39

2.8K 122 0
                                    




Chapter 39

"Bakit mo ako dinala dito kyler?magtatapat kana ba sa akin?aaminin mo na ba na mahal mo na ako?".kinausap kasi ng binata si yna na maglakad-lakad muna sila dito sa dalampasigan.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa yna.Wala kang mapapala sa akin".tumigil ito at hinarap ang dalaga para makita niya ang mukha nito na ngayon ay malungkot na.

Maganda si yna,hindi naman nalalayo ang kagandahan sa ibang kababaihan,ang kaso ay hindi niya ito nagustuhan.Masyadong isip bata,palengkera at nakakasakal na.Isa pa,kapatid ito ng kaibigan nilang si tyron kaya malayo talaga ang chansa na maging sila.

"Bakit mo ako dinala dito kyler?".pinigilan niyang maiyak sa harapan ng binata.Sanay naman siya na ganito katalas ang dila ni kyler pagdating sakanya pero may mga times talaga na hindi niya maiwasang masaktan.

"Tungkol kay ella".mahinahong sabi ni kyler at inilagay sa bulsa ng summer shorts ang mga kamay at tumingin sa medyo madilim na karagatan.Tanging ingay ng paghampas ng alon ang naririnig nila at mga tawanan ng kasamahan sa labas ng resthouse.

"Wala namang kasalanan si ella sainyo,pwede bang maging magkaibigan nalang kayo yna?mabait siya.Please give her a chance".pakiusap ni kyler.Kanina pa niya gustong kausapin ang mga ito dahil na a out of place na ang kababata nila.

"Kaya pala kinausap mo ako dahil parin pala kay ella.Kilala mo ako kyler,wala sa linya ko ang makikipagplastikan dahil kahit kailan ay hindi ako plastic na tao.Isa pa,ang alam ko ay hindi siya namin imbetado".wala siyang magawa kundi ang ipagtanggol din ang sarili.Hindi naman ata tama na magalit ang magkapatid dahil hindi nila nagusto si ella.

"Yna naman,napakaisip bata ninyo.grow up!ano ba ang ginawa ni ella sainyo ha?".hindi na alam ni kyler ang gagawin.Alam niyang nahihirapan na din si ella na mag adjust sa mga kasamahan.Kung tutuusin ay wala talaga itong ginawang masama.

"Hindi mo alam?una,mang-aagaw siya,gusto niyang makuha si skyler kay kim kahit na alam niyang kasal na ang mga ito.Pangalawa,ATTENTION SEEKER siya,gusto niya siya lang.Gusto niya lahat kayo ang angkinin niya,pati na ikaw".kulang nalang ay masasabunutan na niya ang binatang kaharap.

Nakakapanibago sa kambal na may ipinagtanggol ang mga ito na babae.Kadalasan ay wala silang pakialam kapag away ng mga babae ang pag-usapan pero dahil lang kay ella ay ganyan na ang ikinikilos nila.

"Tapatin mo nga ako kyler?may gusto kaba kay ella?".huli na ng marealize ni yna ang tinanong.

"Babalik na ako sa resthouse,magbobonfire na ata sila".napanganga si yna sa sagot ng binata.Halatang umiiwas ito sa usapan.May kung anong tumusok sa puso niya dahil sa narinig.Bago pa siya nakapagsalita muli ay tinalikuran na siya ni kyler.

"Lahat nalang ba sila ay may gusto kay ella?".kahit naiinis ay pinilit parin niyang bumalik.

"No WAY!"determinado niyang sabi sa sarili.Hindi siya makapapayag na maagaw ni ella ang mga mahal nila sa buhay.

----

Ayos na ang bonfire nang bumalik si yna.

"Sa'n ka galing sis?".sabay abre siete ng kakambal sa braso niya palapit sa mga barkadang nakapalibot sa malaking bonfire na ginawa nina tyron.Mabuti nalang dahil marami silang kahoy na pang gatong na nakuha sa likuran ng resthouse.

Halos lahat ng lalaki ay puro nakatopless pero may iilan ding nakasando.Ang mga babae naman ay lahat naka pampaligo.One piece o two piece.Ang kambal ay naka two piece pero naka see through dahil natatakot na mapagalitan ni tyron.Si kim naman ay naka black bikini at si aira ay naka swimming shorts na kulay green at black na sleeveless.Hindi naman kasi ito sanay na magsuot ng two piece o one piece.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon