Chapter 4

3.1K 135 5
                                    

Gabrielle Allison Leviste

Maaga akong nagising dahil mayroon kaming usapan ni Ciara ngayon. Kahit na nagiging abala kami sa kaniya-kaniyang mga buhay ay nagagawa pa rin namin na maglaan ng oras para sa isang simpleng date, dahil halos ilang buwan din kaming nilubog ng mga trabaho namin kung kaya't hindi na kami nagkaroon pa ng panahon para magkasama at magsaya ng tulad ng palagi naming ginagawa magmula pa noong maging magkaibigan kami.

"Little Gabby, bumaba ka na dyan, kakain na tayo ng breakfast." rinig kong sabi ni Kuya Louis mula sa labas ng kwarto ko.

Kaya isinantabi ko na muna yung ginagawa ko, nag-aayos kasi ako ng iilang gamit sa kuwarto ko. Bumaba na ako ka agad dahil alam kong hinihintay na ko nila Mom at Dad. Even our family consists a lot of busy professionals, we never let our family missed breakfast, and dinner together. Ang pagkain ng sabay-sabay ang palaging ipinaalala sa amin ni Daddy to keep our family strengthen it's connection.

"Good Morning!" bati ko sa kanila at umupo na sa upuan ko. Napansin ko nga kaagad ang aking kambal na kinuha na rin pala nila Mommy mula sa kuwarto nila. Nakaupo na ang dalawa sa kanilang high-baby chair at nasa gitna silang dalawa ni Mommy at Daddy.

"Kain ka ng marami Allison my baby, Okay?" sabi ni Mom at sinadukan ng pagkain yung pinggan ko. Yes, they still treat me like a baby and take not always, minsan nga pinipigilan ko na lang din kasi minsan kahit through public ganiyan silang lahat. Si Daddy naman at Kuya Lee ay parang tapos na kumain, hawak ni Daddy si Aquila at si Kuya Lee naman ay si Caelum.

"You should eat more Allison, you look skinny, baby." dagdag pa ni Dad.

"Yes po." sabi ko at kinain na yung mga nilagay ni Mommy sa plato ko.

"Mommy, aalis po pala ako ngayon kaya hindi po muna ako papasok sa Enkantacia today, may lakad po kasi kami ni Ciara." sabi ko.

"Sure baby, wala pa namang bagong kliyente at marami namang ibang electrical engineer sa Enkantacia incase na magkaroon tayo ng kliyente ngayon, ayoko rin na napapagod ka ng sobra, You're my little princess. Kami na muna ng Mommy mo ang bahala sa mga cute na babies na ito." sabi ni Daddy at sinalinan ng gatas yung baso ko habang bitbit niya pa rin si Aquila na subo subo ang thumb niya.

"Ihahatid na kita little sis." sabi ni Kuya Louis. Himala nag-volunteer?

"Gusto mo lang makita si Ciara eh." pang aasar ko dito.

"Tsk. Son, we already know your styles." gatong pa ni Daddy.

"If you like her then court her son." sabi ni Mommy na nakikiasar din.

"Yeah, little bro, if you like her, court her. Mamaya maunahan ka pa sige ka, ikaw rin." sabi ni Kuya Louis na nakapagpadilim ng awra ni Kuya Lee at bigla nalang itong nag walk out.

"Jealous jerk." sabi ni Kuya Lee kaya natawa kaming lahat.

It's obvious that he really likes Ciara but he keeps on denying it. What a dumb.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na rin ako, sinabay ko na rin sa pagligo sina Aquila at Caelum, mabait naman sila habang pinapaliguan, kaya lang minsan, itong si Aquila ay umiiyak, para siyang takot sa tubig.

Minalas man ako sa pag-ibig, sinuwerte naman ako sa pamilya. Noong nalaman nila Mommy at Daddy na buntis ako, hindi man lang nila ako pinagtaasan ng boses, ngunit kinausap sa mahinahon na paraan, ganoon din sila Kuya sa akin. They tried to understand me and my situaton as much as they can.

Binihisan ko lamang ng simpleng blue t-shirt at pajama si Caelum, pink t-shirt naman at pajama kay Aquila. Halatang kambal sila sa mga ipinapasuot ko sa kanila. Ibinigay ko sila kay Mommy at Daddy, handa na rin kasi ako sa pag-alis. Simpleng fitted na black croptop ang suot ko na mayroon mga beige na butones for my top at red square pants na may slit sa magkabilang gilid ang suot ko for my bottom, ang ipinares kong pang-paa ay isang 3-inch white heels.

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon