4

2.9K 130 0
                                    



Ang Asawa kong Nerd na Tboom pa

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 4

Pagkatapos nang nangyari sa mall ay hindi na umuuwi si Skyler sa bahay. magta-tatlong araw na. Malamang, ando'n na naman yon kay Stella.
"Oh, ano'ng problema mo, Kim? Bakit kailangang pumunta pa tayo rito sa rooftop?" tanong ni Aira. Dinala ko silang tatlo rito dahil hindi ko na kaya.
"May sasabihin ako sa inyo," nag- aalangang sabi ko. Nakatingin lang kaming apat sa baba at nakikita namin ang mga estudyante na naglalaro sa soccer field.
"Malamang, kaya mo nga kami dinala dito 'di ba? Alangan naman uutot lang tayong apat dito?" Napipikon na sabi ni Yna. Ayaw niya sanang sumama dahil hahanapin pa raw niya si Kyler kaso pinilit ng kambal niya.
"Nagmamadali ka ba, Yna? Sige, pwede ka ng lumayas," wika ni Aira.
"Tsss. 'To naman. Palibhasa, nagkiss na kayo ni Kuya." Ganti rin ni Yna na ikinapula ng mukha ni Aira. Kambal si Yna at Ann pero hindi magkamukha.
"Hoy, h-hindi ah." todo tanggi ni Aira. Ang kambal naman ay napataas lang ang kilay at halatang hindi naniniwala. Talagang pinu-push ng dalawang 'to na gapangin ni Aira ang kuya nila o 'di kaya, ang kuya nila ang gagapang kay Aira.
"Nakita kaya namin kayo. Nagkiss kayo e. Navideohan nga namin, 'di ba, Ann?" siniko pa ni Yna ang kakambal.
"Oo naman. Ipapakalat naman namin 'yon dito sa buong campus," pananakot ng mga ito na ikinaputla ni Aira.
"Waaaah! Ang sama nyo! Akin na ang video! Nakakahiya! Siya lang naman ang nanghalik e!" halos pasigaw na sabi niya. Ang mukha ni Aira ay parang kakainin ang kambal ng buhay pati 'ata ako.
"Hala, totoong nag-kiss kayo? Waaaah. Si Aira, 'di na virgin!" sigaw ni Ann.
"Waaaah. Si Kuya, hindi na rin virgin! Binata na siya!" tuwang tuwa na sabi Yna at hawak kamay pa na patalon talon sa harap namin. Si Aira ay nakanganga lang na nakatingin sa dalawa. Speechless.
"Aira, masakit ba? Aray!" curious na tanong ni Yna pero agad na binatukan ni Aira.
"Hindi kami nag-sex at virgin pa ako! Ewan ko sa inyo!" nagtatampo na sabi niya. Kahit anong sabihin ng kambal ay hindi na ito nagsasalita, halatang masama ang loob. Kung sabagay, minsan kasi ay sobrang nakakapikon na ang dalawang 'to. Paano na lang kaya kung nasa bahay na sila?Panigurado, walang katahimikan sina Aira at Tyron.
"Sorry na nga. Huwag ka nang magtampo, ate. Huwag kang mag- alala, sa kuwarto mo namin patutulugin si Kuy---waaah joke lang, koks!" tumakbo si Yna palayo kay Aira at nag peace sign nang hubarin ni Aira ang sandal niya at itatapon sana dito.
"Tama niyo na nga yan. Ano pala ang sasabihin mo, Kim?" pag-iiba ng topic ni Aira. Sa akin naman silang tatlo tumingin at ready na makinig.
"Ahm. Paano mo sasabihin sa parents mo ang isang bagay na matagal mo nang itinatago?" panimula ko.
"May itinatago ka sa parents mo? Ano 'yon?" curious na tanong ni Aira. Halatang gusto rin nilang malaman. Haist, kung sabagay, sila lang naman ang itinuring kong mga kaibigan kaya time na rin siguro para aminin ko sa kanila. Masakit sa dibdib ang may itinatago. Baka isipin nila na hindi ako tunay na kaibigan dahil may sikreto akong inililihim sa mga ito.
"M-May... M-may girlfriend ako. I mean, ex-girlfriend," sabay ayos ng salamin ko. Nahulog kasi nang yumuko ako. Nahihiya akong aminin sa kanila, e.
"Hala, may ex ka? Sino ang ex boyfriend mo?" Usisa ni Ann. Siya ang unang nakabawi sa kanilang tatlo.
"Girlfriend, Ann. May ex-girlfriend ako. Babae ang nakarelasyon ko," pagtatama ko sa kanya. Ang hitsura nilang tatlo ay parang nakalunok ng bato ni Darna pero kasing laki naman ng itlog ng ostrich.
Gulat na gulat at puro nakanganga pa na halos hindi makapaniwala.
"Waaaahhh... TOMBOY KA?" halos pasigaw na sabi ni Yna.
Tumango-tango lang ako bilang sagot sa kanila.
"Oh my! I thought, isa ka lang na nerd!" Bulalas na sabi rin ni Ann. Si Aira ay hindi nagsasalita at halatang ina-absorb pa ang mga pangyayari.
"Ahm... hindi ko rin alam, eh." napakamot ako sa batok ko. Sa totoo lang, may gusto naman ako sa mga lalaki like Tom, Brad Pitt at mga hollywood stars pati na rin ang member ng one direction. Crush na crush ko yon si Zayn Malik. Nalungkot nga ako nung mabalitaan kong kumalas na raw sya sa one direction pero mas marami pa rin ang mga hinahangaan kong babae like Paris Hilton. Yes, idol ko sina Paris, Ariana Grande, Avril lavigne at Taylor Swift.
"Hala, Kim, ang ganda-ganda mo. Huwag kang maging tomboy. Baka confused ka lang," panghihinayang na sabi ni Aira. Siya talaga ang laging nagsasabing maganda ako.
"Teka, teka, teka lang. Sabi mo, may ex ka? Ibig bang sabihin, nag kiss na kayo?" Tanong ni Ann. Ayan na naman sila, halatang interesado sa isasagot ko.
"A-ahm... y-yes," sabay ayos ko ulit ng salamin ko. Totoong nag-kiss na kami ni Stella. Mahigit isang taon din ang relasyon namin. Ang alam ng parents ko ay bestfriend ko lang siya kaya lagi siyang nasa bahay namin sa Canada noon.
Pero last month ay nakipaghiwalay sya sa akin. Ang sabi niya ay hindi na raw niya kaya at may mahal na syang iba. Unti-unti na rin siyang lumayo sa akin. Hindi niya sinasagot ang tawag at mga messages ko. In-unfriend rin niya ako sa facebook. Naka-private na rin ang acct nya sa Twitter at Instagram.
Sya lang ang naging kaibigan ko noon. Sabay kaming maligo at halos wala na kaming itinatago sa isa't isa. Lagi kaming magkasama dahil pareho kaming model noon pero nagbago ako para sa kanya. Ang sabi niya ay gusto niyang lagi akong nakadamit panlalaki para kahit lumabas kami ay maramdaman naman niyang babae sya. Lahat ay ginawa ko para sa kanya pero nang dahil sa lalaking ipinakilala ng pinsan niya ay nagbago siya at iniwan ako.
Napansin din siguro nina tita Nicole ang pagbabago ko. Kahit si Mommy ay nagtataka rin kung bakit hindi ako nagpapaligaw. Pakiramdam ko ay natuklasan na nila na babae talaga ang gusto ko kaya pinauwi ako rito sa 'PINAS at ipinakasal kay Skyler.
"Whaaaat? Ewww, Kim! Huwag mong sabihing nag-a-ano rin kayo?" nanlaki ang mga mata nila tapos tinakpan pa ni Ann ang bibig at nanlalaki ang mga mata.
"Hindi, ah. Once lang naman ang kiss na 'yon at uunahan ko na kayo, walang sex. Hindi kami umabot sa ganon. Oo, kahit lagi kaming magkasama ay isang beses lang talagang maghalikan kami. Matagal?Yes, medyo pero hindi naman kami naghihipuan kahit na pareho kaming nakahubad kapag maligo."
"E, baka nagkakaproblema ka lang sa gender identity mo." Sabi ni Ann.
"Oo. Lahat naman tayo ay nakaranas ng identity crisis e. Kahit ako nga, akala ko tomboy ako kasi crush ko si Selena Gomez e" dagdag pa ni Yna. Kahit ako ay naguguluhan din noong una pero mula nang makilala ko si Stella ay don ko na realized na mahal ko talaga siya.
"Ewan, sana matanggap nyo pa rin ako" I'm still hoping na sana okay lang sa kanila kahit na ganito ang pagkatao ko.
"Gaga, este gago... hahaha oo naman. Basta huwag mo lang kaming pagnasaan, ha." natatawang sabi ni Yna at niyakap pa ang dibdib nito.
"Hahaha adik ka, Yna. Mas malaki pa ang akin kesa sa 'yo kaya 'wag kang mag-alala" bigla na lang syang sumimangot sa sinabi ko.
'Teka, saan na pala ang ex mo? May communication pa ba kayo?"pag-usisa ni Aira.
"Wala na pero noong isang araw ay nagkita kami at kasama niya ang boyfriend niya," malungkot na sabi ko. Masakit isipin na ang asawa ko pa ang karibal ko kay Stella pero syempre, hindi ko sasabihin sa kanila na si Skyler 'yon. Hanggang ngayon ay si Aira pa lang ang nakakaalam na kami ang may-ari nitong school.
"Huh? Naku, agawin mo ulit. Malay mo, baka mahal ka pa nya." Utos ni Ann.
"Wala akong laban do'n. Guwapo kasi ang lalaki tapos habulin pa ng babae. Isa pa, lalaki talaga 'yon. Kami, hindi pwede dahil pareho kaming babae" malungkot na sabi ko. Mas pipiliin pa rin ng mga babae ang mga lalaki kesa sa aming mga t-boom lalo na kapag makita nilang gwapo at mas mayaman ang lalaki pero hindi naman lahat ay pera lang ang habol kaya may mga tumatagal din na same sex ay dahil mahal talaga nila ang isa't isa.
"Alam mo, Kim, maganda ka. Hindi ka talaga tomboy. Bisexual lang. Pwede ka rin sa lalaki kaya ang gawin mo, magpaganda ka at agawin mo ang boyfriend niya tapos 'pag maghiwalay na sila, saka ka na dumiskarte ulit sa ex mo," suggestion ni Aira.
"Oo, tama Kim dap---ssshh!" nag-quite sign pa si Ann at tiningnan ang paakyat dito sa rooftop. Sina Tyron, Kevin at ang kambal na sina Kyler at Skyler.
"Tsss. Punta lang ako sa canteen, 'tol, nagugutom ako." todo iwas ni Kyler at mabilis na bumalik sa hagdan.
"Waaahh... Kyler, hubby! Na-miss kita!" sigaw ni Yna tapos tumakbo at hinabol si Kyler kaya ayun, naghabulan na naman ang dalawa.
"Hi, Aira. Hello girls!" nakangiting bati ni Kevin. Mabait ito, unlike sa magkambal niyang kapatid. Ang pagkakaalam ko ay ampon lang si Kevin kaya magka-edad silang tatlo.
"Hi, Kevin." Bati ni Aira.
"Hoy, kokak! Punta ka sa library mamaya, magpapatulong ako sa 'yo" nakasalubong ang kilay ni Tyron.
"Kapal ng mukha mo, kok, para utusan ako!" naiinis na sagot ni Aira.
"Aba, dapat tulungan mo ako dahil girlfriend na kita at alam ng lahat 'yon," kaming lahat dito ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. Ganiyan naman 'yan lagi e. Hindi mo maintindihan kung girlfriend- boyfriend ba ang turingan ng mga ito sa isa't isa.
"Hindi ko pinangarap na maging boyfriend kita, kapal mo!" singhal ni Aira. Siguro, napuno na ito. Ewan, pero nag-e-enjoy kaming panoorin sila.
"Mas lalo ako! Eh, mukha ka namang palaka! Dapat magpasalamat ka dahil lahat ng babae ay pinapangarap na maging boyfriend ako!" pagmamayabang ni Tyron. Ayun, nagsagutan na naman ang dalawa.
Pagtingin ko kay Skyler ay salubong ang kilay na lumapit sa akin. Panigurado, tungkol na naman 'to sa kay Stella.
Nagulat ako nang walang pa sabi-sabi na iniangat niya ang kamay niya patungo sa dibdib ko.
"Nextime, matuto kang magbutones kapag magsuot ka ng polo mo. Laging ako na lang ba ang mag-aayos nito?ha? NERD!" Galit na inayos niya ang polo ko. Hindi ko napansing bahagyang nakabukas pala ang dalawang butones sa taas. Actually, pangalawang beses na niyang gawin 'to. Iyong isa ay last day habang nasa classroom kami.
"Thank you," mahinang pasalamat ko at inayos na naman ang salamin ko. Palagi ko na lang kasing nararamdaman na parang mahuhulog o mannerism ko na 'ata 'to.
"May bayad," nakangising sabi niya.
"A-ano?" baka ang ducati ko na naman ang pagkainteresan niya.
"Wag na wag mong ipagkalat sa iba na asawa kita," bulong nya.
"Kapal! As if naman na proud ako na asawa kita!" Galit na sagot ko rito.

A/N:
Informal writing na po ang next chapter. Sinusubukan kong i-edit at gawing formal sa abot ng aking makakaya kaya pasensya na. Baka dumugo ang mga mata ninyo. It's up to you kung ipagpatuloy ninyo ang pagbabasa. Salamat.😀💖😀💖😀

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon