46

3.1K 115 3
                                    



Chapter 46

A/N:one week po pala ang Prisaa.tamad na akong mag edit.

"Kimmy?pwede mo namang tanggapin na ulit si skyler e.Tingin ko seryoso naman talaga siya saiyo".pangungumbinse ni aira.Andito sila nakaupo sa pinakasulok na upuan dito sa loob ng gym.

Mamayang alas tres pa ang championship at alas dos palang ay andito na sila dahil baka daw maipit si kim mamaya kapag marami na ang tao.May iilan na din na nakapwesto sa likuran nila.May kanya-kanyang banner at pompoms para pang cheer kapag mag umpisa na ang laro.Sila naman ay may baloons na pahaba din na hawak.Kulay green.

Andito sila pumwesto sa second row pero sa pinakadulo.As expected ng lahat,ang Crysantemum University ang makakalaban nina tyron mamaya.

"Huwag kimkim.Ganyan lang naman ang mga lalaki e,bobolahin ka,paasahin,lahat ng mabubulaklak na salita ay sabihin sa'yo pero kapag mainlove kana ay iiwan ka na nila.Naku!ganyan na ganyan sila.Mga PAASA!"pagkontra ni yna.Ang position nila mula sa pinakadulo sa left side ay si aira,ann,kim at yna.Kaya pakiramdam ni kim ay nasa gitna siya ng dalawa niyang konsensya Hindi nga lang niya alam kung sino ang demonyita at sino ang anghel.

"Palibhasa bitter ka!Wag mong idamay si kim sa pagka bitter mo sis.May baby na sila.Isa pa mahal ni skyler si kim.Obvious naman e".nakataas ang kilay na sagot ni ann.Medyo tumaas din ang boses nito.

"Kinakampihan mo ba ang manlolokong iyon?baka nakalimutan mo!sinaktan niya ang puso ni kim!ang manloloko ay MANLOLOKO!"tumaas na din ang boses ni yna kaya napatakip na si kim sa tainga.

"Wala akong kinakampihan,tinitimbang ko lang ang mga bagay-bagay.Lahat ng tao ay nagbabago kahit gaano man sila kagago at manloloko.May babae talagang nakalaan sakanya para mapabago siya".pagtatanggol na naman ni ann sa sarili.

Nakikinig lang si aira sa kanila.Sanay na siya sa ugali ng kambal.Hindi naman ito nag-aaway,minsan lang.Ngayon lang ata sila nagkasalungat sa paniniwala.

"Hindi yan totoo.Kita mo si kyler,manloloko.Tingnan mo ngayon.Humingi na siya ng sorry sa akin noon pero anong nangyari ngayon? niloloko parin niya ako!".nakaharap na sila sa isa't-isa kaya naiipit na si kim sa gitna at napatakip sa tainga dahil halos nagsisigawan na ang magkambal.

"Kita mo!sarili mo parin ang iniisip mo!magkaiba si skyler at kyler.Isa pa,paano ka lolokohin ni kyler e wala namang kayo.Ne hindi nga iyon nanligaw sa'yo e"
-ann

"Ang sama mo!parang hindi kita kakambal a.Ang sakit mong magsalita.Palibhasa hindi kapa nagmahal".nagtatampong sagot ni yna.Humina na din ang boses niya at malungkot na napayuko.

"Mahal kita,kaya nga sinasabi ko sayo ang totoo dahil ayaw kitang masaktan,gusto ko ng magising ka sa iyong kahibangan.Tingin mo,masaya ako kapag makita at marinig na iniinsulto ka ni kyler?kailangan ka ding sampalin ng katotohanan para matauhan ka".napupuno na siya.Sobrang nasasaktan siya sa mga pinagsasabi ng binata sa kakambal pero ayaw niya lang ipakita kay yna dahil ayaw niyang mas lalong masaktan ang kapatid.Ayaw kasi ni yna na kaawaan ng ibang tao.Matapang ito pero pagdating kay kyler ay nagiging tanga.

"Ganun na ba ako ka kawawa sa paningin ninyo?ganun na ba ako ka tanga sa harap ng mga tao?".napayuko siya at nilalaro ang mga daliri.Gusto niyang maiyak dahil tingin niya ay nanliliit na siya.

"Sa totoo lang?Oo".gusto din sanang sumabat nina aira at kim kaso natatakot sila na baka mas lalo pa itong masaktan.Tingin naman nila ay sapat na ang mga sinabi ni ann para matauhan ang kanilang kaibigan.

"E mahal ko talaga siya e,pero kung sa tingin ninyo ay ganun na nga ako katanga,sige!iiwasan ko na siya.Kung sabagay hindi naman kami nagkikibuan ngayon e.Tama kayo,parang balewala lang ako sakanya".malungkot na sabi ni yna.Napatingin siya sa babaeng nasa unahan nila na kakaupo lang kasama ang mga kaibigan.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon