi na siya yung Lucas na soft hearted, yung Lucas na masayahin, yung Lucas na sweet and caring. Ibang-iba na siya. Sobrang lamig na ng mga titig niya. Tila wala na siyang pakialam sa iba. Nakakapanibago. Pero hindi naman iyon dahilan para hindi ko siya patuloy na mahalin, kahit sa malayo.
Kasi hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya. Pero tanggap ko naman na hindi na ako ang laman ng puso niya. Na hindi na ako ang mahal niya. Na matagal na niya akong kinalimutan.
Kasi ayos naman na sa akin na patuloy siyang mahalin kahit na wala nang kapalit.
"Pero hayaan mo na, Gabrielle Allison. Nandito naman kami ni Kuya, Mommy at Daddy para sa iyo, pati na rin sa kambal." sabi ni Kuya na ikinangiti ko.
"Salamat Kuya." nakangiting sagot ko.
Laking tuwa ko kasi nandito pa rin ang pamilya ko para sa akin. Dahil kahit na naging masama ang mundo sa akin, nandiyan naman sila para yakapin ako sa oras na umuwi ako ng luhaan at talunan.
Akmang bubuhatin ko na si Caelum ng biglang may lalaking lumapit sa tapat ng lamesa namin kaya napatingala ako.
'Lucas...'
"Ah, Sir Montesenia. Nandito pala kayo." alanganing bati ko at tipid na ngumiti.
"Yes, I'm here. Who's he? Ms. Leviste, if you don't mind?" tanong niya at kita kong umigting ang panga niya na tila ba pinipigilan ang galit.
Sasagot na sana ako nang hinatak na niya ako ng kaunti papalayo sa mesa namin.
"Ano ka ba? Bakit mo hinahatak si Allison?" sabi ni Kuya Gabriel nang hatakin ako papatayo ni Lucas habang madilim ang awra.
"Allison huh?" tiim ang bagang ni Lucas at hinatak ako palabas ng restaurant. Kita ko naman sa mata ni Kuya Gabriel ang pagkagulat pero hindi na niya muna ito inintindi dahil batid kong mas iisipin niya ang kambal. Kaya ko naman ang sarili ko kung sakaling may hindi magandang gagawin ang lalaking ito.
"Ano bang gusto mo, Sir Montesenia?" tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin at marahas na ipinasok sa kotse niya.
Hindi pa rin ako nito pinapansin at matiim na nakapokus ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero may bagay sa puso ko na hinayaan na lamang siyang gawin ang gusto niya.
Hindi ko alam kung ano ang problema niya at kung bakit niya ako dadalhin sa kung saan man. Pero masaya ako. Kasi kasama ko siya ngayon, na matagal ko nang hindi nagawa.
Ang tagal na rin nang huli kong makita ang lalaking ito, kaya susulitin ko na dahil baka pagkatapos nito ay hindi na ito maulit pa.
Pinagmasdan ko na lamang ang mukha niyang nakasimangot habang nasa biyahe, napakagwapo pa rin niya, tila mas gumwapo pa ata siya sa nakalipas na isang taon.
Mas naging manly ang kanyang katawan, mas lumaki ang biceps, chest at panigurado maging ang kaniyang tiyan.
'Teka, bakit ko ba dinidescribe ang katawan niya?'
'You just miss him touching you' bulong na isipan ko kaya napailing ako ng sunod-sunod.
"Why are you shaking your head?" tanong niya na ikinapula ng mukha ko.
'You just miss him touching you' ulit na naman ng isipan ko kaya tumalikod na ako ng harap at tumingin nalang sa bintana ng kotse.
'I miss you so much love.' Hanggang sa isip ko nalang ata masasabi ang bagay na ito.
Pero nagulat ako nang magsalita siya. Sinabi niya ang mga salitang tila tubig na bumabalot sa kahoy upang ito ay mas lalong rumupok. Tuluyan na ngang bumigay buhat ng pangungulila sa nag-iisang lalaking minahal ko ng buong-buo.
"I miss you too, love."
~0~
Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!
NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.
(I worked hard for this. So you better work on your own story.)
@_Sodaaaaa | 2020
BINABASA MO ANG
Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known businessman is having the best days of his life together with his long time girlfriend, Gabrielle Allison Leviste who's an electrical engineer. The...