Chapter 14

2.6K 35 8
                                    

Gabrielle Allison Leviste

Habang nasa living room sila Kuya, kasama si Mommy at Daddy maging ang kambal ay nagtungo muna ako sa aking kwarto.

Wala na ako sarili, lutang na ang utak ko dahil sa nangyari. Sobrang daming nangyari ngayong araw na hindi maganda, at hindi na kinakaya ng isip ko.

Nakaramdam ako ng awa kay Lucas, pero maging ako ay hindi narin maintindihan ang mga kinikilos niya.

Isa lang naman ang alam ko, alam kong nagkaroon siya ng short term memory loss. Ngunit ang puno't-dulo ng sama ng aking loob ay ang makita siyang tila wala namang balak na alalahanin at sikapin na pagalingin ang sarili niya.

Ang daming nasasayang na pagkakataon para sana mabuo ulit namin ang pamilya namin, hindi na pabata ang mga anak namin, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang kinikilalang ama dahil ang kanilang ama ay hindi sila kilala at maaring paulit-ulit na makalimutan.

Isa lang naman ang gusto ko, ang makasama siya kasama ang mga anak namin. Magkaroon ng simpleng pamumuhay, ngunit matagal na iyong pinagdamot sa akin. Nakakalungkot lang isipin na parang ako lang ang sumusubok habang siya ay tila kuntento na sa kaniyang kasalukuyang kalagayan.

"Gabrielle, please. Don't see that man again. Don't put your heart on the verge of being broken again. This time is different, you have the twins. You have to be stronger, not just for yourself but also for the two angels, your family." sabi sa akin ni Kuya Lee.

"I know that we've been so controlling and aggressive a while ago. I am sorry not because I hurted him but because I don't regret what I did. I don't want anyone to hurt you. You are our little sister, our little Gabby. Tumanda kami na nakatatak sa utak namin na prinsesa ka namin dito sa bahay. Sobra ka naming pinahahalagahan kaya sana pahalagahan mo rin ang sarili mo." sabi ni Kuya Gabriel bago ako tuluyang iniwan sa loob ng aking silid.

Ngumiti ako sa kanila, sign of my thankfulness. I am clearly aware about how they cherish me and I fully understand. I am loving Lucas greater than my love for my own self and that's dangerous.

Loving should be balanced. No one should be greater, no one should be at less. Love should be balanced so no one will let themselves go down and suffer with so much pain.

Naupo ako sa gilid ng aking kama, napadako ang tingin ko sa aking lamesa sa gilid, lumapit ako rito at binuksan ang drawer. Doon ko naalala ang mga inipon kong alaala sa nakalipas na taon, mga inipon kong alaala na hindi nasaksihan ni Lucas. The memories that captured but never been seen.

Napangiti ako ng mapait ng makita ang laman ng drawer. Punong-puno pala ito ng mga liham na ginawa ko sa isang taong nakalipas. Nandoon rin ang camera na may mga video ko tuwing nag cecelebrate ako ng monthsary namin. Kinuha ko sa drawer ang mga liham, sobrang kapal ng mga ito sa dami. Naka-sobre ang kada liham na ginawa ko.

Binuksan ko ito isa-isa, bumase ako sa petsa na sa likod ng mga sobre. May karamihan ito, sobrang sipag ko noong mga panahong iyon, dahil noon ay umaasa ako na isang araw ay babalik siya kaagad.

January 13.

Hello my love. It's been a while since I last saw you. I feel sorry because you didn't have the chance to know that I am carrying our baby. I know how much you wanted a child with me, but I don't think the current version of you will also be happy with this pregnancy. Despite the words you let out that hurt me, I deeply know that my love for you stayed. Your harsh words aren't enough to erase my love, because I know that my love for you will always be the greatest. I pray that one day, you'll push yourself to remember everything and that includes me together with our memories. Don't be comfortable with the memory you have now, that's the only thing I ask. So today, I decided to write things I want to say, things that are happening to me and even how my days are going on, and I will imagine that you can read this, laugh or smile while I am sharing just like how you used to when we're still together. Take care of yourself. Always and forever, you are my star.

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon